Chapter 26

2.1K 71 11
                                    

Sorry talaga at ngayon lang ako nakapag update huhu T.T

I just want to say thank you sa lahat ng mga nagvote sa story ko!! Sana patuloy pa rin kayong magvote hehehe

I want to dedicate this chapter to Alexayale :) thank you sa pag encourage na magupdate ako hehehe 

********

"Ha? Ah...oo. Dati kasi yon. Naka move on na ako. Matagal tagal na rin yon" sabay ngiti ko sa kanya

"Magkaibigan pa rin kayo ngayon?"

"Oo. Kinalimutan ko na yung nangyari dati"

Ngumiti siya sa akin "Masaya ako dahil kahit sinaktan ka niya noon, hindi pa rin nawala yung pagkakaibigan ninyong dalawa"

Ngumiti ako sa kanya

"Si Prince Joshua? Ano ba talaga kayo?"

Ayaw ko talaga kapag may magtatanong sa akin tungkol kay Prince Joshua dahil maalala ko siya. Ayaw ko siyang maalala kasi maalala ko yung mga masasayang araw naming dalawa. Tumingin ako kay Queen Melanie "Magkaibigan lang kami ni Prince Joshua"

"Alam ko kung anong nangyayari dito nung wala kami. Sabihin mo sa akin kung ano yung gusto mong sabihin"

Yumuko ako at huminga ng malalim "Sa totoo po, mutual po yung nararamdaman namin ni Prince Joshua para sa isa't isa"

"Bakit ka nahihiya na sabihin sa akin yan?"

Tumingin ako sa kanya "Kasi noon, ayaw kong gustong maikasal sa kanya tapos ngayon, nagugustuhan ko na siya"

Ngumiti siya sa akin "Ganyan rin yung nangyari sa amin ng papa mo. Pagkatapos namin maghiwalay ni King Henry ay bumalik kami ng lolo at lola mo dito. Nagtratrabaho yung lola mo dito sa kaharian noon. Pumupunta ako noon dito. Palagi kong nakikita yung papa mo dito sa kaharian noon pero hindi niya ako nakikita kasi pinagbabawalan ako ng lola mo magpakita sa kanya. Kagaya mo, arranged marriage din yung papa mo sa iba. Dumating rin ang araw na nahuli niya ako. Hindi ko inaasahan na magugustuhan niya ako. Kaya niligawan niya ako at sinagot ko siya. Dahil sa relasyon naming dalawa, hindi natuloy yung arranged marriage niya sa ibang babae"

"Paano naging kagaya yung love story mo sa love story ko?"

"Noon, ayaw kong gustong sagutin yung papa mo. Kasi akala ko ginagamit lang niya ako para hindi matuloy yung kasal niya sa ibang babae pero doon ko nakita sa mga efforts niya na mahal niya talaga ako. Natutunan ko siyang mahalin. Kaya kagaya mo, natutunan mo rin na mahalin si Prince Joshua"

"So, hindi po kayo tutol sa kung ano ang meron kaming dalawa ni Prince Joshua ngayon?"

"Kung yan ang makakapagpasaya sayo, susuportahan kita. Kung saan ka masaya, doon ako"

Pero alam ko na hindi pa rin kami ni Prince Joshua ang para sa isa't isa kasi hindi ako yung totoong Princess Kathniella. Malapit na akong uuwi sa Pilipinas at baka sa pagbalik niya dito sa London ay yung totoong Princess Kathniella na yung kaharap niya. Hindi na yung pekeng Princess Kathniella na mahal na mahal siya.

KATHNIELLA'S POV

"Bakit ang aga mong aalis? Di ba, mamaya pa yung call time nyo?" tanong ni Gail sa akin. Nakabihis rin si Gail dahil may taping sila ngayon sa The Voice Kids

"May pupuntahan pa kasi ako"

Paalis na ako ng bahay nung nagtanong pa ulit si Gail "Hoy! Saan ka pupunta?" pero hindi ko na siya pinansin. Ginamit ko yung sasakyan ni Nina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko, ayaw kong makita si Daryl. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi nga ako makatulog kagabi dahil iniisip ko yung nararamdaman ni Julia. Alam ko magtataka sila kung bakit nagkakaganito ako pero bahala na sila.

The Princess and The Blogger (Kathniel X Jadine) COMPLETEWhere stories live. Discover now