Prologue

15.4K 240 34
                                    

Prologue


"Will you marry me?" Gun held my hand, his thumb brushes back and fort my hand.

Tumulo na ang mga luha ko at nasapo ang bibig sa narinig. He's kneeling in front of me while holding a huge diamond ring on his other hand.

I remember the first time he asked me to marry him. I was six years old and he was nine. Isang gabi ay naglaro kami noon sa bahay or should I say, napilitan siyang makipaglaro sa akin dahil may sakit ang kapatid ko at hindi rin makapunta ang mga kaibigan ko dahil gabi na.

Raegunn, my brother and I spent a lot of time watching movies, mostly Disney films kaya iyon rin ang naging laro namin nang gabing iyon.

I was his princess and he was my prince. We were at the garden, under the moon and the stars playing a life full of happy endings.

The memory I had with him that night when I said yes to his proposal was still vivid. Kahit walang ideya ay lumuhod siya sa harapan ko hawak ang plastic na singsing at ako naman ay buong-pusong sumagot ng matamis na oo. We were giggling after he put the ring on my finger, but I never expected him to kiss me on the lips... just like in the movies.

It was my first kiss at hanggang ngayon ay hinding-hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Twenty years later, it's happening again. A night under the moon and the stars.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Yes, I will marry you..." masaya kong sagot sa kanya sa kasalukuyan.

Nag-unahang tumulo ang kanyang mga luha at masayang isinuot kaagad ang singsing sa aking daliri sabay tayo at buhat sa akin paalis sa lupa upang masayang iikot sa ere.

Parehas kaming hiningal sa ilang segundong pag-ikot niya sa akin at nang muling mapirmi ay mas lalong tumulo ang mga luha ko matapos matitigan ang kanyang nangungusap na mga mata.

"I love you..." he said softly. "I love you so fucking damn much, Thyla..." he said but a loud voice thundered before he could even move closer to kiss my lips.

"Cut!" malakas na sigaw ng direktor kaya nanghihina akong napabitiw sa kanyang katawan kahit pa ang mga kamay niya ay tila ayaw akong pakawalan.

"Raegunn, it's Samantha! Her name is Samantha!" frustrated nang sigaw nito dahil nakailang take na kami, pero imbes na ang lalaki ang intindihin ay nanatiling nasa akin ang mga mata niya.

I can feel his sadness, but there was nothing I can do. I shouldn't do anything because I don't want to feel anything for him anymore. Sinubukan kong lumayo pero agad niyang nahuli ang kamay ko.

"Thyceve, please..." hirap na hirap niyang pakiusap, pero umiling lang ako at agad binalingan ang direktor sa kabilang dako ng set.

"I need a break direk," pinilit kong bawiin ang kamay at bago pa niya ako muling mahigit ay dumating na si Raffoul para ilayo ako sa kanya.

Kahit na parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko habang inaalalayan ako ng boyfriend ko palayo rito ay nagawa ko pa ring magpatianod.

Raegunn Earnest Grijalva, the man I once loved dearly... the man that I've spent most of my time with, but also the man that I'm never going to spend my eternity with... because no matter what I do, no matter how my feelings for him remained, I will always be just that girl who shared amazing nights with him... and nothing else.

---

This is the third book of Masked Gentlemen Series. A collaboration with Miss Belle Feliz of Precious Hearts Romances. Follow her Wattpad account to read her installment @xoxoxxbelle

Book 1: The Next Night by Ceng Crdva (Completed)

Book 2: The First Night by Belle Feliz (Completed)

Book 3: Nights With You by Ceng Crdva - (On Going)

Book 4: Will be written by Belle Feliz (COMING SOON!)

❤️

Nights With You (Masked Gentlemen Series 3)Where stories live. Discover now