Chapter 4

67.8K 1.4K 133
                                    


Chapter 4 - Kiss

Kanina pa'ko nakaupo dito sa kitchen island nila siguro mula nung pumunta kami dito. Ten minutes nakong nandito at hindi ko alam kung nasa'n na ang 'Pentagon'

Nagulat nalang ako ng may tumabi sa'kin.

Si Devon! Ngumiti agad siya ng mapansin niya na nakatingin ako sa kan'ya. Shemay ang ganda niya ngumiti, bagay na bagay sa kan'ya 'yung dimple niya. Ang gwapo ni Omwemji.

"Kumain kana?" Tanong niya sa'kin.

"H-hindi pa" totoo naman hindi pa ako kumakaim simula kanina.

"Hindi kapa kumakain?" Tumanho ako, dahil sa kaibigan mo!

"O-oo"

"HAHAHA come on don't be shy" Paano ba ako hindi mahihiya sa kaniya?

Huminga na lang ako ng malalim at umayos ng upo.

"Girlfriend ka ni Declan boy?" Umiling ako.

"Oh, yeah Fiancé?" Tanong niya ulit at muli akong umiling.

"Ha? Ano mo siya, Hindi ka niya girlfriend hindi rin Fiancé?" Nanlaki ang mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Muntik na akong madulas!

"Asawa? Hehe." Alanganing sagot ko.

Nag iwas ako ng timgin at napa-pikit. Umayos ka Neveah, h'wag kang mag papadala sa dimple niya.

Huhuhu dimple! Layuan moko!

Gagi bakit ba agad akong na tu-turn on sa may mga dimple? Ta's ang bango niya pa tapos tapos...ang gwapo rin.

OMG!

"Haha magiging pa lang, h'wag excited." Sabi niya at tumawa dahil do'n lalong lumalim ang dimple niya.

"Good luck pala ha, sana matagalan mo si Declan." He smiled at me, bigla ng tumiboh ng malakas ang puso ko.

"Tara lulutuan kita ng pagkain ano gusto mo?" Hinawakan nya ang wrist ko kaya yung tumayo ako tumama ang mukha ko sa dibdib nya! Mas matangkad si Declan pero matangkad din si Devon.

"Oh, sorry let's go" hawak nya padin ang kaliwang kamay ko ng may humila sa kanang kamay ko.

Si Declan!

Nag init ang pisgi ko at agad napa-bitaw sa pagkaka-hawak ni Devon.

"Uuwi na kami" cold na sabi ni Declan.

"Declan boy dipa sya nakain, kanina pa 'yan nandito" oo nga!

"Shut up! Ako ng bahala sa Fiancé ko" nagulat nalang ako dahil sa diin ng pag kakasabi nya ng fiancé may problema ba siya Kay devon?

"Okay, okay HAHAHA bye ingat Dre!" Tinapik ni Devon ang balikat ni Declan.

"Oh, uuwi na kayo?" Mula sa kusina ay pumasok si Ashton.

"Yeah" making sagot ni Declan.

"Wait Boy! 'kala ko mag pa-party party tayo?" Si Raden.

"Mag party ka mag Isa mo"  yung totoo? Anong problema nya?

"We have to go, Next time na lang may pupuntahan pa kami ni Nev" Sino nag sabi sa kan'ya na p'wede niya 'ko tawaging Nev?  Close friends ko lang pwedeng tumawag sakin ng Nev, Nevz!

Hindi nadin ako umimik ng hilahin nya'ko palabas.

"Gutom ka na? Tss bat 'di ka nag sabi?" Tingnan mo kasalanan ko pa? Eh basta basta nyako dinala dito.

"Okay, tara na" pinag buksan nya' ko ngayon ng pintuan ng sasakyan nya kaya sumakay nako.

"Bilihan nalang kita pagkain, pati mga kaibigan mo may pupuntahan pa'ko"

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon