C-3

12.6K 128 3
                                    



EILA's POV

Hindi ako makakilos habang magkahinang ang mga labi namin ng ungas na to..

Gusto ko siya itulak tapos sasampalin ko siya.. kaya lang bakit hindi ako makakilos?

Naramdaman kong kumilos ang labi niya nangilabot ako..

Nabitawan ko lahat ng hawak ko at pakiramdam ko anumang oras bibigay na ang mga tuhod ko..

Pumikit ako ng mariin at tinulak ko siya.. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla..

"Hahahahahaha" napalingon ako sa babaeng tumawa..

Maganda siya at sopistikada ang dating..

Sinamaan ko ng tingin yung babae..

"Is she your girlfriend Onnix baby?" Tanong nung babae sa ungas na si Onnix..

"Yeah"

"No"

Sabay naming sagot, gago yata eh.. sabihing gf ako, e napakasungit niya sakin.

"Mukhang hindi mo muna siya kinausap para pareho kayo ng isasagot sa akin" maarteng sabi niya pa at humawak sa dibdib ni Onnix.."ipapaalala ko lang sayo Onnix baby, Ang pustahan ay pustahan, ilang monhts nalang ay matatapos na ang taong ito, bilis bilisan mo na" mabilis na hinalikan si Onnix sa pisngi, saka bumaling sa akin.. "By the way Im Hally Alexa Segismundo" at inilihad ang kamay niya sa akin..

Tinanggap ko nalang din ang kamay niya kahit ayoko., para lang hindi siya mapahiya..

"Mekayla Sandoval" sinabi ko narin ang pangalan ko..

"Nice meeting you, untill nxt time bye" tumalikod na siya sa akin at hinarap si Onnix.. nagflying kiss pa kay Onnix..

Nang mawala na siya sa paningin ko ay mabilis akong naglakad palabas ng mall.. iniwan ko lahat ng pinamili niya.. tutal pera nman niya ang masasayang kung iiwan niya ang lahat ng iyon sa mall..


ONNIX's POV

Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko ng halikan ko siya..

Sa dami bg babaeng nakahalikan ko ay kanya ako pinaka nag enjoy kahit ilang sigundo lang iyon.. dinilaan ko ang sarili kong labi habng tinatanaw ko siya palayo saka ako napangisi..

Wag na wag mo akong bibigyan ng pagkakataong gawin uli ito dahil hindi ako magdadalawang isip na halikan ka uli..

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang sang katerbang paper bag.. ako ba ang magbibitbit niyan lahat?

Badtrip..

Tapos ay napangiti ako..Isa-isa kong kinuha ang mga paper bag.. Ipagpasalamat mong masarap ang mga labi mo, kung hindi ay hindi ko dadalin ang mga to, lalo pa at hindi ko naman pera ang pinambili sa mga to..

Paglabas ko ng mall ay agad kong nilibot ang paningin ko.. hindi ko siya makita sa paligid.. hinatid ko muna sa kotse ang mga pinamili namin saka ko nilibot ang paligid ng mall..

Nasan naman kaya ang babaeng iyon,

Kung hindi ko lang inaalala ang galit ni Marcus ay hindi ko na siya hahanapin.. uuwi nalang akong mag isa..

My Cousin's Girlfriend Where stories live. Discover now