Chapter Eight : "Favorite ex-girlfriend :)"

130 2 0
                                    

"Pang-ilang box ng tissue na ba ang nauubos mo?"  Kausap ko si Leng sa cellphone ko ngayon. Tatlong oras na akong umiiyak. "Ilabas mo lang teh. Hala sige pugain mo ang tear glands mo. Go lang ng go!" Nakikinig lang si Leng sa bawat hikbi ko sa cellphone. Hindi ko nga alam kung kaninong load ang sinasayang ko eh. "Masakit pa rin ba?"

"Oo." Bulong ko. "Ang sakit pa rin. Ang sakit pa rin talaga! Punyeta!" Binuksan ko na ang pang-anim na box ng tissue na hinanda sakin ng yaya ko. "Leng, ano 'bang meron kay Keza? Maganda din naman ako diba? Bakit ganun? Sabi ng nurse kanina, magandang-maganda ako. Kung maganda ako, bakit ako iniiwan?"

"Kasi pangit siya, Mia. Dahil pangit siya, hindi kayo bagay. Pangit si Nezi, maganda ka. Hindi kayo meant to be. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Marami kasing tanga diyan. Andiyan na nga sa kanila yung the best, naghahanap pa ng iba." Nag sigh si Leng sa kabilang linya. "Utang na loob, Mia! Kahit naman sabihin ko sayong pangit si Nezi at maganda ka, hindi ka naman titigil sa pag-iyak diyan eh! Girl," Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. "ga-graduate na tayo. Makakalimutan mo din siya Nezi. Tatawanan mo na lang siya in the future. Diba sabi mo mag-a-Amerika ka pagka-graduate mo? That's it! Bakit ka pa ba nag-e-emote diyan?"

"Kasi masakit pa rin Leng eh. Gusto ko iiyak. Ang gago kasi ni Nezi eh. Bakit ba niya ginagawa ang mga bagay na yun? Bakit niya ko sinayaw?! Kaysa magmove on ako, nabubuhayan pa ako lalo ng loob!"

"Bitawan mo na siya, Mia. Sabi mo bibitawan mo na siya diba? Eto na 'to. Gawin mo na. Tama na, girl."

"I'm trying."

"May darating pa, Mia. Sa Amerika, madaming hot dun! Basta ba wag lang dumugo ilong mo." 

"Gaga ka."

"Totoo nga."

"Mamimiss kita."

"Siyempre bestfriend mo ko. Mamimiss mo talaga ako."

"Ayokong umalis."

"It's the best for you."

"Salamat Leng ha. Kaninong load ba 'to?"

"Sayo."

"Ah."

"Okay ka na ba?"

"Medyo..."

"Kaya mo yan. Ilang weeks na lang, aalis ka na."

"Sana maging okay na 'ko."

"Good night."

"Good night."

---

Nagising ako nung sumunod na umaga na magang-maga yung mata ko. Pero okay lang. Kung kapalit ba naman nun eh maayos na puso, why not? Naging mabilis ang mga linggo para sakin. Ang hirap pala talaga magmove on. Andaming proseso. Pero masaya ako sa nangyayari sakin ngayon.

Hindi ko na naiisip si Nezi.

Kahit na kaklase ko siya. Kahit na araw-araw nakikita ko siya. Kahit na lagi niyang kasama si Keza. Sa tingin ko, naging okay na ako. Nasanay na ako. Hindi ko na napapansin ang bawat galaw niya. Ang hirap nga nung una eh. Parang sanay pa rin ako na kapag may NEZI eh may MIA. Na kapag tinatawag ang pangalan ni Nezi eh parating kasali yung pangalan ko. Naramdaman niyo na siguro yung ganyan, diba?

Sa ngayon, graduation practices ang inaatupad naming lahat. Excited na din akong grumadweyt. Excited na akong pumunta ng Amerika. Yup, pupunta na ako dun. Dun na ako magco-college. Kung babalik pa ako dito? Hindi ko alam.

"Mia..." Paglingon ko, nakita ko ang mukha ni Nezi.

"A-anong kailangan mo?" May inabot siyang ticket.

"Last game ng Leopards. Gusto ng team na panuorin mo sila. Please." Sa Sabado na ang last game ng Blue Leopards. Last game na nila yun this year. Ga-graduate na kasi ang karamihan sa mga players. "Kahit eto na lang, Mia."

"Hindi ako sigurado." Tinignan ko si Nezi sa mga mata. Kumabog saglit yung dibdib ko, pero hindi na gaya ng dati na hindi ko ma-kontrol. Ngayon, nararamdaman kong unti-unting nawawala yung epekto ni Nezi sa akin. "May gagawin kasi ako sa araw na yan."

"Kahit sa second half ka na pumunta. Gusto lang nilang mapanuod mo sila. Don't be so selfish to them." Kinuha ko na ang ticket. "Thank you. I know you won't do it for me." Ngumiti siya. "Mia..." Bigla akong niyakap ni Nezi. "I'm sorry." 

He kissed my forehead.

"I wished I wasn't a terrible person like you've thought I am."

Pagkatapos nun, umalis na siya. Uhhhh, ano yun? Hindi ko maintindihan. Umalis na siya sa harapan ko bago ko pa man namalayan. Tinignan ko ang ticket. Para sa Blue Leopards? Hindi ko sila pwedeng hindi siputin. Magagalit sila Vince, sila Dean at yung iba.

Hindi na ako pwede maging favorite girlfriend ng team.

Pwede na siguro ang favorite ex-girlfriend :)

I CAN'T MOVE ON!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon