Chapter 2 : The Party

1 0 0
                                    

Chapter 2 : The Party

"Miss, nandito na tayo."

Bigla naman akong natauhan nang magsalita si manong driver. Agad na akong nag-abot ng bayad sa kanya at bumaba na ng taxi dahil nakakahiya na kanina pa lumulutang ang isip ko.

This is Kyline's fault. Kung hindi niya sinabi 'yon, hindi ako mapapaisip ng mga kung anu-ano like what ifs. What if may alam si ma'am Eleign sa pagkawala ni Dara? What if kay Dara niya unang inutos ang gusto niyang ipagawa sa akin? What if nahuli si Dara ng grupong 'yon at ginawan na ng masama? What if--okay, Maddison. Stop it. It's not helping.

Pero kasi alam niyo 'yon? Kung kayo ang nasa posisyon ko ay mapapaisip talaga kayo. Pero hindi naman siguro gagawa ng kung ano si ma'am Eleign na ikapapahamak ng mga empleyado niya, 'di ba?

Napahinga ako ng malalim. It's your job to obey her commands, Maddison. This is all about job. Siguro iyon na lang ang itatatak ko sa isip ko. Na lahat ng mga ipinapagawa niya ay tungkol lamang sa trabaho. Maybe I'm just being paranoid by the thought na masiyadong risky ang gagawin ko. But, it's part of my job as a journalist. Kahit gaano kahirap, kadelikado, o ka-komplikado ay gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang mga kagaya kong journalist para makakalap ng mga balita. And that is our purpose on this environment.

Itinigil ko muna ang pag-iisip tungkol sa mga 'yon. Nandito ako ngayon sa isang mall para bumili ng gamot ng kapatid ko. Sabi kasi nung doctor, may pharmacy daw dito at doon ko lang mabibili 'yung gamot na kakailanganin ng kapatid ko kaya ako na ang nag-presintang bumili dito.

Wala rin kasing time si mama na dumaan dito since siya ang nagbabantay doon sa hospital.

Nang mabili ko na 'yung gamot ay nagmamadali na akong naglakad palabas ng mall dahil nag-message sa 'kin si mama na kailangan na daw ito ni Macko, kapatid ko. Pero agad akong napahinto nang may babaeng makakabunggo sa akin but it's too late. Hindi niya ako napansin kaya naman tuluyan siyang bumangga sa akin and worse, tumapon pa sa damit ko 'yung hawak niyang iced coffee.

"What the fuck?" pagmumura ko dahil for pete's sake, kulay white ang suot kong damit!

"My God! Nakasalamin ka na nga, hindi mo pa ako nakita?! Look, natapon 'yung coffee!" pagmamaktol niya na para bang kasalanan ko kasi hindi siya tumitingin sa daan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo," kalmado kong sabi pero sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang sarili ko na magalit dahil baka maging agaw-atensyon pa kami sa mga tao rito.

"Wow. It's your fault kaya ka natapunan. My gosh, gano'n ba kalabo ang mata mo? Can't you afford a nice glasses?" mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. What is her damn problem with my glasses? Kung hindi lang ako nagmamadali, papatulan ko talaga siya.

Kinuha ko 'yung panyo ko sa bulsa at pinunasan 'yung damit kong basang-basa dahil sa iced coffee ng babaeng 'to.

"Are you deaf? I'm asking you! Hindi ka man lang ba magso-sorry?" hindi ko siya pinansin dahil patuloy lang ako sa pagpupunas ng damit ko. "You'll regret this, bitch. Oh, babe! Good you're here."

"What's wrong?" napaangat ako ng tingin nang makita kong nakakapit na na parang tuko ang babaeng 'to sa braso ng lalaking kasama niya.

"She bumped me. Look, natapon 'yung coffee na pinabili mo," kumunot ang noo ko. Talagang pinapalabas niya na kasalanan ko?

"Say sorry to her," walang emosyon na sabi nung lalaking kasama niya sa akin.

My brow arched. "Why would I do that? It's not my fault na hindi tumitingin sa daanan ang babaeng 'yan--" my words halted when he suddenly gripped me on my arm.

Play With The Devil (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora