Chapter 4: 2014

4 0 0
                                    

July 26. [Saturday]

Sabado na ngayon at kasalukuyan kong kasama ang dalawang bugok. Papunta ako sa bahay nila Vern. Napagdesisyunan naming kila Vern muna kami magsimula.

Nitong mga nagdaang araw kasi ay hindi kami magkasundong tatlo. Kaya lumipas ang ilang araw ng hindi pa kami nagsisimula sa pinapagawa ni Mrs. Sanchez. Bale ngayon lang kami nagkasundo.

23 days.

Napailing na lang ako ng mabilang kung ilang araw kaming hindi nagpansinan tatlo. Ay mali, ako lang pala ang hindi pumansin sa kanila.

"Stop the car" Nagpalinga linga ako sa paligid. Ang sabi ni Vern kapag may nakita akong sign na Villa Costa ay dun daw ako pumasok. Yun daw kasi yung subdivision nila.

Ilang segundo pa, ng tumingin ako sa kaliwa ko ay nakita ko ang malaking sign ng Villa Costa.

"Manong, pumasok kayo sa subdivision na yan" Tinuro ko yun. Pagkatapos, pinaandar na muli ni manong driver ang sasakyan.

"Hi ma'am. Sino pong sadya niyo?" Binuksan ko ang nasa kanan kong bintana saka hinarap ang guard na nakangiti sa akin.

Hindi ko siya nginitian pabalik.

"Wala bang sinabi sayo si Mr. Santillan na may bisita siya ngayong araw?" Naiinis kong tanong sa guard. Bigla naman siyang napaisip sa sinabi ko. Tumingin siya sa akin ng may nagsosorry'ng mukha.

Tss.

"Ay sorry po ma'am. Kayo po ba si Ms. Del Mundo?"

"Hindi pa ba halata?" Natawa siya sa sinabi ko. Ang akala niya siguro'y nagbibiro ako.

"Naku ma'am pasensya na. Pirma na lang po kayo dito" May inabot siya sa aking logbook at isang ballpen. Kinuha ko iyon kahit labag sa loob ko.

Bakit pa ba kailangang pumirma?

"Done" Ngumiti ulit ang guard. Tinaasan ko siya ng kilay habang unti-unting nagsasara ang bintana. "Let's go"

Marami na din palang bahay ang nakatayo sa subdivision na ito. At halata sa mga ito na hindi sila tinipid sa mga materials habang ginagawa. Mukhang mayaman lahat ng tao dito.

May problema ako. Hindi ko alam kung saan dito ang bahay nila Vern. Maya-maya lamang nasagot bigla ang tanong ko ng may unknown number ang nagtext sa akin.

Agad kong in-open yun. Nagbabakasakaling kay Vern ang number na iyon.

From: unknown

Where are you? Kanina pa kami naghihintay sayo.

Umikot bigla ang eyeball ng mga mata ko. So late na pala ako. Hindi man lang nila sinabi sa akin na may oras pa lang dapat sundin.

Nagreply ako.

To: unknown

Nasaan ba ang bahay niyo dito?! Ghad kanina pa kami naghahanap sa bahay mo Vern!

Sana naman ay ramdam niya sa text ko ang inis ko. Mabuti na lamang at naka-aircon kami. Kahit papaano nababawasan ang init ng ulo ko.

Di naman nagtagal ng magbeep ang phone ko. Nagtext na si Vern.

From: unknown

Derecho ka lang tapos may makikita kang black na sasakyan sa harap. Tapos yun na.

Tss. I-ooff ko na sana ang phone ko ng may pahabol na message si Vern.

From: unknown number

STORY OF USWhere stories live. Discover now