CHAPTER 14

200 5 0
                                    

CHAPTER 14

Isang buwan na ang nakakalipas nang makabalik sila ng Maynila. Katatapos pa lang magligpit ni Hanna ng gamit sa desk niya nang pumasok ang sekretarya niya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo."

Kumunot ang noo niya. Sino naman ang taong yun? Sa kadahilanang gusto niyang malaman kung sino ito ay sinabihan niya ang sekretarya na papasukin ang bisita.
Sakto namang bumukas ang pinto nang maipasok niya ang mga folder sa drawer.

Nagulat pa siya nang makita si Mia. Nakangiti ito sa kaniya. Dahan-dahang lumapit ito sa kaniya.

"Hi! Naabala ba kita?" tanong nito at na hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi.

Pinilit niyang ngumiti sa kaharap at iminuwestra ang upuan sa harap ng desk niya para sa mga guest.

"Thank you" sabay upo.

"You want coffee?" alon niya.

"Thanks but no thanks. Hindi naman ako magtatagal rito binisita lang kita at gusto kitang icongratulate sa kasal niyo ni  Caleb."

She smirked.

"Thank you." sarcastically, she said.

"I have a gift pala sayo."

May kinuha ito sa bag at ibinagay sa kaniya. It was an envelop. She opened it. Nanlaki ang mata niya nang makita ang larawan ng anak niya na kasama ito. May hawak ang dalawa ng ice cream.

"How sweet diba?" may pang asar na sabi nito.

"She loves ice cream Hanna. Like you. How adorable she is." dugtong pa nito.

Naikuyom niya ang dalawang palad. Talagang ginagalit siya nito.

"Ano pa ba ang kailangan mo?" hindi siya nakapagpigil at tinanong na niya ito.
Tumawa naman ito.

"Seriously Hanna? Don't ask me like that because the only I want from the start is to get rid of you out of my life and Kian's life!" sigaw nito.

"There was never between you and Kian from the start and you know it."

Tumaas ang kilay nito at tumingin ng masama sa kaniya.

"Remember this Hanna. Hawak ko ang anak mo. Isang tawag ko lang patay ang anak mo."

Nanlaki ang mata niya. Pinapasundan nito ang anak niya?

"What did you do?"

"Relax Hanna. Be a good okay para walang mawala."

Tumawa pa ito bago lumabas ng office niya.

Nang makalabas si Mia agad niyang tinawagan si Kian.

"Hi"

"Nasaan si Annah?" agad niyang tanong. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib niya.

"She's with me. Why?"

"Nasaan kayo?"

"Andito lang sa bahay."

"Okay"

"Wait. Why are you so bothered?"

"No. I'm just checking Annah."

"How about me?"

Naisip niya ang reaksiyon nito habang sinabi yun. He is smiling like an idiot. Napailing nalang siya at pilit na binura sa isip ang itsura ng asawa.

"See you"

Agad niyang ibinaba ang linya at binitbit ang bag saka lumabas.

Pagdating niya sa bahay nila nakita niya ang mag ama na parehong tulog sa lapag ng sala. Nakaunan ang ulo ni Annah sa braso ni Kian. Ngumiti siya. What a beautiful sight.

Dumeretso siya sa kusina at naabutan niya don si Manang Faye na nagluluto.

"Mabuti naman at nakauwi ka tamang tama at maluluto na ito. Yung mag ama mo nakatulog dahil sa kapapanuod at kahihintay sayo."  ngiting sabi nito.

Ngumiti din siya rito at tumulong na din. Manang Faye is her Nanny back then. Ito na ang naging pangalawang ina niga nang palaging nasa state ang magulang niya because of their business.

"Hindi ba pupunta rito si Caleb?"

"Ewan ko don. Nandito yun kanina sabi babalik siya. Wala pa naman."

Tumango siya.

"Si Cali?"

"Nasa kuwarto nito natutulog."

"Puntahan ko lang muna."

Nagtungo siya sa kuwarto ni Cali. Mahimbing na natutulog ito. Lumapit siya rito at ummupo sa gilid ng kama sabay haplos sa pisngi nito. Gumalaw ang mga mata nito kasabay ng pagmulat.

"Mama"

"Tara na sa baba. Kain na tayo"

Tumango naman ito at nagpabuhat sa kaniya. Sakto naman pagkababa nila ay gising na ang mag ama. Nakaupo na ang dalawa sa sofa.

"Mommy!" sigaw ni Annah. Agad na lumabi ito nang makitang buhat niya si Cali. Selosa ito pagdating sa kaniya.

"That's my Mommy!" sigaw uli nito.

"Annah" saway niya sa bata.

"Daddy, he's stealing my Mommy" sumbong nito sa ama.

"Don't worry baby. I'm here naman."

"But, I want Mommy."

"Tama na yan. Halina kayo sa kusina. Nakahanda na ang tanghalian." singit niya sa dalawa at nagpatiuna sa kusina.

______________

I know super lame......
Wala na akong maidagdag ubos na ang power ko.....
Abangan ang susunod na story.
Del Franco Series - Andrei Del Franco
😆😆😆😆😆😆

KIAN DEL FRANCO (Completed)Where stories live. Discover now