Chapter 17

48.7K 940 13
                                    

Chapter 17

Halos hindi ako makapag salita ng tanungin ako nila Shae  kung ano ang nangyari sa akin, kinakabahan ako at natatakot.

Ito ang unang pag kakataon na nangyaari sa'kin ang ganong bagay, alam kong hindi si Declan iyon and besides bakit niya naman ako susundan? Kilala ko ang kilos ni Declan.

"Nev, kung pagod kana pwede kana matulog kami na ang bahala dito." Sabi ni Jane pero parang hindi rin sigurado. I shook my head.

"P-pwede bang tabi tabi tayong tatlo?" Hindi ko alam kung dahil sa takot ko nasabi yun.

"Sus yun lang? Syempre naman!" ngiti sakin ni Shaenaya.

"Pero ano talagang ngyari Nev? Dapat pala inantay ka nalang namin kanina." Parang nagsising sabi ni Jane. Parehas silamg nakaupo sa center table at ako naman ang nasa harapan nila na nakaupo sa sofa.

"M-may sumusunod sakin kanina, ramdam ko." Takot na sabi ko.

Hinawakan ni Jane ang balikat ko, si Shae naman ay hinagod ako sa likuran.

"Hindi ba kayo mag kasama ni Declan?" Umiling ako sa tanong ni Shae.

"We need to tell him..them Nev." Wala sa sariling napatango ako sa sinabi ni Shae

"Dyan lang kayo tatawagan ko si Ashton." tumango kaming dalawa ni Shae.

"Everything will be alright, basta ngayon kailangang malaman nila Declan okay? Sa Saturday tayo uuwi sa inyo right?" Tumango ulit ako sa sinabi ni Shae.

"Pupunta na sila dito, do'n daw muna tayo sa Pentagon's house" Sabi ni Jane pagkalabas galing kusina. Tumango ulit kami mas mabuti pa nga siguro ngayon na doon muna kami kahot ngayong gabi lang para may kasama lalo pa't wala rin akong clue kung sino ang sumusunod na iyon.

"Tsaka sabi pala ni Declan ayusin muna natin ang mga damit pang two days? Dun daw muna tayo pati gamit pang school." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Shae. Bakit kailangang mag ayos ng gamit?

"Ten minutes daw nandito na sila tara, do'n muna tayo para makasigurado alam natin na sila yon." dagdag pa ulit ni Jane. Tunango na lang ako at tumayo

"San ka punta?" Si Shae.

"Mag aayos ng gamit" sagot ko at parehas naman silang tumanhp.

"Samahan ka namin, no buts tara." Hindi na rin naman ako nakaoag salita ng hilahin na nila ako.

Nag deretso kami sa kwarto ko at kinuha ang Isa sa mga bag ko na ginagamit ko kapag umaalis ako.

"A-ah mag ayos na rin kayo ng gamit niyo okay lang ako para pag dating nila aalis nalang tayo." Nag katinginan ang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Okay lang ako sisigaw agad ako kapag may maramdaman akong iba, goo na."

"S-sure ka? Pwede naman tayong mag pa antay" sabay na sabi nila.

"No, lakad na." Hinila ko ang dalawa palabas ng kwarto.

"O-okay." parang hindi pa rin sila sigurado sa pag lalakad patalikod sakin, ng may maalala ko.

"Ahh, Shae? Peram pala ako laptop mo ah? Gagawa pa'ko research eh."  Agad syang napaharap dahil sa sinabi ko at tumango.

"Iyon lang? Of course pwedeng pwede." she smiled at me.

"Okay salamat, bruha goo na kayoo" I chuckled.

Tuluyan na rin silang tumalikod at nag tungo sa mga kwarto nila.

Napa buntong hininga na lang ako bago ayusin ang mga gamit ko. Isang malaking katanungan pa rin sakin Kung sino ang mga humabol sakin, I know hindi lang Isa yun dalawa o higit pa.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon