Chapter 16

256 15 2
                                    

BELLE's POV

"Bakit? Bakit hindi makakabuti" 

"O.O"

Laking gulat ko ng makita ko si Gabbi na nasa pintuan ng kwarto ko, hindi ko alam kung hanggang saan ang narinig nya sa usapan namin pero sigurado akong may mga tanong syang dapat na sagutin ko. 

"Gabbi.." bulong ko... "Anong ginagawa mo dito?" 

"Hindi ba nasabi sa'yo ni Mother? sabi ko dadalawin kita ngayon after class" napabaling naman ako ng tingin kay mother na napakamot pa sa kanyang ulo.

"Ay pasensya na iha nawala sa isipan ko ang bilin mo" aniya Mother Flor "Belle iha, mabuti pa ay aalis na muna kami ni sister Anna, mayroon lang din kaming aasikasuhin at babalik na lamang mamaya.."

"Mother, hindi na ho, magpahinga na ho kayo ni sister Anna, kaya ko naman po ang sarili ko."

"Pero i-"

"Please Mother..." pagpupumilit ko..

"Mother Flor, mukha namang okay na si Belle" sambit ni sister Anna, si sister Anna kasi  ang madalas ang nagkukumbinsi kay Mother sa lahat ng nais ko.  "Sigurado akong magiging okay sya kasi nariyan naman din si Gabbi." 

"Aba'y kung ganon eh.. maiwan na namin kayo, Belle iha magpahinga ka ng mabuti." bilin pa ni Mother Flor, "Yes, Mother." saka sila tuluyan lumabas ni sister Anna sa aking kwarto.

tuluyan namang lumapit si Gabbi sa tabi ko.. "So..... Bakit hindi makakabuti Belle?" seryosong tanong nya, bakas sa mukha nya ang pagkalungkot.. "Please Belle.. just tell me the reason.." napapikit ako ng aking mata at napabuntong hininga.. paano ba kasi humantong sa ganito ang lahat?

Ang pinakaayaw ko ay ang magpaliwanag. 

"Gabbi, alam kong maganda ang intensyon mo.. alam kong mabuti kang tao, nararamdaman ko yon pero bakit ba ganito ka sa'kin? kung tutuusin dapat matagal mo na akong iniwasan dahil sa mga nasabi ko dati, pero bakit gusto mo pa rin akong maging kaibigan?" dire-diretsong sabi ko sa kanya..

"Belle, I don't know.. I really don't know, maybe I'm longing for a real person... for a real friend? sa totoo lang.. ikaw lang ang pinakatotoo sa lahat ng nakilala ko, hindi ka nagpapanggap, Oo weird ka, sobrang tahimik, tapos prangka pa kung minsan hehe"

O.o

natahimik na lamang ako sa lahat ng nasabi ni Gabbi, sa paraan ng kanyang pagsasalita ay tila ba kilalang kilala na nya ako.

"So... are those enough reason?"

tsss... hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo, sumasakit lalo ang ulo ko kakaisip sa mga sinabi mo... kung sasabihin kong hindi titigil ka na ba? base sa pagkakakilala ko sa'yo ay hindi ka titigil hanggat hindi ako pumapayag, tigas din ng ulo mo.

😒

 "Okay"

"O.O"   <------ her

"Okay? as in......?" tila naghihintay sya na sa'kin mangagling ang susunod na salita... 

"Okay, do what you want... but I can't promise anything and please don't ask me anymore question." seryoso kong sambit sa kanya..

"YYYYYYEEEEEEEHHEEEEYYY!!!!!!!" bigla syang sumigaw ng malakas..

>.<

"Gabbi, nasa Ospital tayo!" suway ko sa kanya.. 

Crashing into You (Season 1)Where stories live. Discover now