Chapter One

8 0 0
                                    

Reinlyn's POV

"Lyn-lyn, gising na." tapik ni mama sa pisngi ko, nagising ako at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Tiningnan ko agad ang relos ko na nasa kaliwang kamay ko. Woah, halos tatlong oras din ang byahe at halos tatlong oras din akong nakatulog kaya pala ang sakit na ng leeg at likod ko. Nag-unat muna ako ng kamay at inikot-ikot ko pa ang aking leeg saka ko tinignan sa gilid ang bunso kong kapatid.

Wait. Bakit wala na dito si Ren-ren?

"Ma, pa? Asan si Ren-ren?" tanong ko kay mama at papa na nasa labas habang ini-isa isa na nilang inilalabas ang mga bagahe namin.

"Nandon na sa loob. Excited na excited na nga yun sa bago nating bahay." tawa ni papa.

Napatawa din ako. Naalala ko kahapon nung sinabi ni mama at papa na lilipat na kami ng bahay sa Summerville dahil dun na kasi sila naka-assign sa kanilang trabaho bilang mga manager sa isang kompanya, sa sobrang excited ni Ren-ren ay natulog siya ng maaga. 6 na taong ulang na pala si Ren-ren at bungi ang dalawang ngipin sa harap.

Tinulungan ko agad si mama at papa sa pagbuhat ng mga gamit namin sa loob. Nang matapos naming ilagay lahat ang mga gamit naming sa sala ay napagdesisyunan kong liputin muna ang bago naming bahay. Una kong pinuntahan ang kusina. May mahabang table na kulay walnut kasama ang anim na upuan nito na kulay walnut din. Ang haligi din nito ay napalibutan din ng wallpaper na kulay tortilla na parang bang mga tabla ng kahoy. Yung lababo naman ay kulay walnut din.

Ang sosyal naman ng pagka-design ng kusinang ito. Parang namili talaga ng magaling na architect yung pamilyang dito dati nakatira. Yup, sabi ni papa na may pamilya daw dito nakatira dati. Negosyante daw yung mag-asawa pero nalugi yung kompanya nila. Dahil din sa mga dami ng pinagkakautangan nila na hindi pa nababayaran ay ibinenta na lang nila ang kanilang sariling bahay kaya kami ang nakabili nito dahil malapit lang ang bahay sa pinagtatrabahuan ni mama at papa.

Sunod ko namang pinuntahan ang swimming pool na nasa likod. Napalibutan ng mga ibat-ibat bulaklak ang gilid ng pader na kulay mocha. Yung gilid din ng swimming pool ay napalinutan din ng mga putting bato. Matapos kong obserbahan ang parte sa likod ng bahay ay bumalik nako sa sala. Nakita kong nakaupo si mama at papa sa kulay gingerbread na couch habang naglalambingan.

"Hindi nako magugulat kong bakit mapapaaray na kayo dyan dahil kinagat na kayo ng mga langgam dahil sa ka-sweetan niyo ha" singit ko sa kanila, tumawa lang din sila sa sinabi ko. Mapapa-sana all ka na lang sa kanila haha.

"Lyn-lyn, hanapin mo nga si Ren-ren at baka napano nayun. Mukhang nandon siguro sa itaas, puntahan mo." Utos sakin ni papa at itinuloy na ang kanilang paglalambingan. Kahit kalian talaga ang sweet-sweet ng mga magulang ko.

Umakyat nako sa ikalawang palapag ng bahay. Nakita kong may dalawang kwarto sa kanan at dalawang ding kwarto sa kaliwa. Napagdesisyunan kong sa kaliwa ko muna hanapin si Ren-ren. "Ren-ren!" sigaw ko sa kapatid ko pero walang sumagot. Una kong binuksan ang unang kwarto sa kaliwa at nakita kong ang himbing ng tulog ng kapatid ko sa kama. Napailing at napangiti na lang ako sa kakulitan ng kapatid ko. Napagod siguro sa kakalipot ng bahay. Isinirado ko ang pintuan at bumalik sa ibaba.

Nakita kong wala si mama at papa sa sala. Nandon siguro sa kusina, pumunta ako dun at nakitang naglagay na ng pinggan at kutsara si mama habang si papa ay inaasekaso yung ulam at kanin na iniluto pa ni mama kaninang umaga bago kami bumyahe.

"Oh anak, nasan ang kapatid mo?" tanong ni papa ng makita niya akong papalapit sa kanila.

