Chapter Seven: A new life with a new guy

15.8K 166 3
                                    

LEI'S POV

lsang buwan na nang magresign ako sa company ng ex ko na gumahasa sakin. Nasa bahay lang ako at napahawak sa maliit na umbok sa tiyan ko, oo nabutis ako dahil sa panghahalay sakin ni Liam. Nabalitaan ko rin sa mga dating katrabaho ko na naaksidente daw siya nang mabangga siya ng isang malaking truck at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Siguro ay maaga ang karma at naparusahan agad ang gago sa lahat ng ginawa niyang kababuyan sakin. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi niya makikita ang anak namin, ayokong makilala ng anak ko ang walanghiya niyang Ama. Nagulat naman ako ng biglang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay ko at pagsilip ko ng bintana ay nakita kong bumaba ng kotse si baklitang Fern.

"Hey BFF, nagpapakasenti ka na naman ba? Old school lang teh?"

"Ikaw Fernando San Jose, tigilan mo ako ha!" saway ko sa kanya.

Isang buwan na ang nakalipas at bumalik na din ang dating ako, ilang araw din kasi akong tulala dahil sa nangyari sakin. Ni kumain at magsalita ay hirap kong gawin dati, mabuti nalang at nandiyan si Fern para damayan ako hanggang sa natauhan ako at na realize ko na may dinadala na akong bata sa sinapupunan ko. Hinding-hindi ko hahayaang danasin niya ang mga naranasan ko, kung kailangang ilayo ko siya sa mga taong maari siyang saktan ay gagawin ko tulad ng walanghiya niyang ama.

"Uyy girl, joke lang naman yun no.. ikaw masyado ka talagang seryoso, mabuti pa sumama ka nalang sakin". Fern

"At saan naman tayo pupunta aber?". Ako

"Ano ka ba girl nakakatampo kana ah, diba friendship day natin ngayon?". Fern

"At sino namang nagsabi niyan?". Ako

"Edi ako, naisip ko kasi na wala pa tayong formal na friendship day, ilang dekada na yata tayong mag BFF no!". Fern

Napangiti ako sa mga sinabi ni Fern, alam kong ginagawa niya lang to para pasayahin ako, alam niya kasing malungkot parin ang puso ko dahil hindi ko parin makalimutan ang masasakit na parte ng buhay ko.

"Tumayo ka na nga diyan, magsho-shopping pa tayo at syempre my treat, bilhan din natin ng mga damit yang inaanak ko". Fern

Kinaladkad naman niya ako papunta ng kotse niya. Nasa loob na kami ng kotse ni Fern at sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan niya. Thanks Fern, dahil sayo ay natuto akong pahalagahan ang batang nasa sinapupunan ko at dahil sayo ay nawala sa isip ko ang planong ipalaglag ang baby ko. I'm so grateful na nasa tabi ko lagi ang BFF ko, hindi man ako yung taong vocal pagdating sa pag appreciate ng mga ginagawang effort ni Fern ay alam kong alam niya na pinapahalagahan ko siya bilang kaibigan.

Sa wakas after ng matagal niyang pagmamaneho ay nakarating na rin kami sa mall, inalalayan akong makababa ni Fern mula sa kotse at sabay kaming pumasok sa loob. Kumain muna kami sa isang korean restaurant at pagkatapos ay nagshopping na kami.

Pumunta muna kami sa women's section para daw mamili ako ng mga dress na masusuot ko kapag lumobo na talaga ang tiyan ko.
Pagkatapos ay tumungo kami sa men's section, this time si Fern naman ang namili ng damit niya. Kahit kasi baklang-bakla ang dating at pagsasalita ni Fern ay pa men parin siya.. ibig sabihin ay hindi pa siya na co-cross dress and that's what I like about him. Nagpaalam muna ako sa kanya dahil naiihi na naman ako, pumayag naman siya at nagsimula na akong maglakad nang biglang nabangga ako ng isang lalaki.

"I-i'm sorry Miss, hindi ko sinasadya"

Mas matangkad sakin ang lalaki kaya naka tanga lang ako sa kanya.

"Okay lang, hindi mo naman sinasadya"

Sa di kalayuan napatili si Fern kaya pareho kaming napalingon ng lalaki. In fairness ang gwapo pala niya.

A Hot Night With My Landlord (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon