Chapter 1

108K 1.9K 96
                                    


Chapter 1



"Halaa kanina lang din namin namin nalaman. Sorry Nevz!" Si Jane habang hawak ang kanang kamay ko.

"Sorry na Nevz dahil sa Dare namin nakaharap mo tuloy 'yung owner ng school na sobrang sungit daw, eh hindi rin kasi namin alam eh, pero may ginawa ba siyang masama sa'yo, sinakyan ka ba n'ya?" Tanong naman sa'kin ni Shae habang hawak ang kaliwang kamay ko.

Ang totoo niyan kanina pa sila nag so-sorry sa akin habang hawak ang kamay ko pero kanina pa rin akong nakatulala lang lang at hindi nag sasalita dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Wala naman silang kasalanan dahil pare-pareho kaming walang alam na si Declan pala ang owner ng school na 'yon peroo si Declan! bakit kailangan niya pa'ng i-announce sa buong cafeteria na asawa niya ako bakit kailangan niya akong gatungan sa Dare pero napapaisip rin ako mas okay ba 'yon kaysa ipahiya niya ako? Hays.

"Neveah, ano pa bang sinabi niya? Bakit ka tulala?" Bumalik ako sa realidad ng pisilin ni Shae ang kamay ko.

Nakauwi na kami ngayon sa Bahay na tinitirahan namin, malapit laang sa school at kayang lakarin. Simula kasi ng pumasa kami sa scholarship sa Saldiego Academy hindi na kami nag aksaya ng oras at sinabi agad namin sa magulang namin na titira kami sa iisang apartment lang, malayo kami sa mga magulang namin pero dahil mag kakasama kami keri lang.

Mukha lang kaming hindi scholar pero mukha lang talaga 'yon. We're grade 11, senior high school.

Saldiego Academy, siya ang owner, shemay.

He's Declan Austin Saldiego the owner of our school.

Ano na lang ang gagawin ko bukas kapag nagkita kami? Mag so-sorry ba ako? Sasabihin ko ba na Dare lang 'yon?

"Hoi gagi sorry na talaga, ba't kasi ayaw mo sagutin kung may ginawa 'yon sa'yo? Kung sinaktan ka o ano isusumbong natin kay Dean 'yon." Si Jane.

"Gaga, parang may magagawa pag susumbong eh 'no? Siya nga ang owner eh." Sabi naman ni Shae.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa dalawa. Medyo nakakarindi na sila sa totoo lang.

"P'wede bang manahimik kayo? Mag babangayan mayo sa mismong tenga ko pa talaga?" Inirapan ko sila pareho.

Kasi naman gulong gulo na nga ako dahil sa nangyari kanina at sa kakaisip kung anong mangyayari bukas tapos ganito pa 'tong dalawang 'to.

"Nakininig ka naman pala sa'min bakit hindi ka sumasagot sa tanong namin?" Inirapan rin ako ni Jane.

May pagka-mataray talaga ang isang 'to--actually silang dalawa ako? Minsan lang naman, swear.

"Eh ano ngang sinabi sa'yo ni Declan ba'yon? Bukod sa pag a-announce niya na asawa ka niya?" Tanong naman sa akin ni Shae.

Napabuntong hininga ulit ako, kinuha ko ang glass of water na nasa harapan ko at uminom ako.

"Wala,  he introduced his self lang sa paraan na mabibigla ka talaga." Sabi ko nang maalala ang ginawa niya kanina.

Ibinulong niya pa talaga sa akin na siya si Declan Austin Saldiego--ang owner ng Saldiego Academy.

Ang ganda ng first day of school namin, tsk.

"Ano pala pagkain natin?" Tanong ko at tumayo na, nag lakad ako papunta sa kusina. Sumunod naman ang dalawa.

"Egg na lang stock natin d'yan eh. Nag luto na ako kanina, kain na tayo." Sagot ni Shae at nauna siyang umupo umupo na rin si Shae kaya umupo na rin ako.

"Sige sa Saturday tayo mag grocery." Sabi ko at sumangayon naman silang dalawa.

Syempre malayo kami sa pamilya namin kaya naman sariling gastos namin ang lahat dito hindi naman gano'n kahirap dahil may allowance kami.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon