Chapter 12

107 1 0
                                    

Mia POV

"SIGE na kasi Amazona sumama ka na sa birthday ni Bea "nagmamakaawang Sabi ni Jayvee sa akin

"Bakit ako sasama Jayvee hindi ko naman sya close "

"Bahala ka ikaw rin pag may lumapit sa akin na babae doon magsisi ka "banta na sabi ni Jayvee

Tinignan ko lang itong si Jayvee parang baliw na niyaya ako na sumama sa kanya sa birthday ni Bea , Hindi ko naman yun close kaya bakit ako sasama

"Ako pa talaga tinakot mo Jayvee ? "Tanong ko dito

"Sige na kasi Amazona sumama ka na nandoon naman ako "pagpipilit ulit sa akin ni Jayvee

"Kailan ba ? "Tanong ko

"Sa Sunday Amazona "sagot ni Jayvee

"Sige sasama ako tutal pupunta naman yata doon si Krisha "Sabi ko

"Yes ! "Masayang sabi ni Jayvee at niyakap pa ako ng mahigpit

"Hindi na ako makahinga Jayvee "tinapik tapik ko pa yung balikat nya

"Sorry Amazona "nakangiting sabi ni Jayvee

"At isa pa Jayvee diba may trabaho ka ? "Tanong ko

Ngumiti lang si Jayvee at napakamot sa ulo "Umalis na muna ako sa office Amazona kasi namiss kita "Sabi nya at hinawakan nya pa yung kamay ko

"Palagi naman tayong nagkikita Jayvee "Sabi ko

"Sumakay ka na lang Amazona ang hirap mong pakiligin "asar na sabi ni Jayvee

Napangiti na lamang ako sa sinabi nya

'Yun ang akala mo '

"May sinasabi ka Amazona ? "Tanong ni Jayvee habang nilalaro nya yung kamay ko

"Wala "

"Kailan ka ba na papayag na magpakasal sa akin Amazona ? "Tanong ni Jayvee

"Diba na pag-usapan na natin toh Jayvee , gusto ko muna na makuha yung loob ng mommy mo "Sabi ko

"Nakakabadtrip na si Mommy imbes na tanggapin kana para magpakasal na tayo ayaw nya hayysss "inis na sabi ni Jayvee

Natatawa lang ako sa sinabi ni Jayvee "Baliw ka talaga Jayvee , naiintindihan ko naman yung mommy mo . Mahirap na tanggapin ang katulad ko "

"Anong mahirap ? Sadyang ganoon talaga ang ugali ni Mommy masyado syang judgemental sa lahat "Sabi ni Jayvee

Napangiti na lamang ako sa kanya at hinawakan ko yung buhok ni Jayvee

"Maghintay pa tayo ng kaunting panahon matatanggap rin ako ng Mommy mo "nakangiti kong Sabi kay Jayvee

Napabuntong hininga na lamang si Jayvee at sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko

Nawala na lang yung ngiti ko ng maalala ko kung papaano ako ayawan ng Mommy nya para sa akin

*****FLASHBACK *****

"I told you stay away to my son Mia , ipapahamak mo lamang sya !!! "Galit na sabi ng Mommy ni Jayvee

"Tita hindi naman po mapapahamak si Jayvee "

"Anong Hindi ?! Mapapahamak ang anak ko dahil jaan sa trabaho mo pwedeng mamatay ang anak ko once na balikan ka ng mga nahuli mo ?! "

"Mom ! "Bungad na sigaw ni Jayvee

"You , How many times to told you na hiwalayan mo na yang babaeng yan "

"Mom , Hindi nyo po hawak ang buhay ko Wala po kayong magagawa Kung Sino ang Mahal ko . Noon naman gustong - gusto nyo Mia pero ng malaman nyo kung anong trabaho nya inayawan nyo sya ?! "

"Nag-aalala lang ako sayo Son baka mapahamak ka habang kasama mo yang babaeng yan "malumanay na sabi ni Tita Celine

"Hindi po ako mapapahamak mom . Kaya ko po yung sarili ko at Kung ayaw nyo talaga Kay Mia Wala na po akong magagawa doon .... Tara na Mia "Hinila na ako palabas ng bahay nila

"Tama yung Mommy mo Jayvee mapapahamak ka habang kasama ako "sabi ko

"I don't care "

"Ayoko na dahil sa akin malalagay sa panganib yung buhay mo Jayvee .... Let's break up "

Napahinto naman sa paglalakad si Jayvee at humarap sa akin

"What ? "

"Maghiwalay na tayo ayoko na mapahamak ka "

"No , wag mong isipin yung sinabi ni Mommy sayo "sabi ni Jayvee at hinawakan nya pa yung mukha ko

Napaluha na lamang ako dahil sa sobrang sakit mabilis naman akong niyakap ni Jayvee

"Shhh... Tumahan kana Amazona "

"Alam ko naman na masama akong tao pero hindi ko naman hahayaan na malagay ka sa panganib Jayvee "umiiyak na sabi ko

"I know kaya tumahan kana Amazona"

***** END OF FLASHBACK *****

Mula non palagi ko ng sinusuyo yung mommy ni Jayvee para bumalik ulit yubg tiwala nya sa akin na hindi ko hahayaan na mapahamak si Jayvee dahil lang sa trabaho ko.

Tumingin ako kay Jayvee na ngayon ay natutulog sa lap ko, hinipo ko yung buhok nya habang sya natutulog lang ng mahimbing

"Kunti na lang Jayvee makukuha ko ulit yung tiwala ng mommy mo sa akin at pwede na tayong magpakasal "

Life after Marriage ( Completed) TCAHB #2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