Complications (One Shot)

310 3 0
                                    

may isa akong kaibigang babae na may ka Mutual Understanding o malalim na pagkaka-unawaan, at ikunwento nya sakin ang mga pangyayari bago nagkaroon ng COMPLICATIONS.

nagsimula ang kanilang LOVE STORY sa isang "Hi" at "Kamusta ka na?". sa ating mga kabataan ngayon ay hindi naman talaga naiiwasan magkagusto sa isang taong mabait, at concern sayo. halos, mag-iisang taon ng may gusto si Lalaki kay Babae. pero stable sila at wala pang masyadong away, makalipas ang mga araw ay nagkakamabutihan na ang dalawa at mukhang "nagkakainlove-an" na ang isa't isa. at nahulog na din si babae kay Lalaki. matipuno at mabait si Lalaki kaya naman sinasamahan nya si Babae sa mga pasyal o "gala" nito, kahit kasama ni babae ang mga kaibigan nya ay hindi naiilang si Lalaki. malaki ang kanilang pinagsamahan, at dumating na ang araw na niligawan ni Lalaki si Babae. hindi sinagot ni Babae si Lalaki. bakit? sapagkat sabi ni Babae ay hindi pa sya handa. ngunit hindi naman nagalit si Lalaki at sinabing "ok" lang ito sa kanya. at mukhang napatunayan naman ni Lalaki na kaya nyang magintay. sa isang taong panliligaw ni Lalaki ay hindi pa nagkaroon ng mga tampuhan o kahit anong awayan sa kanilang dalawa.

"VALENTINES DAY" February 14, Valentines day, lahat ng mga magka-relasyon ay nagpupunta sa iba't ibang lugar. May pasok sila non, pero hindi kinalimutan ni Lalaki si Babae, binigyan nya naman ito ng bulaklak at "kilig" naman si Babae! kumain sila at naglakad-lakad kasama ang mga date ng kaibigan nila. naging masaya naman ang araw nong Valentines day, at walang mga Complications. at kung meron man ay sigurong maliit na tampuhan lang iyon, at lumilipas din.

maraming araw ang nagdaan na nagsasama parin silang dalawa kahit hindi sila. pero dumating ang araw na, nagkaroon na sila na tinatawag na "Complications". madalas na hindi pagpapansinan at hindi pagtetext sa isa't isa. ngunit lumipas din ito. ngunit patuloy pa rin ang mga Complications nila sa isa't isa. masakit man kay Babae ay tinitiis nya na lang ito. meron palang hindi alam si Lalaki na matagal ng nililihim ni babae. Ano? SELOS "ngunit kanino?" sya si "babae#1" ngunit lumipas din ito dahil malaki naman ang tiwala ni babae kay Lalaki, ngunit meron pang isang pinagselosan si Babae, eto naman ay si "Babae#2" dito naging malala ang tampo, o selos ni babae. kahit hindi alam ni Lalaki ang "Selos Thing" ni babae ay nanahimik na lang si babae. 

isang araw ay, hindi sinasadyang nabasa ni babae ang mga text ni "babae#2" masakit para sa kanya ang mga nakitang mga text ni "babae#2" kay Lalaki.at dun na nagsimula ang "MEDIUM COMPLICATIONS" o malapit ng pumutok ang inis ni Babae!!

dito na nangyari ang mga hindi inaasahan tulad na lamang ng sumbatan at kung anu-ano pa. at ang napansin ni babae ay parang walang "Concern Thing" si Lalaki kay Babae. kumbaga e, hindi nararamdaman ni Lalaki ang "SELOS" na tinatago ni babae, kahit alam nyang kapag sinabi ni "Babae#2" ang salitang "I LOVE YOU". pinaliwanag sakin ni Babae kung bakit ganun. e, sabi naman ni Babae ay dahil Kapatid ito ni Lalaki. pero yung "Kapatid-Kapatiran" lang. pero iba ang naramdaman ni Babae sa pagsabi ni "Babae#2" ng "I LOVE YOU" dahil paulit-ulit ang pagsabi nito. at mukhang sumasagot naman si Lalaki ng "I LOVE YOU TOO". ngunit hindi parin pinansin ni Babae ang mga salitang sinabi ni "Babae#2" kay Lalaki. hanggang sa dumating ang araw na halos, wala ng pansinan. wala ng "Hatid dito, Hatid doon", wala na ring pansinan sa personal o kahit man lang sa TEXT ay walang pagpaparamdam ni Lalaki. napilitan namang itext ni Babae si Lalaki.

nagreply naman si Lalaki pero parang napilitan lang sya itext si Babae dahil parang hindi man lang nagalala si Lalaki kay Babae. nagpatuloy pa rin ang hindi pagpapansinan nilang dalawa. kung dati'y tawagan nila ay, "MAHAL" at kung anu-ano pa. ngayon ay bumagsak na lang ang tawagan nila sa "TOL, DRE" at kung ano-ano pa.

 - sabihin na nating maraming paraan ang pagbabati sa isang hindi maintindihan na relasyon, maraming mga pwedeng gawin o isipin para magkabati. pero ang masasabi ko lang ay lahat naman ng problema ay madadaan sa isang magandang usapan. kasi, minsan kapag nagaway lang ng isang beses, wala na agad pansinan, walang text, at wala na yung dati. pero ang nangyari kina babae at lalaki, pagkatapos ng mahabang hindi pagpapansinan at walang text-text sa isa't-isa, nagsimula ang muli nilang pagpapansinan sa isang SORRY lang. nakakagulat diba? dahil kadalasan sa mga kabataan ngayon ay hindi nadadaan sa isang "SORRY" lang para magkabati ang isang magkarelasyon. dahil hindi naman sila tunay na mag-"GF/BF" kaya dapat nilang patawarin ang sarili nila kung may nagawa man sila. At muli namang nagpatuloy ang LOVE STORY ni Babae at Lalaki. malaki man ang naging problema ay naging maganda pa rin ang pagsasama nila. naging maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa. at naniniwala sila na kahit walang "commitment sa isa't isa ay kaya pa rin nilang mahalin ang isa't-isa! kaya naman dapat hindi tayo susuko kahit ano pang mangyari. kung alam mo sa sarili mo na deserving ka para sa kanya, ang tadhana na ang huhusga ng mga ito. -

Moral Lesson: maging mapagpasensya kung alam mong may problema ang iyong partner, hindi mo naman siya kailangang madaliin, para na rin sa ikabubuti ng nalalapit nyong relasyon, at dapat nyo ring gampanan ang papel nyo sa isa't isa. at para magkaroon kayo ng maganda at masaganang relasyon. ♥

#maraming salamat sa pagbasa mo ng kwento ko! sana may maganda ka ring LOVE STORY! follow me @twitter- @rl_rawks/ 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 13, 2012 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Complications (One Shot)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora