Chapter 25

275 8 4
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW



"P-paano?" Bulong ng dalaga. "P-paano mo ako n-nakilala?"


Napalunok si Erra at bumakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat at pagkalito. Samantalang ang binatang si J ay napasandal sa metal na pader habang buhat-buhat pa rin ang natutulog na si Heaven.


"S-sagutin mo 'ko!" Sigaw ni Erra.


"Nagkakilala na tayo noon." Tugon ng binata. Tumaas ang kilay ni Erra at pinulot ang baril na nasa sahig.


"S-sino ka b-ba?!"


Tumikhim ang binatang si J at napatitig sa mukha ng dalagang buhat-buhat. Habang si Erra naman ay magkasalubong ang kilay na nakatingin kay J.


"Tinatanong kita!" Sigaw muli ni Erra na bakas ang galit sa boses. "S-sino ka ba at paano mo ako nakilala?!"


"Ilang taon ang nakalipas at nagbago ka na nga," ani ni J. "Hanggang kailan mo itatago sa kaniya na ikaw si Maria?" Tanong ni J kay Erra.


Napatigil si Erra at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi umaayon ang kaniyang sarili.


"Hanggang kailan mo itatago ang katotohanang ikaw mismo ang nakabunggo sa sinasakyan ni Miko?"


Nanlaki ang mga mata ni Erra. Iniangat niya ang hawak na baril at itinutok ito sa binata. "H-how did you know?!" bulyaw ni Erra sa binata na hanggang ngayon ay blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha. "C-can you please s-shut your mouth?!" bakas ang inis sa boses ni Erra.


"Bakit? natatakot kang marinig ni Heaven?" Mapang-asar na tanong ni J.


"Just answer my questions! Who the hell are you?!" Pabulong na tanong ng dalaga na halatang nawawalan na ng pasensiya.


Hindi pa rin umimik ang binata na tila ba walang narinig. Balewala lang sa kaniya ang pagtutok ng baril sa kaniya ni Erra. Alam kasi nitong hindi iyon magagawa ng dalaga lalo't buhat-buhat niya si Heaven. Ilang segundo ang nakalipas ay kumawala ang mga usok at kasabay nito ang pagbukas ng pintuang metal na nasa harapan nila. Nauna namang lumabas si J at natagpuan ang sariling nasa isang malaki at madilim na silid na kung saan ay walang kagamit-gamit.


Nilibot muna ni Erra ang tingin sa kabuuan ng silid. Akmang ihahakbang na niya ang paa palabas nang biglang nagsarado. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napasigaw.


"The fudge--- J!"


Nabigla ang binata nang marinig ang boses ni Erra. Mabilis siyang napalingon at labis ang gulat at kaba niya nang biglang nagsarado ang pinto ng transportasyong sinakyan nila na para bang may pagkakahawig sa elevator.


Nagpakawala ng malutong na mura ang binata at dali-daling tumakbo palapit kay Erra. Maririnig ang malakas na paghampas ng baril ni Erra sa metal na pinto. Mabilis na ibinaba ni J si Heaven sa malamig na sahig. Hinampas naman ng binata ang pinto at pilit itong binubuksan ngunit marahas lamang siyang napasabunot sa buhok nang mapagtantong hindi niya basta-basta mabubuksan ito dahil nasa loob nito ang mga button na maaaring makapagbukas. Isa pa ay mayroon itong scanner sa loob na kung saan ay gagana lamang ito kung madedetect nito kung isa ka ba sa mga tao na mayroong control o namamalagi sa lugar na iyon.

The Healer 2Where stories live. Discover now