Chapter 9

237 23 0
                                    

Lia's POV

"Kyria!" hindi niya ako tinawag kasi tumakbo ako  bagkus tinawag niya ako dahil may isang taong bumangga saakin na sanhi ng aking pagbagsak.

"Kyria ayos ka lang po? May masakit ba? May pasa ka po ba? Kyria halika po uwi na tayo gagamutin natin ang sugat mo." tarantang sabi ni Ate.

"Ate kalma lang po ayos lang ako." natatawang sagot ko. Paano ba naman kasi natumba lang may sugat na agad? Tsaka nakakatawa din ang reaksyon niya para kasing sinipsip ang kanang dugo . Ang putla niya.

Mabilis niya akong tinayo at pinagpagan ang aking damit. Ng matapos siya ay tiningnan ko siya pero kumunot ang noo ko ng makitang nakatingin sya ng masama sa likod ko kaya lumingon ako para malaman kong sinong tinitingnan niya ng masama. Pag lingon ko ay nakita ko isang batang babae.

"Pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya. Nagmamadali po kasi ako. Pasensya na po talaga." nakatungo siya at hindi mapakali ang mga kamay habang humihingi ng patawad. Tiningnan ko ang damit niya at ayon sa nakikita ko isa syang mababang uri sa mamamayan.

"Pakiusap bata sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo para narin pakaiwas ka ng gulo. Naku mabuti at si Kyria ang nabunggo mo kung iba yun naku hindi lahat mabait katulad ng aming munting Kyria." babala ni ate.

"Ky-ky-ria?" patay mukhang na takot ni ate. Nanginginig na kasi ito. Mabilis nitong tinaas ang kanyang ulo at ng makita niya ako ay muli niya itong binabaa pero ngayon ay mas mababa na, na natatabunan na ng kanyang mukha ng kanyang mabahang pulang buhok. Nakasuot kasi ako ng hindi magarang damit kaya mukhang akala nya na isa lang akong may kaya sa mamamayan. "Patawad po hindi ko po tagala sinasadya. Nagmamadali po kasi ako. Patawad po binibini. Patawad po Kyria." sasabihin ko sanang ayos lang pero natigil ako ng marinig ko iton humihikbi.

Agad akong tumingin kay ate at sumenyas sa kanya yung pagnagka sala ka isang tao. Yung point finger tinuturo sakanya habang sinabi na 'Hala ka pinaiyak mo' pero walang lumalabas na salita sa bibig mo ganon habang nagmemake face.

"Paumanhin Kyria hindi ko po intensyong takutin sya." sabi niya sa mababang tinig habang mahinang natatawa sa ginagawa ko.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Ano ka ba ayos lang hindi mo naman sinasadya at paumanhin din hindi din kasi ako nakatingin sa dinadaan ko kaya kasalanan ko din. Tahan na binibini." ngumiti ako ng malapad nung inangat nito ang kanyang ulo para ba makita niya na ayos lang talaga at hindi ako galit.

"Pasensya na po talaga hindi na po mauulit." paumanhin niya habang humihikbi pa rin.

"Bakit ka nagmamadali?" mausisa kong saad.

"Naghahanap po kasi ako ng gamot para sa tatay. May sakit kasi sya habang nagtitinda naman si kuya para may maibili kami ng gamot ni itay." sagot niya. Kaya pala. Magpapaalam na sana ako ng may naisip akong plano.

"Bakit hindi ka nalang sumama saamin?" tanong ko sa kanya.

"Po?" gulat namang sagot nito. "Pero Kyria maghahanap pa po ako ng gamot ni itay."

"Ano ba ang sakit ng iyong itay?" gusto ko siyang tulungan at gusto ko din siyang maging kaibigan. Mararamdaman ko kasing mabuti sya at responsable. Hindi sa hindi mabuti yong iba pero sa mas nararamdaman ko na nagiging close kami.

"Mataas po ang lagnat niya Kyria tapos nagsusuka rin po sya." pagpapaliwanag niya habang nakayuko na parang iiyak na naman.

"Hmm ito nalang samahan mo kaming mamili at tutulungan ka naman naming humanap ng gamot para sa iyong itay." pag-aalok ko.

Lumiwanag naman ang kanyang mukha sa alok ko."Talaga po tutulungan nyo ako?" habang may umaasang ningning sakanyang mga mata.

"Oo naman" agad ko siyang hinawakan sa kanyang siko ang ginaya upang lumakad sa direksyon tatahakin sana namin bago kami nagkabanggaan.

"Wala po kayong hihilinging kapalit?" nagtataka nitong tanong. Magtataka talaga siya kasi hindi naman mura ang isang gamot lalo pa't malala ang sakit ng kanyang ama.

"Yun lang. Yung sinabi kong tutulungan mo kaming bumili ng nakatokang ipabili sa amin, ay kay ate lang pala sabit lang kasi ako dito. Nagpupumilit kasi ako na sumama kay ate himala nga na pinayagan ako ni ina na sumama dito." pagkukwento ko sakanya. " protective kasi si ina kaya ayaw niyang lumalabas kami ng mansion. "Saka nga pala marunong gumawa si ina ng gamot, pwede tayong tumingi ng tulong kay ina palagay ko kasi alam niya kung anong makakabuti sa lagay ng iyong itay."

"Napakabuti ng iyong puso Kyria." ayan na naman siya naluluha na naman.

"Ano ka ba ayos basta ba magkaibigan na tayo." nararamdaman ko kasi na magiging tapat siya na kaibigan. Alam niyo yung feeling na yun? Yung kahit kakakilala mo lang sa tao pero feel mo close na kayo ng mahabang panahon tapos feel mo na kayo talaga ang magpartner sa kalokohan sa buhay? Yung ganon?haha. "At tawagin mo na lang akong Lia."

"Pero Ky-" sinamaan ko agad sya ng tingin "-ia, Lia, Lia ang sinabi ko ha? Pero  hindi nyo po dapat kinakaibigan ang mga mamayang mayrong istado na katulad ko."

"Marami na akong librong na basa at ni kahit isang libro walang akong nabasa na ganyan kahit nga ang batas walang pinapatupad na ganyan. Sa pagkakaalam ko bawal lang ang umibig pero nakikipagkaibigan lang naman ako ah? Saka kung meron mang bumali sa batas na yon siguradong magtatagumpay sila."

"Bakit naman eh hari na ang makakalaban nila?"
sabat nya ang sinasabi ko.

"Kasi ginagawa ng pagibig ang lahat masunod lang ang pintig ng puso." naguguluhan siyang tumingin saakin. Hindi mo pa naiintindihan sa ngayon.

"May mas makapangyarihan pa kaysa sa hari?" ngumisi lang ako sakanya ang tinutok ang aking attensyon sa daan. Mahirap na kung makabangga na naman ako masakit pa naman yun sa pwet.

"Ano po ba ang bibilhin niyo ate?" pagiiba nya sa paksa habang naka tingin kay ate.

"Wala naman masyado ah? Ano nga pangalan mo?" oo nga no kanina pa namin sya kinakausap hindi man lang namin alam ang pangalan niya.

"Mabuti naman po at nagtanong na kayo. Crestia po. Pero pwede na pong Tia." sabi nya habang mahinang natatawa.

Agad kaming bumili ng mga bilihin na nakalista sa listahan na hawak ni ate. Hindi naman sya ganon karami kaya hindi kami masyadong nagtagal sa pamilihan.

"Ah tapos narin sa wakas." hay nakakapagod din pala pag nakikipag salamuha ka ng maraming tao. Mabuti talaga at hindi ako nakadamit ng magara kasi nakakakuha na nga ako ng attensyon sa aming buhok ano pa kaya pag naka damit na ako ng magara? Iyon talaga ang iniiwasan ko.

"Bakit Kyria napagod ka ba?" nag-aalalang tanong ni ate. Ito talaga sya. Napakaalalahanin.

"Di naman po." half true.

Magsasalita na sana sya ng may humintong karwahe sa aming tapat. Meron itong isang maliit na parang watawat sa unahan nito na may isang rosas na may ginto sa mga dulo kaya alam ko amin to. Pero bakit? Sa pagkakaalam ko ay mamaya pa kami susunduin. Biglang may bumabang lalaki sa karwahe.

"Kyria pinapasundo kayo ng Kyria Kalliesa kaya paumanhin po kung hanggang dito lang ang iyong kasihayan." magalang na pahayag ni Ginoong Tairus.

"Pero-" may ipapaliwag na sana ako sa kanya kong bakit di ako pwedeng umalis ng pinutol nya agad ang aking sinasabi.

"Paumanhin talaga kyria pero pinaguutos po ng inyong ina na sa ayaw mo po o sa gusto kailangan nyo na pong bumalik sa mansyon.

Tumingin ako kay Tia na may lungkot sa aking mukha na hindi ko sa makakasa ng matagal at di ko rin sya natutulungan sa paghahanap ng gamot para sa kanyang itay.

"Ayos lang Lia. Masaya akong nakilala kita at naging kaibigan saka hindi naman to ang huli nating pagkikita." pag-aalo nya sa akin.

Hindi naman sa hindi ko sya makikita makikita malungkot lang ako kasi hindi ko alam kong kailan ulit ako papayagan ni ina na umalis ng mansyon.

Sumunod nalang ako kay Ginoong Tairus papasok sa karwahe habang naka laylay ang aking balikat.

●~~~~~●

Sorry guys kung marami akong wrong grammar hindi ko kasi first language ang tagalog kaya yun.😂😂

Reincarnation [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora