CHAPTER 2 : Her talent

344 2 0
                                    

ALEXI

"Ice?" gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?"

Tinulungan ko siyang tumayo.

"I was waiting for you." Sagot niya habang hawak niya yung likod niya.

Napalakas siguro yung tulak ko ng pinto.

"Naku, sorry talaga, Ice. Hindi ko naman kasi alam na nasa pinto ka pala. Sorry talaga." Nag-aalala kong sabi.

Bakit ba kasi siya nandito? At anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko.

"Huh? Ano? P-Pinapasundo ka sa akin ng kapatid mo." Sagot niya.

"Sana hindi ka na nag-abala. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Salamat nalang, atsaka baka pagod ka na. Mauna ka na baka may pupuntahan ka pa. Marami pa namang taxi dyan." Sabi ko.

Nakakahiya talaga.

"It's okay." Sagot niya.

"Okay lang, kung napipilitan ka huwag nalang. Pasensya ka na duo sa kapatid ko, ganon talaga yon." Sabi ko.

"No. I'll take you home. Let's go." Seryosong sabi niya.

Nauna na siyang naglakad at sinundan ko nalang siya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya.

Ano ba naman yan, awkward naman to.

Ngayon lang ako nakasakay sa kotse niya at ang bango ng kotse niya. Manly scented talaga. Ang bango.

Habang bumabyahe kami, wala kaming imikan. Ang awkward ng atmosphere namin.

"I'm sorry."

"Sorry..."

Sabay naming sabi. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng sandali.

"Ikaw na mauna." Sabi ko.

"I'm sorry about what I said earlier."

"Okay lang yon." Sagot ko. "Hindi mo naman kasalanan, kasalanan ko naman. Marami akong mga tinatanong sayo. Pasensya ka na talaga. Huwag kang mag-alala dahil hindi na ako mangungulit sayo."

"O-Okay."

After ng maliit na pag-uusap namin ay ni isa ay wala nang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko. "Sige."

"Alexi?" tawag niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya agad.

"Bakit?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot pero lumapit siya sa akin. Oh My, what is this? Hahalikan niya ba ako.

"I-Ice? Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko. Hahalikan niya ba talaga ako?! Seryoso?

"Done." Sabi niya.

Napamulat naman ako at tiningnan siya.

"Huh?"

"Ang tanga mo talaga. Bababa ka na nga lang, nalimutan mo pang i-unhook yung seatbelt mo." Sabi niya.

"Sorry." Sabi ko at nag-peace sign sa kanya. "Akala ko kasi kung hahalikan mo ako."

"Asa ka naman." Sagot niya.

Na-dismaya naman ako sa sinabi niya. Sayang!

"Joke lang. Eto naman. Sige, salamat ulit." Sabi ko at bumaba na ng kotse niya.

Her Seduction Plan(UNDER REVISION)Where stories live. Discover now