Chapter 13 - Finale

632 52 10
                                    

KATATAPOS lang ng wedding ceremony nina Junjun at Jelai sa simbahan. As expected, Jelai looked stunning in her white tube gown. Junjun also looked incredibly handsome in his black suit. They were a perfect bride and groom. Napakaganda ng gayak ng simbahan. Halatang ginastusan iyon pati na ang mga damit ng buong entourage.

The ceremony lasted for an hour. Ang lahat ay masaya. Everyone was smiling as they witnessed the couple exchanging vows and kisses. Habang nagaganap ang lahat ng iyon ay lumulutang ang isip ni Roni. Of course, she was happy for Jelai. But she couldn't hide the disappointment in her face nang hindi niya makita si Borj sa simbahan. Ilang beses siyang luminga-linga sa paligid pero ni anino nito ay hindi niya nakita.

Pagdating sa reception, halos mabali ang leeg niya sa kakalingon sa bawat taong pumapasok sa function hall pero bigo pa rin siyang makita ito.

Mayamaya pa ay tinawag na siya ng emcee para mag-propose ng toast at magbigay na rin ng mensahe para sa mga bagong kasal. Lumapit siya sa mga ito.

"I would like to propose a toast for Jelai and Junjun. Cheers to a happy married life and many kids in the future. And to you, Junjun, I formally welcome you to our family." Huminto siya at ngumiti sa mga bagong kasal. "Sana ay 'wag kayong magbago sa isa't isa. Take good care of each other. I wish you both all the happiness in the world. Lagi ninyong iisipin na mahal na mahal ko kayong dalawa." Pagkasabi niyon ay itinaas na niya ang hawak na champagne glass. "Cheers!"

"Cheers!" sabay-sabay na sabi ng mga ito at saka sabay-sabay ring uminom ng champagne. May mga nagpatunog ng baso gamit ang mga kubyertos.

"Kiss!"

"Kiss her, Junjun! One more!"

The guests chanted and the newlywed happily obliged.

Pagkatapos ng ilan pang sandali ay nagsimula na ang kainan at ang programa. While everyone was busy eating and chatting, lumabas siya ng function hall at nagtungo sa kalapit na hardin, dala ang isang baso ng champagne. She wanted to get away from people. Gusto muna niyang mapag-isa. She didn't want to ruin Jelai's day. Magpapahangin muna siya at doon na lang niya itutuloy ang pag-e-emote niya. Ayaw niyang panoorin ang pagsasayaw nang sweet ng mga bagong kasal dahil lalo lang niyang maaalala si Borj. Baka mapahagulgol pa siya ng iyak at pagtinginan ng mga tao. Baka isipin pa ng mga ito na OA siya o kaya ay nababaliw na siya.

Tiningnan niya ang buong garden and she finally found a private spot. Maaliwalas ang panahon at sariwa ang hangin. The whole place was so beautiful. Nakaka-relax ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa artificial falls. She was lost in thoughts nang marinig niya ang isang pamilyar na boses ng lalaki mula sa kanyang likuran.

"Bakit naman ang lungkut-lungkot mo?"

She froze in disbelief. Muntik na niyang mabitawan ang wineglass na hawak niya. Oh, my God, it's Borj! Nananaginip ba ako o totoong narinig ko ang boses niya? Dali-daling humarap siya at nakita nga niya ito. She was speechless. Suddenly, she just wanted to throw herself in his arms. Pero naunahan siya nito. With just a few steps ay nasa harap na niya ito. He pulled her closer and caressed her face and kissed her tear-striken eyes.

"You're here, Borj... Bumalik ka..." She looked at him, her eyes seeking his. Hindi na rin niya naitago ang kanyang ngiti.

"Yes, I'm here, Roni. What makes you think na hindi kita babalikan? I hate you for not having faith in me, babe. Alam mo namang hindi ako basta-basta sumusuko."

"I'm sorry, Bo---" Hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin dahil inangkin na nito ang kanyang mga labi. He kissed her fully and passionately, leaving both of them breathless.

