XLIII

1.9K 56 1
                                    

Chapter 43

"Ah, okay lang po ako Sir."

Sabi ko saka humiwalay sa pagkakayakap.

"Are you sure that you're fine?"

Tumango naman ako.

"Nagugutom ka ba?"

Tanong niya at umiling naman ako.

"Ah okay lang po talaga ako. Tinatanong ko lang sila kung may nangyari ba habang tulog ako."

Sagot ko.

I've known him for years pero ang awkward niyang kausapin.

Tumango naman siya.

"Sige, magpapadala nalang ako rito ng makakain mo."

Sabi niya.

Ngumiti naman siya kaya nginitian ko nalang siya pabalik.

Nagpaalam naman siya sa akin saka sa mga kasama ko.

Dumaan lang pala siya nang malaman niyang gising na ako.

"What the hell was that?"

Gulat na ani ni Gio kaya napangiwi ako.

"Ewan ko. He acted so weird."

Sabi ko.

"Myghad Zhamira! Mukhang type ka nga ni Sir! Nag-alala eh!"

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Eula.

"Kilabutan ka sa sinasabi mo Eula. Teacher natin siya."

Sagot ko.

"Magkakilala kayo, Zhamira?"

Tumango naman ako.

"Kababata ko siya."

Sagot ko at tumango naman ako.

Napabuga nalang ako ng hangin.

"May pagkain kayo diyan?  Penge naman oh ."

Sabi ko kaya napangiwi sila.

"Nung tinanong ni Sir kung gutom ba, hindi ang sinagot. Baliw lang Zhamira?"

Binatukan ko naman si Eula.

"Tigilan mo ko ah. Wala bang nagsabi kina Tita sa nangyari?"

Tanong ko.

Umiling naman sila.

"Oo, hindi namin alam pero kinausap yata sila ni Sir Kyro na siya na ang magsasabi sa Tita mo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kino-contact ng Tita mo ang school o ako man lang para magtanong kung ano ang nangyari at kung okay ka lang ba. Nakakapagtaka ngang hindi pa sumugod ang Tita Pia at Lola mo rito."

Sabi ni Candice.

"Mas mabuti nalang rin na hindi nila alam baka kasi maisipan nilang i-transfer nalang ako ng school dahil sa nangyayari sa akin."

Sagot ko nalang.

'Pero bakit naman kaya hindi sinabi ni Sir Kyro ang nangyari sa akin?'

Napatingin naman ako kay Damien.

He looked so bothered kaya tinaasan ko siya ng kilay pero umiwas lang siya ng tingin.

Tinotopak na naman siguro.

- - - - - - - - -

Usap-usapan na naman pala ang nangyari sa akin.

Jusme, baka whole school year ako nalang palagi ang topic ng lahat?

Musical Academy 2 (Pop Star High 2): When The Heart Beats (Completed) Where stories live. Discover now