"Nandun sa bago niyang kwarto, nadatnan kong natutulog" tawa kong sagot kay papa. Natawa na lang din sila sa kakulitan ng bunso nilang anak. "Lyn-lyn, puntahan mo ulit si yung Ren-ren para makakain na tayo." utos ni papa sakin.

Bumalik agad ako sa itaas at pumunta sa kwarto ni Ren-ren. Nang matapos ko siyang gisingin ay bumalik na kami sa kusina upang kumain. Nang matapos na akong kumain ay tinanong ko si mama kung nasaan ang kwarto ko para ilagay ko na ang mga gamit ko doon.

"Nandon lang sa gilid ng kwarto ni Ren-ren,magkatabi kayo." sagot ni mama. Uminom muna ako ng tubig bago pumunta sa sala upang kunin ang mga bagahe ko.

"Mommy, Daddy. I like our new house!" dinig kong sabi ni Ren-ren sa kusina. Total, maganda nga ang biniling bahay ni papa. Mas malaki pa kumpara sa luma naming bahay na binili na rin ng isang guro.

Nang makarating na ko sa sala ay una kong kinuha ang dalawang bagahe ko. Papaakyat na sana ako ng makita kong papalapit si Ren-ren sa kinaroroonan ko. "Ate, do you need help?" tanong niya sakin gamit ang kanyang maliit na boses.

Tiningnan ko naman yung mga stuffed toys na nasa couch, "Sige, kunin mo yung mga stuffed toys ko, dalhin mo sa kwarto ko." utos ko sa kanya, dali-dali naming kinuha ni Ren-ren ang mga di-kalakihan na stuffed toys na napanalunan pa namin ni mama at papa sa isang peryahan nung bata pa ako. Nakita ko pang nahirapan siya sa pagdala, nang matapos niyang dalhin lahat ay umakyat na kami sa itaas patungo sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay agad bumungad sakin ang amoy ng panlalaking pabango.

Wait, bat may naamoy akong ganun? Umiling na lang ako at hindi pinanasin ang kakaibang amoy na yun. Baka yun lang talaga ang amoy ng kwarto na to.

Inilagay ko na ang mga bagahe sa kama ko at inilagay na din ni Ren-ren ang mga stuffed toys. "Salamat Ren-ren." sabi ko sa kapatid ko.

"You're welcome ate", sagot niya saka umupo sa kama.

Sinimulan ko ng buksan ang mga bagahe ko at inilabas ang mga damit ko. Nang matapos kong ilabas lahat ay ini-isa isa kong inilagay sa isang closet. Sunod ko ring kinuha ang mga libro na nasa isa pang bagahe at inilagay sa bookshelf. Si Ren-ren naman ay ini-arrange yung mga stuffed toys ko sa drawer.

Nang matapos kong ilagay lahat ng libro sa bookshelf, ay nagmadali akong pumunta sa banyo ng kwarto nasa kanan kasi naiihi nako. "Ren-ren, dito ka lang ha," habol ko sa kapatid ko bago pumasok na sa banyo.

Pagkatapos kong umihi ay inobserbahan ko muna ang loob ng banyo. Napalibutan ng color green at dark green na tiles ito. May bathtub at shower rin na sa kaliwa at sa kanan naman ang toilet, lababo at salamin. Matapos kong kilatisin ang banyo ay lumabas na ko. Nadatnan kong nakaupo si Ren-ren at may hinawakan na itim na tela si Ren-ren.

Bakit may bo......

"Ate, ano to?" inosenteng tanong ni Ren-ren habang kinilatis niya ang itim na tela at dali-dali kong hinablot sa ito sa kanya nang akmang niya itong sisimutin. Nagtataka naman siya kung bakit natataranta ako. "Ate, ano yun?" ulit niya pa.

Paano ko sasabihin na boxer ito at bakit may BOXER dito?

"Basahan." diretso kong sagot.

"Bat hindi basa?" tanong niya.

"Basta, natuyo na kasi" sagot ko, napatango-tango naman siya saka tumayo. "Ate, punta na 'ko sa ibaba." sabi niya.

"Thanks baby Reinhard sa tulong!", pasigaw kong sabi nang maisarado na niya ang pinto. Napahinga naman ako maluwag.

Napatingin ako sa hawak ko ngayon, bakit may boxer dito at Calvin Klein pa? San ito nakuha ni Ren-ren?

Baka naiwan ito ng dating may-ari ng kwartong? So lalaki pala ang nagmamay-ari ng kwartong ito dati at kaya pala amoy panlalaki. Inihagis ko na lang ito sa basket at ipinagsawalang-bahala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

There's A Stranger Inside Our HouseWhere stories live. Discover now