"I'm sorry kung pinaniwala mong tinalikuran na kita. You said I need time. And I took the time to think about us. Isang bagay lang ang na-realize ko, Roni. I don't care about your imperfections. I don't need anything else to feel complete. Sapat ka na para maging kompleto ang kaligayahan ko. You're my missing puzzle piece. Ikaw lang ang kumokompleto sa buhay ko. Mababaliw ako kung mawawala ka sa akin. Itutuloy natin ang kasal, babe. Please say 'yes' dahil ayoko nang maghintay pa. I want you to be mine from now on."

Mangiyak-ngiyak na siya. Nahilam na ng mga luha ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay batid niyang tears of joy na iyon. "Of course, Borj. It's always been a 'yes.' Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. I thought you will never come back to me. Miss na miss kita. Akala ko, hindi ka na uli magpapakita sa akin."

"Well, that's stupid. Dahil heto na ako ngayon sa harap mo. Sa ayaw at sa gusto mo, hindi na kita iiwan."

She looked up at him. Her eyes were glowing with love. "I love you, Borj."

Pinahid nito ang mga luha niya. "I love you more." And he sealed that with a sweet kiss.


                             EPILOGUE

BORJ  decided to surprise Camille with a visit. Tinupad niya ang hiling nito sa kanya na pumunta sila ni Roni sa US at mamasyal silang tatlo sa Disneyland.

Camille was growing up so fast. Still, she was a loveable and sweet as ever. Masayang-masaya ito lalo na nang ipakita niya rito ang wedding pictures nila ni Roni. Theirs was just a simple wedding, unlike Jelai and Junjun's. Very private and intimate ang pag-iisang dibdib nila. Sayang nga lang at hindi nakauwi si Camille para maging flower girl nila. Pero masaya naman sila dahil ngayong Pasko ay magkakasama sila.

"Camille, look at the camera! Smile!" sabi niya. Kinukuhanan niya ito at si Roni ng litrato habang nakasakay ang mga ito sa carousel.

Tumalima naman ang kanyang anak. Pagkatapos ng mga ito na sumakay sa carousel ay lumipat pa sila sa ibang rides. Habang naglalakad sila ay panay pa rin ang pag-shot niya ng mga litrato sa mga ito.

"Okay, one more, ladies. Give me a great pose!"

Panay naman ang pag-pose ng mga ito nang wacky at pagkatapos ay sabay pang tatawa.

"Daddy, let's get some ice cream!" hirit ni Camille.

"Ice cream? Eh, ang lamig lamig na, ah. You still want to eat ice cream?" natatawang tanong niya rito.

Nakangiting tumango ito nang paulit-ulit.

"I see. Hindi ka pa rin talaga nagbabago. You're still my Camille. Okay, we will get some ice cream."

"I want one, too, Daddy!" sabi ng kanyang asawa. Ginaya pa nito si Camille.

Humagalpak sila ng tawa sa ginawa nito.

"Okay, okay. Ice cream for my two favorite girls." He gathered them in his arms.

Niyakap sila nang mahigpit ni Camille at ipinagdikit pa nito ang mga mukha nila. "Kiss her, Daddy! Please?"

Hindi niya ito binigo sa hiling nito. He kissed his wife sweetly on the lips and the kiss lasted a bit too long.

"Daddy! Stop it! Gutom na 'ko!" naiinip na sabi ni Camille.

Natatawang kumalas sila ni Roni sa isa't isa at pagkatapos ay masuyong binulungan niya ito.

"Let's continue it tonight.

"Yes, babe," pagpayag nito, sabay hagikhik.



------------------ W A K A S ---------------------

Please hit the 🌟 if you really enjoy the story. Thanks. 😊

** Salamat sa lahat ng sumubaybay sa ikalimang kuwento ng pag-ibig nina Borj at Roni -- My Missing Puzzle Piece.. sana naibigan ninyo.

** To all stefcam fans para sa inyo ito.

Thank you and God bless us all 😇

My Missing Puzzle PieceWhere stories live. Discover now