Chapter 1

20 0 0
                                    

[" Vans, asan kana? Wag mong sabihin hindi ka nanaman aattend? Aba namumuro ka na aa!"]

"Aattend ako promise. Nasa byahe pa lang ako oh"

["Oh sige, aabangan ka namin dito aa. Magpapasundo ka ba mamaya?"]

"Tignan ko, tawagan nalang kita later pag nasa bahay na ako"

["Ok bye"]

[Oy Vans aabangan ka namin dito aa] Narinig ko pang pahabol ni Anton sa kabilang linya

I pushed the end button and put my phone inside my bag.

Hay naku! yung mga yun talaga, sobrang mapilit. Hindi pa nga ako nagpapaalam sa parents kong aattend ako ng party.

Mamaya na ako magpapaalam pag nasa bahay na ako, siyempre lambing din ng konti. Sana naman payagan ako this time.

Im on my way home sa province namin, may 3 days vacation kasi. Sayang naman kung hindi ako uuwi. And besides, may get together party ang batch namin.

Nandito palang ako sa loob ng van. I checked my watch.

30 mins nalang andun na ako

I looked outside the window, puro fog at puno ang nakikita ko. Inayos ko ang jacket ko kasi medyo nilalamig narin ako.

Makikita ko na ang mga batchmates ko, kung papayagan ako, lage kasing ako ang wala tuwing may get together.

Hindi naman sa sobrang strict ng parents ko at ayaw akong payagan lage, minsan ayoko rin talagang makipagkita sakanila kasi puro lang naman inuman ang gagawin.

I love staying inside my cave. Mas gusto kong matulog nalang sa bahay o di kaya manuod nalang ng tv at makipagharutan sa pusa ko kesa makipaginuman sa labas.

Taong-bahay kasi ako. Ayokong maglakwatsa ng maglakwatsa. Kaya nga pag mag-aaya silang lumabas, sinasabi kong hindi ako pinayagan.

Although, minsan hindi naman talaga ako pinapayagan. Bunso kasi ako. Baby ng family, kaya grabe nalang sila kung makaprotekta sakin.

My thoughts were interrupted when my phone beeped..

From: Rizza

Tol, babalaan lang kita. He's here

I immediately replied

To: Rizza

Shut up dude! Like as if maniniwala ako..



Binalik ko na ang phone ko sa bag at saka ipinasak sa tenga ko ang earphones ko.

Yeah, soundtrip na to with max volume

Hindi naman ako naniniwala kay Rizza kasi lagi naman nila akong inaasar na meron siya. Yeah, siya. Yung ex ko Lucas Santos, my first love and my first heartbreak.

Never pa kaming nagkita after ng graduation namin. Like I said earlier, hindi naman kasi ako umaattend pag nagkikita-kita silang lahat.

Hindi naman sa ayoko siyang makita, it's just that, pag meron ako, wala siya pag meron naman siya ako ang wala. Parang hindi pa oras para magkita kami ulit. Lage kaming nagkakasalisihan

If you'll ask me if Im affected? The answer is a big NO.

Matagal na yung samin, its been what? More than 2 years.

Wala na akong nararamdaman para sakanya. And besides may girlfriend na siya.

Ako lang talaga ang laging inaasar ng barkada ko kasi nga wala pa akong naging boyfriend ever since me and Lucas broke up.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let the games beginWhere stories live. Discover now