Unang Bahagi

181 3 0
                                    

     Kasalukuyang nasa harapan ng Church of Gessu sa Ateneo De Manila University si Garrick o mas kilala sa tawag na Isagani. Hindi niya alam kung bakit Isagani ang tawag sa kanya, siguro'y dahil taga-Cavite sila at hindi sanay ang mga tao sa pangalang kakaiba, dapat siguro'y Garri na naging Gani na humantong sa Isagani. Mas gusto nga niyang tinatawag siyang Isagani, mas tunog Pilipino. Mataman niyang tinintingnan ang kanyang lab report habang nakaupo sa bench sa harap ng simbahan. Oras na ng misa sa simbahan at panay ang dating ng mga tao.


Sandali siyang napahinto at tinitigan ang kumpol ng maraming tao papasok ng simbahan. Isang magarang kotse ang huminto sa gilid at lumabas dito ang dalawang maputing babae na tila pinaliguan ng gatas. Si Madam Victoria— kilala niya ito dahil siya ang palaging nagbibigay ng tulong sa Church of Gessu kung saan ang kanyang tiyuhin ang Pari. Napatitig siya sa magandang dalaga na kasama nito. Maputi, balingkinitan at talaga namang napakaganda niya. Kahit siguro hindi siya maputi ay maganda pa rin ito. Napapatingin ang mga tao sa magandang binibini at nagtataka kung sino ba ang kasamang ito ni Madam Victoria.


     Inaya na siya ni Leo na kanyang kaibigan na pumasok sa simbahan upang sumama sa misa. Pagkatapos ng misa ay tinawag siya ng kanyang tiyuhin na si Father Florentine. Nagulat siya nang ipakilala siya nito kay Madam Victoria, ngayon lang niya nakadaupang palad ang Madam. Gayundin ay ipinakilala sa kanya si Paulita o mas kilala sa tawag na Paula dahil ayaw daw nitong magpatawag sa kanyang tunay na pangalan. Tinitigan niya ito at binigyan siya ng dalaga ng isang matamis na ngiti. Parang tumigil saglit ang mundo ni Isagani. Nalaman niyang kababalik lang nito galing ng Europa at doon nagtapos ng pag-aaral. Pagkatapos ay inanyayahan sila ni Madam Victoria sa labas upang mananghalian.


     Tahimik lamang si Isagani sa pagkain at nakikinig sa kwentuhan ng kanyang tiyuhin at Madam Victoria tungkol sa kanyang asawang nawawala na si Don Tiburcio. Napatingin si Isagani kay Paula na nakatitig din sa kanya at binigyan ulit siya ng isang ngiti. "Itong si Isagani ay isang iskolar. Gusto niyang maging family doctor. Pero magaling 'yang magsulat ng tula at laging nananalo sa patimpalak." Sabi ng kanyang tiyuhin. Ngunit parang bingi na si Isagani sa paligid niya habang nakatitig kay Paulita. Nang araw nga na iyon, alam na ni Isagani na si Paulita ang babaeng nagugustuhan niya.




     Makaraan ang ilang buwan ay naging magkasintahan ang dalawa. Anim na buwan niya itong binuno. Boto naman sa kanya si Madam Victoria kaya naging madali ang lahat. Ngayong araw ay may date sila ni Paulita, balak niyang dalhin ito sa isang magarang mall. Mahilig kasing mag-mall si Paulita. Noong nasa Euoropa raw kasi siya ay palaging siyang nasa mall kasama ng mga kaibigang Europeo.

Hawak niya ang kamay ng dalaga habang naglalakad at sa kabilang kamay naman ay hawak nito ang bago Birkin bag ni Paulita. "Kilala mo ba si John Pelaez? Sa ADMU rin siya nag-aaral, sabi niya classmate mo raw siya." Tanong ni Paulita sa kanya.

"Oo. Kilala ko siya. Pa'no mo nga pala siya nakilala, Paula?"

"Sa gathering na pinuntahan namin kahapon. Diba dapat nandoon ka... kaso nasa rally ka."

Tumingin si Isagani sa mata ni Paula na tila ba nakikiusap, "Nga pala baka bukas hindi ako makapunta ng misa."

"Why not? Diba malapit lang doon ang college mo?"

"Kasama kasi ako sa rally bukas—" hindi pa niya natatapos sasabihin nang bitawan ni Paula ang kamay niya at umatras. Tinignan niya ito, napakaganda ng mukha niya kahit galit samahan pa ng kanyang banyagang pananamit at mataas na sapatos.

"Ano bang napapala mo sa pagra-rally na 'yan? Kahapon lang nadoon ka." Bakas sa boses niya ang inis. Inirapan lang siya nito at hindi sa sumagot sabay lakad palayo sa kanya. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa likuran ng mall kung saan ay tanaw ang dagat. Mahangin ang paligid at ni isa sa kanila ay walang umiimik. Tanging ang marahang tunog ng agos ang siyang humahati sa katahimikan. Malalim na bumuntong hininga si Paulita, "Ano bang meron sa rally na 'yan?"

"Pinaglalaban ko ang bansang 'to, ang karapatan ng bawat isa."

Umirap si Paula at hinarap siya, "Alam mo kahit anong mangyari di pa rin mababago ang bansang 'to. Kahit ilang beses pa kayo sumigaw di nila kayo papakinggang dahil sila 'yung nasa kapangyarihan. You think they will listen to someone like you?"

"Paula, hayaan mong ulitin ko sa'yo ang sinabi ko sa aking tiyuhin. Ang gobyerno ang dapat nagsisilbi sa mga tao, at ito ay pinamumunuan ng mga hindi perpektong tao dahil wala namang perpekto... kaya naman kailangan din nilang makinig sa suhestiyon ng mga taong nasasakupan nila at at hindi para gawing sunud-sunuran ang mga ito." Matalim siyang tiningnan ni Paula at humalukipkip, "Garrick, umuwi na lang tayo. Pagod na ako." Hindi niya alam kung anong ikinalulungkot niya sa puntong ito. Dahil ba pakiramdam niya ay walang pakialam si Paulita sa sariling bansa at mga mamamayan nito dahil maayos ang kanyang pamumuhay, o ang pagtawag sa kaniya nitong Garrick at hindi pa rin pagtawag nito sa kanyang palayaw gaya ng kanilang napag-usapan.

My Dear Isagani (From Isagani of El Filibusterismo)Where stories live. Discover now