13th Feather: Trapped

58 3 0
                                    

They taught her to hate,
And they taught her to be brave.
They made her stronger by breaking her,
And now, another sin will be committed.

-----

Trez' POV

We just entered the enemy's lair and I am already having second thoughts about this.

"I have a bad hunch about this guys." bulong ko sa dalawa.

"Ngayon ka pa talaga nag-alangan, eh andito na rayo sa loob ghurl." matalim na tingin ni Den sa kin.

"Shhh, may paparating." saway ni Reina sa min.

Kaagad naman kaming nagtago sa likod ng isang wooden crate na pakalat-kalat dito sa loob. Sinubukan kong silipin kung ano ang laman kaso puro dayami lang ang nakikita ko.

Biglang may dumaan sa harap ng pinagtataguan namin, buti na lang at malaki yung crate kaya medyo tago kaming tatlo.

"Wala pa rin bang balita sa asawa ni Enrique?" tanong ng isang lalaki.

"Wala pa po Boss. Hinahanap pa po sila ng mga kasama ko." sagot ng isang lalaki

"Don't worry, hon. Mahahanap din natin ang babaeng yun sa kung saang lungga man sila nagtatago ng mga kasama niya." sabi naman ng isang panibagong boses.

This must be Bettina Francis.

Grrr, kumukulo ang dugo ko sa babaeng to.

"Let's go." bulong ni Den sa min at lumihis kami ng daan palayo kina Bettina.

"Wait." biglang huminto si Reina kaya napahinto rin kami.

"Bakit?" tanong ko.

"Den, stay here." ani ni Reina saka ay iniangat ang isang trapal. Sa ilalim nun ay may isang sasakyan.

"Okay." sang-ayon ni Den saka ay pumasok sa loob ng sasakyan.

"Check it if may susi. Whatever happens from here onwards, you need to get out of here as soon as possible, okay?" seryosong utos ni Reina.

"Wait, what do you mean?" tanong ni Denise.

"Alam mo namang mag-drive di ba? Kaya mo yan." pagpapagaan ko sa usapan.

"Wait---"

"Stay safe Denise. Let's go Trez." pagpuputol ni Reina kay Den saka ay isinara ang pinto ng sasakyan at saka tinakpan ito ulit nung trapal bago kami tahimik na nagpatuloy sa paglalakad.

It seems like Reina also sensed danger.

'Guys?' tanong ni Den sa comm device.

'Hoy! Ba't niyo iniwan si Den?' tanong naman ni Iris.

Walang may sumagot kay Iris at bigala ko na lang siyang na-imagine na nakalabi dahil walang sumagot sa tanong niya.

Biglang napahinto si Reina sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

What is it again?

"Reina" tawag ko kay Reina pero sumenyas lang siya ng 'shhh'

Kinutuban na ako ng masama nang walang anu-ano ay humugot si Reina ng baril kaya hinugot ko na rin ang baril na dala ko.

---

Den's POV

Ano bang nangyayari? Ba't bigla na lang akong iniwan ng dalawang yun dito? Ang init kaya rito!

Agad kong chineck yung mga cameras para i-monitor sina Reina at Trez.

Nakita kong may mga papalapit kina Reina at Trez.

MTTDM2: Raven's WarOnde histórias criam vida. Descubra agora