[4/5]

1.5K 73 8
                                    

Naglalakad ngayon sina D.Ona , FLUHANra , MeLAYweather at Baekkie sa gubat papuntang South Palace which is ang palasyo ni Baekkie.

"Asan nga pala sila Sehun?" Tanong ni Lay habang pasan ang maleta nya. Di nya kasi alam na pwede lang ito hilain kasi may gulong ito pero dahil shunga sya, nabitbit tuloy nya. Bigat kaya nun.

"Dun sila matutulog kina Taemin ng 5 days kasi wala na daw tayo. Uy kinikilig ako!!!" Sabi ni Luhan sabay palo sa balikat ni Lay.

"Gaga! Nakipagovernight sila dun kasi naghahanap sila ng ibang boylets!!" Mataray na sabi ni Baekkie sabay irap. Ang bitter nya ngayon promise.

Susugudin na sana ito ni Luhan nang pigilan ito nina D.O at Lay.

"Wag na Luhan!! Meron yan ngayon kaya behave ka muna ah!!" Sabi ni D.O sabay pat sa likod ni Luhan.

Nang makarating na sila sa palasyo, unang pumasok si Luhan para masiguradong walang makakita sakanila. Gusto kasi nila surprise eh.

Nag-ala counter strike sya ngayon habang pinorma ang kamay nya ng baril. Sasandal sya sa isang pader sa may hallway then sisilip kapag may tao then kapag wala, itutok nya ang kamay nyang nakaform na baril kahit saan na handa nang barilin ang kalaban kapag nagpakita. Para syang tanga promise.

"Andito na tayo Luhan!!" Sabi ni Lay sabay hila ng buhok ni Luhan para ipasok ito sa isang kwarto.

Unang pumasok si Baekkie na nakadapa na sa isang malaking kama. Masaya sya ngayon kasi nalaman nyang may bago syang tirahan at ang mas masaya pa ay isang palasyo! Pero nalulungkot sya kasi di na nya makikita si Chan sa gubat. At baka pupunta yun ng bahay nil— TAMA!!!! Pupunta nga si Chan sa bahay nya.

Dali-dali syang bumangon tsaka napatingin sa paligid. Umalis kasi yung tatlo pagkatapos nilang ilagay ang mga gamit nila sa kwarto ni Baekkie. So it means, walang tao. Nagiisa lang sya.

Kaya pwedeng tumakas!!!!

Naiiyak sya kasi wala na palang ibang way para makalabas ng kwarto. Kung sa pinto sya lalabas, edi huli sya then patay!!

"Yo yo yo~" bulong ng isang boses. Nagsintaasan ang balahibo nya dahil sa boses na yun. Masyadong nakakatakot pero at the same time nakakakilabot. Ay medyo pareho lang pala.

"Ovah heyr!!" Napatingin si Baekkie sa isang pader ng kwarto nya at dun nya nakita ang shining bright like a diamond na mukha ng isang tao na medyo may pagmumukha ng isang camel.

"Oh my god~ Look at that face~ Para syang namimistake~ I can make ugly people pretty for a weekend~" kanta ni Baekkie sabay turo sa mukha sa pader.

"Huy aba't!! Huy!!" Lumabas ang kagandahan ni Malifechen *pwe!!* sa pader na yun at lumapit kay Baekkie.

"KYAAAH!! RAPE!!" Sigaw ni Baekkie sabay tago sa ilalim ng kama. Pero nahila na ng maitim na witch (hindi si Kai ah!!) ang mga paa nya. Mala-madam bertud ang style ni Malifechen ngayon nebe!!

"Waah!! Bitawan mo kong rapist ka!! Halimaw ka!! Kamokamokamel!! Waaaah!!" Iyak ni Baek sabay yakap sa paa ng kama.

"Gaga ka bh3!! Di tayo talo! Pareho lang tayong baklush nebe!!" Sabi ni Chen sabay hampas sa pwet ni Baekkie.

"Emma gurlalush bhe!!! Makapalo ka ng pwet !! Huhu!!" Sagot ni Baekkie habang nakayakap parin sa paa ng kama.

"Di ka makalabas no? No? Kasi di ka makalabas?" May pagkatangang sabi ni Chen, "Kaya I will help you para makalabas!! May way pa dito na makalabas ka na walang makakakita sayo!!"

Napantig naman ang tenga ni Baekkie dahil dun. Agad syang bumitaw sa yakap sa paa ng kama at tumayo para harapin si Chen.

"May sinabi ka ba? It means ba yan, makikita ko na si Chan? Huh?" Tanong ni Baek.

[✔] Sleeping Baekkie (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora