10

915 41 3
                                    



Miracle's POV

"Are you okay? You look pale angel."

Hinawakan naman ni Damon yung kamay ko habang nakafocus pa rin sa pagdadrive.

"Oo okay lang ako medyo puyat lang kaya siguro maputla ako." Sa totoo lang kanina pa ako nahihilo pero hindi ko sinasabi kay Damon baka mag-alala lang.

"Are you sure?"

"Sure na sure." At pinilit kong ngumiti kahit hilong hilo na ako.

Pagkarating namin sa school ayaw pa nya bitawan kamay ko.

"Sure ka bang kaya mong pumasok? Absent ka na lang kaya." Nag-aalalang sabi sa akin ni Damon pero nginitian ko lang sya bago halikan sya sa pisngi.

"Okay lang ako Damon. Mamaya na lang ha." Paalam ko at nagmadaling bumaba.

"I LOVE YOU ANGEL!" sigaw nya kaya nilingon ko sya.

"I love you too!"

Pagkarating ko sa room dumukmo muna ako baka sakaling mawala na yung hilo ko pero wala pa akong 5 mins na nakadukmo biglang dumating si Emma kaya napaangat ako ng ulo. Ingay kasi e.

"Good Morning bessywap!!... ay! Anyare bat ang putla mo?"

"Wala medyo masama lang pakiramdam ko."

"Tara sa clinic gusto mo?" Napalingon ako kay Ian na biglang nagsalita.

"Oo tara sa clinis tapos kunwari din may sakit ako!" Pero binatukan lang sya ni Ian. "Araaaay naman Benhamin!"

"Ang tamad tamad mo talaga!"

"Wala kang pake!"

Lalo ata akong nahilo sa dalawang to hindi na tuloy ako nakatulog ang ingay nila mag-away.

Habang nagkaklase biglang umikot yung sikmura ko at napahawak ako sa bibig ko nilingon naman ako ni Emma.

"Bessywap okay ka lang ba?" Hindi ko na sya nasagot at nagmadali akong lumabas at dumiretso sa  pinaka malapit na CR.

Agad akong pumasok sa isang cubicle at sinuka ko lahat ng kinain ko sa almusal.

"Bessywap?! Ano nangyayre sayo?!" Naramdaman kong hinagod hagod ni Emma yung likod ko habang nagsusuka.

"Panget? Ano?! Kamusta si Miracle?" Boses naman ni Ian yun galing sa labas ng cr.

"Nagsusuka Benhamin! Pengeng tubig."

Hindi ko na sila pinansin at sinuka ko na lahat ng kaya kong isuka, nang matapos ako napasandal ako sa pader at hapong hapo na.

"Inom ka muna bessywap, napakaputla mo. Tara na sa clinic ah." Tinanggap ko yung tubig na binigay ni Emma tapos inalalayan nya akong tumayo pagkalabas namin bigla na lang ako nawalan ng malay buti na lang andon si Ian at nasapo nya ako.


***

"Benhamin! Mukhang alam ko na kung anong meron kay bessywap!"

"Ano?"

"Buntis sya!!"

"Pfft. Gaga ka ba?"

"Eh kasi nagsusuka tapos nahihilo di ba ganon pag buntis tapos ano may jowa sya baka nga buntis sya!!"

"Wag ka ngang mag marunong dyan hintayin mo yung nurse."

"No no no! Sure na ako. Saglit lang ah ikaw muna bahala kay Bessywap."

The Seven Deadly Sins Where stories live. Discover now