Prologue

60 22 12
                                    


"Oh come on Shiva, maraming pwedeng maging investors sa kasal na 'yun!" Pamimilit sa kaniya ng kaibigan niyang si Trishannie Pelicane. Her bestfriend and one of the best event organizers in the country at ito 'rin yata ang nag-organize ng venue ng kasal na tinutukoy nito.


"And what will I get if pupunta ako sa wedding na iyon with you?" Tanong ni Shiva. For her, kailangang lahat may kapalit para hindi siya lugi, one of the business man's rule.


"Hays... Okay na phowz. Di talaga uso sayo ang libre 'noh?" Shannie sighed in defeat. "I'll renovate one of your properties."


"Great! How about my gown for the party and m-"Shannie cut her words, "Oo na! Ako na! Ako na pong bahala sa gown, accessories at kung anu-ano pang kailangan mo, kamahalan!"


She laughed at her best friend and hugged her, "Let's go? Mamimili pa pho tayowz ng damit natinz."


Tumatawang hinampas siya ni Shanny sa braso, "Gaya-gaya ka na pala ngayon, Shiva? Oh well, hindi bagay sayo maging jeje jez!"


"Tsk, yeah, yeah. Tara na sa boutique ni Channy." At hinila niya na ang kaniyang kaibigan palabas ng bahay niya.


---


Nang makapasok si Shiva sa hotel na sinasabi ni Shanny, kaagad na pinagtinginan siya ng mga tao.


'Seriously people? Is there something wrong with me?' aniya sa kaniyang isipan. So she rushed to the nearest restroom and checked her backless violet gown that's exposing her left leg and half of her back. Buti nga't hindi longsleeve ang suot kaya kung may mangyari man ay hindi siya mahihirapang makipaglaban pero ang problema, naka stiletto siya kaya mahihirapan siyang tumakbo at tumalon.


Sunod naman niyang tiningnan ang mukha niyang may konting make up. Labing may lip gloss and her long brown hair na kasalukuyang naka-lugay.


When she's done checking herself, she's about to leave the restroom but her phone suddenly rang.


Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa Channel purse na ipinahiram sa kaniya ni Shannie dahil wala siyang ganoon. Hindi naman sa wala siyang pambili nito, actually, she can buy a lot of that but the thing is, she's not into girly stuffs.


Sinagot niya ang tawag. "Shangy, where are you? Nandito na ako sa hotel."


"Ah. Nasa second floor convention ako, tinitingnan ko kung maayos na ba ang lahat and it seems everything's good." Sagot ng kaibigan.


"Okay. Wait for me there." Aniya saka pinatay ang tawag.


Nang makalabas siya ng restroom, nagulat siya ng hawakan siya ng mga lalakeng nakasuot ng itim na tuxedo. "Ms. Shia, kanina ka pa po namin hinahanap."


Pilit siyang kumawala mula sa pagkakahawak ng lalake pero hindi pa 'rin ito bumibitaw. "Excuse me? I'm not Shia so please let go of my hand. At ano bang kailangan niyo sa akin?"


Nagsalita ang isa sa mga lalake, "Hinahanap ka na po ng inyong ama upang maayusan ka na ng iyong stylist. Kailangan mo na pong maghanda para sa inyong kasal dahil maya-maya lang, darating na ang iyong groom sa simbahan."


"The f*ck?! First of all, I don't have a father. Second, wala. Akong. Groom! And lastly, I'M NOT GETTING MARRIED! So f*ck off! Let go of my arms you nonsense assholes!" Sinipa niya ang pagkalalaki ng mga lalaking nakahawak sa kaniya kaya nabitawan siya ng mga ito at akmang tatakbo na sana siya pero may naramdaman siyang bagay na tumusok sa kaniyang beywang.

A needle of a syringe.


Naramdaman niyang biglang nanghina ang kaniyang katawan at kusa ng sumara ang kaniyang mga mata.


"S-sh*t!" Her last cuss before she passed out.

Erroneous 1: Wrong BrideWhere stories live. Discover now