Chapter 18

2.9K 66 4
                                    

FEELING better and alive again, Eba confidently walk inside the restaurant. Her and her dad are finally reach out at masasabi nyang ayin na ang isa sa mga masasayang bagay na nangyari sakanya. Maluwag na rin nyang nakwento dito ang tungkol kay Adam at ang nangyari sakanila and her dad give her an amazing advice although gusto nitong sugurin si Adam sa condo nito at bugbugin pero naalala nya na mapanganib nga pala si Adam and her dad can't stand against Adam kaya pinigilan na nya agad ito.

Now, alam na nya kung ano ang gagawin nila sa relasyon ni Adam, ang kailangan lang ay makausap nya ito pero ang tinamaan ng lintek ay hindi sinasagot ang mga tawag nya, ayaw din naman nyang pumunta sa condo nito dahil baka imbes na mag-usap sila ay mauwi lang sila sa kama. Pagdating pa naman kay Adam ay marupok sya kaya nag-decide sya na tawagan na lang ito mamaya.

For now, may ahas muna syang kailangang harapin.

Nang makita na nya ang babaeng nakasuot ng t-shirt at jeans ay agad na syang naglakad palapit dito at umupo sa harap nito pero mukhang na-sense na nito ang presensya nya dahil hindi ito nagulat sa bigla nyang pagsulpot.

"I'm glad you came, Ms. Eba."

"Trust me, I really don't want to see you."

Ngumiti lang ito sakanya at ilang sandali pa'y dumating na ang waiter at kinuha ang order nila bago umalis. Ilang minuto pa silang tahimik until the waiter place their food to the table.

"So magtitigan lang ba tayo dito because I don't have time in the world para makipagtitigan sa mga hampas-lupa."

Sandali naman itong natigilan dahil sa pagmamaldita nya bago ito tumikhim.

"I just want to correct everything kaya gusto kong makipagkita sa'yo."

Nasa opisina sya noong tumunog ang cellphone nya. She thought first it's Adam kaya sinagot nya yun without looking into caller pero in her disappointment, boses ng ahas na nagngangalang Sheena ang tumawag sakanya at gusto syang makita. First, she refused but she's so persistent kaya pumayag na din sya.

"Go ahead and talk so I can't see you anymore." sabi nya.

"First, I want to say na walang nangyari sa amin ni Adam noong nakita mo kaming natutulog sa kama, it's just happened that our target is in that hotel and idagdag pa na umulan ng malakas kaya maraming tao ang nag-check in ng araw na yun so we have no choice kundi ang magsama sa isang kwarto and sa sobrang pagod namin, di na namin napansin na nagkatabi kami sa higaan."

Napataas naman ang kilay nya sa mga sinabi ni Sheena. "Mission? What mission?"

Sheena heaved a sigh bago seryosong tumingin sakanya. "You know that your boyfriend is member of an organization, right?"

Tumango lang sya dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin sya. Sino ba ang babaeng ito? At anong kaugnayan nito kay Adam that she needs to be with Adam in one mission?

"Eba, I'm Herrera Family's tracker and basically Adam Herrera is my boss."

Natigilan naman sya sa siniwalat ng dalaga bago nya hinilot ang sentido.

"And? What about the time na nakita kita sa mall na hinahabol ang sasakyan namin?"

Umingos naman ito. "Well, your boyfriend is offer me to take me home pero mukhang nakalimutan nya nang makita ka nya kaya iniwan nya ko." napailing naman ito. "Napagastos tuloy ako sa pamasahe."

Nagtaas naman ulit sya ng kilay. "Mukhang close kayo ng boyfriend ko."

"We've been competing in academics and contest back on college and unfortunately, your boyfriend always beat me and that time, he start calling me 'Dos'."

So sya din pala yung Dos na kausap ni Adam but one thing, she realized is hindi nagsisinungaling si Adam nang sabihing business ang aasikasuhin nito and she just waste her tears for nothing.

"Bakit kasi di agad nagpaliwanag ang damuhong yun?"

"Ngayong napaliwanag ko na ang side ko, it's my boss turn to explain his side to you."

"Nasaan ba si Adam?"

"You're the girlfriend yet you don't know where is your boyfriend?" nang-iinis na sabi nito.

Nainis naman sya sa inakto nito kaya masama nyang tiningnan ito. "Are you going to answer me or ipampaligo ko itong kape sa'yo? Choose."

"Geez! So meanie, I wonder why Adam crazy over you." but Sheena backing out nang hawakan nya ang cup ng kape at inangat ito. "Okay. Okay. Boss Adam is currently in mission to track down our enemy kaya hindi mo muna sya makikita ng ilang araw."

Pinagkrus naman nya ang mga braso nya. "Aren't you a tracker? Bakit nandito ka at si Adam ang gumagawa ng trabaho mo?"

"I just have a work here kaya sinamantalan ko na rin ang pagkakataong makausap ka." Sabi nito saka sumimsim sa kape nito. "So just wait for my boss because I'm sure magpapakita din yun sa'yo one of this day and don't worry to much."

She just rolled her eyes sa sinabi nito. Of course! Mag-aalala sya dahil nasa panganib ang boyfriend nya. She might not know all about the organization that Adam in, she sure na malalaking tao ang binabangga ng mga ito kahit pa sabihing magaling sa pakikipaglaban si Adam. Even a great warrior gets one or two wounds too.

Tumayo na sya sa pagkakaupo at kinuha ang bag nya.

"You're leaving?"

"I told you I'm busy so I'm going first."

Pero bago sya umalis ay bumaling muna sya kay Sheena na tumayo na rin. "By the way before I forgot" ngumiti naman sya ng matamis dito bago isang malakas na sampal ang pinadapo nya sa pisngi nito.

Nagulat hindi lang ito kundi ang mga tao sa loob ng café dahil sa ginawa nya.

"That's for hugging my boyfriend. See you later or...never." Then she confidently walk outside the café.

Napabuntong-hininga sya nang makarating sya sa tapat ng sasakyan nya. Hindi pa rin naaalis ang pag-aalala nya kay Adam, kung alam lang nya na sasabak ito sa isang misyon, sana sinagot na nya ang tawag nito.

She never felt this regretful in her life.  Minsan talaga ang pride nya ay walang maidudulot na maganda and now, she really regret of ignoring Adam at posibleng mawala ito nang hindi sila nagkakaayos. Napakuyom naman sya ng kamao.

"You better be safe, Adam. I am waiting for you."

Akmang papasok na sya ng kotse nang biglang may panyo ang tumakip sa bibig nya at agad nilukob ng kaba ang dibdib nya nang maamoy ang masangsang na amoy ng chloroform.

"Hmmmp! Hmmp!" Help! Adam help me!

Sinubukan nyang magpumiglas sa yakap ng kung sinuman pero sadyang malakas ito hanggang sa tuluyan na syang makaramdam ng pagkahilo at nagdilim ang paningin nya.

----

Omo! Two chapters to go and matatapos ko na ang storya ni Eba Adam. So be ready with series two, guys.




































Hottie_Jenn

Bachelors' Desire Series 1: Adam HerreraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora