22 - The Past

6K 161 15
                                    

A/N: Pangatlong update ko na ito ngayong araw. Mag-comment naman kayo :( Yeah, I want comments :(

22 – The Past

“Nagkakilala sina Mommy at Daddy nang dahil sa pagiging desperada ni Mommy.” Natatawa siya. “NBSB kasi si Mommy at kahit na maganda naman siya, mabait, walang nanliligaw sa kanya. Merong nagkagusto sa kanya pero na-torpe. May na-received siyang e-mail na may 10 steps on how to have a boyfriend. Sa tulong ng best friend niyang si Tita Blesie, ginawa niya yun..kay Dad.”

Kakatapos lang naming mag-enroll ni Geeo. After ilang weeks kasi ng pagninilay-nilay ay nakapag-desisyon na kami. We chose to study at Don Lim Salvador University kung saan nag-aaral si Kuya Craig (ehem!) at mag-aaral si Chesca. Masaya ako na halos half ng IV-Einstein ay dito. Isa kasi itong private university na kilala dahil bukod sa maganda ang facilities at malaki ay magagaling ang mga professors.

Pwedeng-pwede nga na sa SAC na kami mag-college e dahil nag-o-offer naman ito ng college courses pero siyempre, we want to explore more. Hindi kami mag-go-grow kung sa isang lugar kami mamalagi. Dapat one at a time, umaangat ng level.

Mga 7 nandito na kami. Syempre, kami ang magkasama. Naging madali lang naman ang enrolment process. Organized kasi saka systematized. Pwede ring magbayad ng tuition online kaya hindi na kailangang pumili ng pagkahaba-haba unlike other universities.

Week after ng overnight namin kina Chesca ay nakuha na namin ang Form 137 naman or iyong cards namin ng buong high school. Kailangan kasi iyon sa requirements para sa entrance exam. Sabay din kaming nag-entrance exam last Monday.

Ang laki nga ng problema ko nun dahil hindi ako makapag-decide kung ano ang ilalagay sa three choices na course. Tinanong ko pa sa Registrar kung pwedeng isa lang ang course na ilagay pero sabi nito kailangan ay tatlo dahil baka raw puno na ang slot sa first choice.

Nilagay ko ang Psychology sa first choice ko tapos Accountancy sa second. Undecided ako sa ilalagay ko sa third kaya tiningnan ko yung kay Geeo.

“Akala ko ba Engineering?”

Nagulat kasi ako sa form niya. Third choice niya lang ang Engineering.

“Akala ko rin, e.”

AB Communication kasi ang first choice niya. Second, Political Science. Ang kulit lang diba? Walang pagkakaisa yung gusto niya. Napaka-random niya talaga. Plus, kahit saan ilagay, makakaya niya. Talino!

Nasabi ko na bang 1 point lang ang lamang ko sa kanya kaya ako naging Valedictorian?

Naghanap ako sa hanay ng Arts sa mga list of courses. Gusto ko kasi magkasama pa rin kami. Saka gaya-gaya siya kay Kuya Craig. Gusto ko ring malapit ako rito. Di ko gusto yung AB Comm kaya Multimedia Arts na lang nilagay ko sa pangatlo at huli kong choice.

Nakapasa kami sa entrance exam. Qualified kami sa lahat ng choices na courses. Ipinakita ko muna kina Mommy ang result at humingi ako ng tulong na mag-decide. Hindi naman ako pinu-push nina Mommy at Daddy sa ayaw ko kaya bahala na raw ako. Kung ano raw ang tingin kong kaya ko at sasaya ako.

Mula talaga nang nagka-ayos silang dalawa, masasabi kong naging mas mabuti silang tao. Lagi na nilang inuuna ang ikasasaya namin ng kapatid ko bago ang kanila. Siguro, talagang nababago ng trials, problems and pain ang isang tao. It made them stronger and braver to face each brand new day. 

Nag-se-surf ako sa internet, watching videos on youtube nang mapunta ako sa mga photoshop tutorials.  Di ko na namalayan na ginagaya ko na ito. Yes, I’ve downloaded portable software at nawili na ako sa pag-e-edit. Ang cool kaya! That’s the time when I have made up my mind to what course will I take. Tapos si Geeo, sure na sure na rin sa course na kukunin niya. Sabi niya pa, “I want to love photography so I can picture every view that my eyes will see.”

I Love ViewWhere stories live. Discover now