Detective Seiji

3 0 4
                                    

Detective Seiji

"Seiji, ang aga mo ah." she's here. Mahigit 30 minutes din ako naghintay sa kanya ah.

"It's okay. Ikaw naman ang hihintayin ko kahit gaano pa katagal yan." sabi ko and she blushed. Cute.

"Tara na nga!" sabi nya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa school. Dito kami sa Saxonghye University nag-aaral pero first year college pa lang kami. Mahigit dalawang buwan na rin kami magmula nung sinagot nya ko.

Nagustuhan ko sya dahil mabait sya. Nung tinulungan nya ang isang weird na babae. Yeah, hindi nerd but weird. Binubully kasi yung babae at nung lalapit na sana ako para tulungan ito, doon sya dumating.

Sya ang tumulong sa babae at inaway yung mga bullies. Kaya ayun, palagi ko na syang pinagmamasdan at dumating yung araw na kinausap nya ko. May crush pala ito sakin kaya pala minsan nahuhuli ko rin syang tumingin sakin. So I confessed my feelings and courted her for about three months at sinagot nya na rin ako. She's beautiful and has a good heart.

"Uy, Seiji! Nandito na tayo sa room ko." napabalik ako sa wisyo nang magsalita ito. Ang bilis naman.

"Okay, take care, love. I love you." paalam ko at hinalikan sya sa noo.

Nginitian nya ko at pumunta sa pwesto nya at kumaway. I smiled at her. Bago pa ko makaalis ay nakita ko pa yung isang babae na nakatingin sakin kaya tinanguan ko na lang bago ako pumunta sa room ko.

Criminology ang course ko at BS Psychology naman ang course ni Astrid, my girlfriend. Naging kaklase ko sya last sem sa nstp kaya nagkaroon ng chance na magkakilala kami.

Dumiretso na ko sa kabilang building dahil iba ang building ng department namin. Pagkarating ko doon ay sakto wala pa yung prof kaya tumabi na ko sa mga kaibigan ko.

"Pare, alam mo ba na may namatay daw kahapon sa Tourism building?" takteng bungad yan.

"Ano daw kinamatay?" may mga tao talagang halang ang kaluluwa. Basta basta na lang pumapatay dahil nagpapadala sa emosyon.

"Poisoning daw." tss.

"Oy, Seiji. Ayaw mo bang sumali sa hyeongsa club?" ayan na naman yang club na yan.

"Ayoko nga." inis na sabi ko.

"Pero magaling ka humuli kung sinong may nagnanakaw dito at nauunahan mo rin yung mga nasa hyeongsa club na magsolve ng case." sabi ni Yvan sakin.

"Ayoko nga sabi." sabi ko at inub-ob ko ang ulo ko sa desk. Para malaman nila na ayoko makisali sa usapan nila.

Maya maya ay narinig ko na nagsalita na ang boses ng prof namin kaya inayos ko na yung upo ko para makinig. Lumipas ang apat na oras na walang break ay pakiramdam ko naubos yung energy ko sa pakikinig ng human rights. Tapos nagpaquiz pa.

"Grabe, napiga yung utak ko. Nakakaantok yung diretso apat na oras.

Paglabas namin ng room ay sumilip ako sa baba. Nasa fourth floor kasi kami.

"Ang daming tao sa baba oh." marami nga ang tao. Nakakita ako ng mga tumatakbong naka-uniform ng psych at bigla akong nakaramdam ng kaba.

Tumakbo ako pababa at pumunta sa building ng psych. Sa dami ng estudyanteng nakakalat, hirap na hirap ako makisiksik. Hanggang sa napadpad ako sa girl's locker room ng building ng psychology.

Nakisiksik ako para makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila dahil palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

"Seiji!" nakita ko si Samantha na nasa gilid. Bakit sya umiiyak?

Nilapitan ko ito at tinanong kung ano nangyari at sinagot nya ko ng...

"S-Seiji... S-Si A-Astrid.. P-Patay na sya..." umiiyak na sabi nito sakin at tinuro ang isang bangkay na halos maligo na sa kanyang dugo.

Detective Seijiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें