Ikalawang Bahagi

53 2 0
                                    


     "Patuloy nating ipaglalaban ang karapatan ng mga nasa laylayan isigaw ang ating panawagan!" Malakas na sigaw ni Isagani. Maraming estudyante at mga mamamayan ang sumama sa rally. Isa siya sa mga nangunguna. Malakas ang loob ni Isagani na sabihin ang mga hinaing at sigaw ng bayan. May balita kasing ipinasara at ipinagiba ang ilang paaralang Lumad, at ang patuloy na panggigipit sa mga magsasaka. Nalulungkot si Isagani dahil tila ba walang karapatang mabuhay ng normal ang mga taong nabanggit kagaya ng mga taong nasa gitna o taas. Habang nagsasalita ay may biglang humablot sa kanya, puwersahang siyang pinatalikod at pinosasan. Dinala siya at ng ilan sa kanyang mga kasama sa kulungan. Makalipas ang tatlong araw ay binisita siya ni Paula. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ang kasintahan. Niyakap niya ito at inayang maupo. Palinga-linga si Paulita sa paligid. Nasusulasok siya sa kanyang nakikita, "Isagani kailangan mo nang makalabas dito. Paano mo nakakayang matulog sa ganitong lugar?"

"Sanay na ako."

"Kung ako sa'yo tinigil ko na 'yung rally-rally na 'yan. Tingnan mo nga ang nangyari sa'yo. Di ka na nakakapasok ng school. May record ka na sa kulungan. Ano na lang mangyayari sa pangarap mo?"

"Makakalaya pa naman ako. Normal lang 'tong nangyayari." Sagot niya. Napairap ang dalaga sa sinagot niya. Tuwing pinag-uusapan nila ang ganitong bagay lagi na lang itong umiirap, bagay na naiintindihan niya dahil magkaiba sila ng paniniwala. Maya-maya'y tinitigan siya ng dalaga sa mata at nagtanong "Mahal mo ba talaga ako?"

"Hindi mo na kailangan itanong 'yan dahil alam mo na ang sagot. Mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa bansang 'to. Kaya kong maging aktibista ng puso mo. Bago ka dumating, ang bansang ito ang naging mundo ko, ang pinakamamahal ko... pero nang dumating ka ikaw ang pumuno sa nawawalang parte nito." Sabay turo sa kanyang puso.

"Kung ganoon naman pala, ayokong may kahati sa puso mo kahit bansang 'to."

Biglang natigilan si Isagani. Kitang-kita niyang seryoso si Paulita. Hindi siya nakaimik ng matagal. "Kung hindi mo kaya hanggang dito na lang tayo." Tumayo ito at hindi na siya tiningnan pa. Iyon ang huling beses na nagkausap ang dalawa. Para namang sinaksak nang isang milyong beses ang puso ni Isagani.



     Makalipas ang isang buwan ay nakalaya na si Isagani. Pyinansahan siya ng kanyang tiyuhin at siya'y nakabalik na ulit sa eskwelahan. Hanggang ngayon dala pa rin niya ang sakit sa paghihiwalay nila ni Paulita. Gusto niyang makausap ito upang makapagpaliwanag ngunit naging mailap ang dalaga at ayaw magpakita sa kanya. Tila nawalan siya ng gana gumawa ng mga bagay.

Kasabay niyang nananghalian si Leo, matagal siyang tinitingnan nito kaya tinanong niya ito kung bakit. Nag-aalilangan si Leo na sabihin sa kanya ang kanyang nalaman ngunit naisip niya na mas mabuti pang malaman na rin ni Isagani nang maaga, "Si John at Paula na. Nakita ko sila noong isang gabi na magkasamang nanood ng play. Tapos naka-post din sa Instagram ni John 'yung picture nilang dalawa at kagabi nakita ko si Paula sa sasakyan ni John." Biglang gumuho ang mundo ni Isagani at nakaramdam ng galit. Ganoon pala siya kabilis kalimutan ng dalaga pagkatapos ng matagal na panahon nilang pinagsamahan. Napansin ni Leo ang reaksyon ni Isagani kaya pinagsabihan niya itong mag-isip at huwag magpadala sa galit at sakit na nararamdaman.


Inayang muli si Isagani na sumama sa isang rally ngunit nitong nakakaraan ay lagi niyang tinatanggihang sumama sa protesta. Iniisip niya na siguro kung hindi siya sumama rito ay hanggang ngayon sila pa rin Paulita. "Hindi ka ba sasama sa rally?" Tanong ni Leo sa kanya. Nag hindi niya mapilit ang kaibigan ay sinabi niya ang balak nila "Katuwang ang mga NPA sa rally. Sila ang papasok sa loob at maglalagay ng bomba." Biglang natigilan si Isagani. Ang alam niya'y simpleng rally lang ang gagawin ngunit may iba pa silang balak? Ang mas ikinabahala niya ay ang pagtitipon na ito ay dadaluhan ng mga maykapangyarihan at pinaka mayayaman sa lipunan kasama na si Paula at kanyang tiyahin na si madam Victoria.

Nang araw na iyong kung saan may rally ay naghanda siyang sumunod sa mga ito, hindi upang makiisa sa kilusan kundi para balaan ang mga tao. Gumamit siya ng ibang numero at saka tinext ang mga kakilala niyang dadalo sa event. Isa rin sa mga pinadalhan niya ng mensahe si Paulita at sinabing umalis na sa lugar, kahit na nagawa siyang ipagpalit nito agad ay hindi niya kakayaning mawala ito.



    Natapos ang rally at walang naganap na pagsabog. Dahil sa text message ay mabilis nakaalis ang mga tao sa naturang pagtitipon. Hinahanap na ngayon ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng mga ito. Kasabay nito ang pagtataka ng mga tao kung sino ang nagpakalat ng chain message tungkol sa nasabing bomba. Hindi alam ng lahat na si Isagani ang may gawa nito.

Patuloy pa rin ang pangungulila ni Isagani sa dalaga. Masakit pa rin sa kanyang naipagpalit siya nito at pinapili kung bayan ba o siya. Ngunit para kay Isagani pareho niyang mahal ang dalawa, ngunit hindi pala katumbas ng pag-ibig niya kay Paulita ang pag-ibig nito sa kanya. Kaya naman si Isagani—kahit nasasaktan ay patuloy na lalaban para sa pag-ibig niya sa bayan. Dito niya na lang ibubuhos ang kanyang atensyon. Susulat muli siya ng panibagong tula hindi tungkol sa romansa at pag-ibig sa isang magandang dilag kundi para sa inang nangungulila sa kanyang anak. Isang tula ng pag-ibig para sa bayan na kahit kailan ma'y hindi siya magagawang paasahin o saktan.

My Dear Isagani (From Isagani of El Filibusterismo)Where stories live. Discover now