Twenty Six

1.9K 110 36
                                    

Jade's POV

Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay gamit ang lumang sasakyan ni Ar-ar. Buti na lang at tulog pa ito. Kundi ay pilit na naman niya akong sasamahan. Saturday ngayon kaya alam kong naka-off sila sa work.

Ito na ang tamang oras para muli kaming magkaharap ni Thei-thei. Malalaman ko na ang buong katotohanan mula sa kanya.

Bagaman sobra akong kinakabahan ay kailangan ko itong paglabanan. Pagbaba ko ng kotse ay dahan-dahan ang naging pagpasok ko sa gate na gawa sa kawayan. Sa takot na mapagsaraduhan na naman ako ng pinto ay pumasok na lang ako ng walang paalam.

"Cha ready na ang almusal natin!" Dinig kong sabi ng isang lalaki mula sa labas ng nakabukas na pinto.

"Sshh.. Baka magising kasi ang bata." Mahinang saway ni Thei-thei rito.

"Thei-thei!!!" Wala sa loob na nasabi ko. Dahil siguro sa bigat na naramdaman ko pagkakita sa lalaking kaharap nito. Matangkad ito, matipuno, gwapo at lalaking lalaki ang tindig.

"D-denise?!" Gulat na gulat na sulyap niya sa akin ngunit mabilis na napatutok ang tingin ko sa bata. Napasinghap ako nang mapagmasdan ko itong mabuti.

"OMG!!! K-kamukha ko siya." Lalapitan ko sana upang mahawakan nang bigla namang iniiwas sa akin ito ni Thei-thei.

"Miko hubarin mo muna iyang apron sa katawan mo." Binitiwan muna nito ang hawak na sandok saka hinubad ang suot na apron. "Kuhanin mo itong baby natin dalhin mo sa kwarto bilis! Mag-uusap lang kami sa labas nitong bisita ko."

Naguguluhan man ang lalaki ay agaran nitong sinunod ang sinabi ni Thei-thei. "S-sige Cha!"

Hinintay niyang makapasok sa loob ng room ang mga ito saka niya ako hinarap at hinila palabas ng bahay.

"Thei-thei sandali!"

"Denise anong ginagawa mo dito?! Tahimik na ang buhay ko. Bakit kailangan mo pang manggulo?"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na hindi na ako importante sa buhay niya.

"Anak ko ang batang yon! May karapatan ako sa kanya." Matigas na pahayag ko sa kanya.

"Paano ka nakakasiguro na sayo siya?" Matigas rin niyang sagot sa akin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga dahil sa labis na pagkadismaya. "My God! Thei-thei gusto mo pa bang dagdagan ang kasalanan mo? Itinago mo na nga sa akin. Ngayon itatanggi mo pa?! Anong klaseng babae ka? Gagawin mo pa akong tanga, huh?!" Hindi siya nakaimik. Sa halip ay napaiyak na lang siya. "Wala akong pakialam kung mag-asawa ka ng ilang beses or ng kahit na sino. Basta yong anak ko kikilalanin din ako!!"

"Denise please..." Iyak niyang pakiusap sa akin.

"Sinungaling ka! Itinago mo sa akin ang anak ko!"

"I'm sorry.. Hindi ko alam na hahanapin mo pa ako. Kaya ginusto ko itong tahimik na buhay kasama ang anak ko."

"Kaya ba ipinapaako mo sa iba ang resposibilidad ko sa baby natin? Fuck you! Hindi ko kailangan ng sorry mo. Kukunin ko sayo ang anak ko at ilalaban ko ito sa korte. Tandaan mo yan!"

Nanlaki ang mga mata niya sa takot. Alam niyang marami akong connection at kaya kong bumayad ng pinakamagaling na abugado. "Huwag please Denise! Ayokong umabot tayo sa ganon. Mababaliw ako kapag kinuha mo sa akin ang anak ko."

"Eh ako, paano ako? Gusto ko ring makasama ang anak ko."

Bigla akong nakaramdam ng awa nang mapahagulhol na siya ng iyak. "Anong gusto mong gawin ko para lang hindi mo siya ilayo sa akin?"

Unkabogable FeelingsWhere stories live. Discover now