Chapter 10

59K 1.1K 91
                                    

Chapter 10

Kanina pa ako nakatahimik ng maka-uwi kaming tatlo. Aish! Nagugulo ang isip ko dahil sa narinig ko.

Knights? Leader?

"Neveah!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malakas na tawag ng dalawa sakin, lahat kami ay nandito sa sala.

"O-oh?"

"Are you with us?" Tanong ni Shae, ngumiti ako at awkward na tumango.

"May tinatanong kami sayo kanina ka pa nakatulala" sabi naman ni Jane, sabay kagat sa stick-o.

"H-ha? Ano 'yon?" Nag palipat lipat ang tingin ko sa dalawa, shemay! Nawala na talaga ako sa pinag uusapan namin.

"Si Ashton kako, close mo?" Tanong ni Shae.

"Pati si Raden? Gosh ang gwapo ng mga 'yon!" Si Jane.

"Sige na 'te payag na ako na kay Decln ka." Parang kiti kiti na dagdag ni Jane.. Kumunot ang noo ko dahil sa huli n'yang sinabi, mas naintindihan ko pa 'yon kaysa sa una.

"Oo close ko sila medyo?" Hindi rin siguradong sagot ko, nag kibit balikat ako hindi ko na lang din pinasin ang huling sinabi ni Jane kanina.

"Pero 'ung may dimple? 'yung akala mong pumunta dito kanina? Ang gwapo n'ya" tapos nag tawanan silang dalawa.

Tumaas ang kilay ko, gwapo naman talaga si Devon eh.

Anong oras na at naka tunganga pa rin kami dito sa salas "Uuwi ako kanila papa sa isang linggo bibisitahin ko sila, kahit dalawang araw lang." sabi ko sa kanila bago tumayo dahil narakaramdam na rin ako ng antok.

Antok na'ko.

"Talaga? Sama kami ah." Tumango ako sa kanila. Matic na 'yon.

Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisgi "Goodnight Shae, Goodnight Jane." sabi ko sa kanila, feeling ko ano mang oras babagsak ako dito napagod ako sa make over nayon ah.

"Sige tutulog nadin ako, Goodnight Nevz Iloveyou!" Sigaw ni Jane.

"Ako din! Goodnight din!" Si Shae.

Nang makapasok naman ako sa kwarto ko, ay agad akong nag dive papunta sa kama, hindi naman ako makatulog gayong nandito na'ko sa kwarto.

Asih! Hindi ko makalimutan ang mga narinig ko kanina!

Nagulantang nalang ako ng tumunog ang cellphone ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang pangalan ni Declan sa screen ko.

Supladong Declan...

Agad ko ding sinagot yon, anong problema nya? Gabi na kaya!

"Anong problema mo? Gabi na ah!" Bulyaw ko sa kanya, narinig ko ang pag tawa nya.

"Chill love Haha, Igo-goodnight lang kita." tumawa ulit s'ya.

Ang lakas niya talaga mang bwisit.

"Okay then, goodnight bye." Ibababa ko na dapat ang cellphone ko ng mag pahabol sya.

"Matulog ka ng mabuti love haha, wag mo akong ma-miss." Gggrrr!

Ang lakas niya talaga mang inis at bakit ko s'ya mami-miss? Nasisiraan na s'ya ng ulo.

Humiga nalang ako, ng muling tumunog ang cellphone ko, hindi kona tiningnan kung sino halata naman bwisit!

"Ano na naman? Matutulog na'ko!" Sigaw ko.

"O-oh? Galit na galit anak?" Hala si papa!

Bwisit na Declan kasi! Huhuhu.

"P-pa, sorry po ang kulit po kasi ng Classmate ko eh." Mahinang pag sisinungaling ko.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon