Chapter 1

420 47 0
                                    

Skylar's Point of View

Being in love is the best feeling in the entire world, yet it can also be frustrating if you don't know whether they love you or not.

I am Skylar Garcia, and I'm proud to be in unrequited love with my best friend, Cain Velasquez.

We grew up together, and he is always my first in everything. My first friend, first childhood sweetheart, and my first love.

Pero wala e, wala akong lakas ng loob na umamin. Mas gugustohin ko nalang na maging best friend kaysa mapunta nalang sa wala ang lahat ng pinagsamahan namin.

"Hoy, Skylar! Anong ginagawa mo rito? Tara na sa room mo, ihahatid na kita," biglang sulpot ni Cain.

Yes, we are always together, na isa rin sa mga dahilan kung bakit mas na-fall ako sa kan'ya. Maalaga kasi ito at hindi ka pababayaan.

Tumango na lamang ako sa sinabi nito at naglakad na papunta sa akinh classroom.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa room ko.

Hindi kami magkaklase dahil magkaiba kami ng course na kinuha, ayaw ko naman na sundan siya dahil baka mahalata nito ang totoo kong nararamdaman.

"Sige umalis ka na, baka mamaya ma-late ka na naman tapos ako ang sisihin mo," pagpapaalis ko sa kan'ya na kunwari'y galit. At isa pa, ayaw ko na inaabala si Cain dahil sino ba naman ako? Best friend lang naman.

Pagkapasok ko sa aming classroom ay kaagad kong napansin ang magandang babae na nasa unahan, ang ganda nito!

I think may lahing banyaga siya dahil sa kulay ng kaniyang mata at sa kutis nito. Mukhang madadagdagan na naman kami ng magandang classmate.

Hindi nga nagtagal ay dumating na si ma'am at 'agad na pinatayo 'yung babae na nasa harapan.

"Class listen, she's Claire Miller, your new classmate. Please be nice to her," iyon lang ang sinabi ni ma'am bago tuluyang nag-discuss.

AFTER 1 hour at natapos na rin sa pagtuturo si ma'am, sa wakas! Kanina pa ako nagugutom.

Mabilis akong tumayo upang dumiretso sa canteen, for sure ay nando'n na si Cain. At tama nga ako dahil pagkapasok ko palang ay nakita ko na 'agad ang gwapo nitong mukha.

Sa lahat kasi ng lalaki rito ay ang mukha ni Cain ang nangingibabaw sa kagwapuhan, sinabi ko 'yun hindi dahil gusto ko s'ya kundi dahil iyon ang totoo.

"Bespren, nand'yan ka na pala!" nakangiting sigaw nito ng makita ako mula sa malayo.

Naiiling nalang ako na lumapit sa lamesa na katabi nila bago umupo. Mabilis naman itong nagpaalam sa iba pa niyang mga barkada at umupo na rin sa aking harapan.

Ganito lagi ang set-up namin, kahit na may mga bago na itong kaibigan ay hindi niya ako nakakalimutan. Ano ka ba naman, Cain! Hulog na hulog na ako, tama na.

"Order ka na, bilis!" utos ko at kakamot-kamot sa ulo naman itong sumunod. Hindi nagtagal ay dumating na rin ito habang dala-dala aming pagkain.

Napakunot naman ang aking noo dahil parang namumula ang pismgi niya, anyare?

"Hoy, bakit ang pula ng mukha mo?" tanong ko. Kita ko naman ang pagtingin nito sa counter kaya naman tinignan ko rin kung ano ang meron doon.

"Bespren narinig ko bago n'yong kaklase 'yun, anong name niya?" tila nahihiyang tanong nito sabay turo kay Claire.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit dahil never akong tinignan ng gano'n ni Cain. I know I'm not his ideal girl, and I know na wala akong chance pero umaasa pa rin ako.

"Feeling ko na-love at first sight ako," kinikilig pa nitong saad na may pahawak pa sa kaniyang dibdib.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin dahil feeling ko anytime ay maiiyak na ako.

Bakit hindi nalang ako?

"Hoy! Hindi ka na naimik d'yan!" Tapik nito sa akin kaya mabilis akong ngumiti at tumingin sa kan'ya para hindi nito mahalata ang nararamdaman ko ngayon.

Ayos lang 'yan, Skylar! Kung saan siya masaya i-support mo nalang!

"Ahm, bespren may request sana ako," sambit nito na parang nahihiya pa sa akin.

"Ano na naman 'yon?" tanong ko habang pilit na hindi mapiyok.

"Ipakilala mo naman ako sa kan'ya." hindi kaagad ako nakasagot sa sinabing 'yon ni Cain dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang isasagot ko.

Ang sakit palang makita na 'yung taong minamahal mo ng five years na unti-unting nahuhulog sa ibang tao.

Tinignan ko ang mata nito at halata sa kaniya na gustong-gusto nito si Claire. Bakit siya pa, Cain?

"Bakit hindi ka na nakasagot d'yan? Na-pogi-an ka na naman sa'kin," pang-aasar nito sa akin.

Pilit naman akong tumawa bago sumagot, "Oo, sa sobrang pogi mo ang sarap mong isako."

"At least pogi."

Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nito.

"Bespren ipakilala mo ako, ha?" ulit na naman nito.

"Oo na, basta ilibre mo ako," sagot ko at kita ko naman ang mabilis na pagliwanag ng mukha niya at excited na tumango.

Ano pa ba ang magagawa ko kung 'yan talaga ang gusto mo? At least bago ako umalis alam ko na masaya ka.

***
to be continued...

Dear Cain (Short Story)Where stories live. Discover now