54th Chapter "Badtrip"

4.2K 168 6
                                    

ICY's POV

"Waaaaaah! I miss you cutie Princess!" tumakbo sa akin si ate Xena at niyakap ako ng mahigpit. Para naman ang tagal naming hindi nagkita.

"Ang cute cute cute cute mo talaga Princess!" pinisil nanaman ni ate Xena yung mga pisngi ko.

"Ate, tama na." sabi ko pero patuloy parin si ate Xena sa pagpisil sa pisngi ko. Kawawa naman ang mga pisngi ko, laging torture kay ate Xena.

"Yieeee! Squishy squishy!" ate Xena na masayang tinotorture ang mga pisngi ko.

Hindi dapat ako sasama dito eh. Pero iniisip ko kasi si kuya Trion, paniguradong magtatampo yun kapag hindi ako pumunta dito. Gusto kasi ni kuya na nandito kaming lahat dahil magpro-propose sya kay ate Xena. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay ikakasal na sila tapos magkakababy na rin pala sila. Pero hanggang kailan ba magiging ganito si ate Xena sa akin?

"Ate, pinaglilihian mo ba si Princess?" tanong ni ate Ally na lumapit dito.

"Oo yata." masayang sagot ni ate Xena habang patuloy paring tinotorture ang mga pisngi ko. Huhuhu ate Xena, bakit ako pa?

"Princess, pagpasensyahan mo na si ate huh. Intindihin mo nalang ang sitwasyon nya." sabi ni ate Ally sa akin.

Tumango nalang ako kay ate Ally habang hawak-hawak parin ni ate Xena ang magkabilang pisngi ko. Nagagalit ako kay ate Xena dati sa tuwing ginagawa nya 'to sa akin. Pero ngayong alam ko na kung bakit biglang naging ganito si ate Xena, hindi na ako magagalit sa kanya kahit na kanina pa akong nagpipigil dito. Wala kasi ako sa good mood ngayon. Tss.

"Hello Ally my loves!" biglang sulpot ni kuya Jazi sabay akbay kay ate Ally. Nakita kong namula yung mukha ni ate Ally ng dahil doon.

"Ally my loves mo yang mukha mo! Don't touch me!" masungit na sabi ni ate Ally tapos marahas nyang tinanggal yung kamay ni kuya Jazi na nakaakbay sa kanya. Hay bumaliktad na talaga ang sitwasyon nilang dalawa.

"Ang sungit mo naman Ally my loves! Diba loves mo naman ako dati?" sabi ni kuya Jazi sabay nag-pout pa. Sige lang kuya, pa-cute pa more kay ate Ally. Tss.

"Natauhan na ako Jazi, kaya hindi na ngayon." seryosong sabi ni ate Ally nang hindi tinitignan si kuya.

"Hoy lalaki! Ano nanaman ang ginagawa mo kay All----" hindi na natuloy ni kuya Jasper yung sasabihin nya kay kuya Jazi dahil nabangga sya ng tumatakbo na si kuya Trion na hinahabol ni kuya Lucas. Since naglalakad itong si kuya Jasper palapit kay kuya Jazi, natumba si kuya Jasper kay kuya Jazi kaya napahiga sa sahig si kuya Jazi at napapatong sa kanya si kuya Jasper.

[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!] When Ms.Suplada meets Mr.Suplado [COMPLETED]Where stories live. Discover now