"TAMA NA"

144 3 0
                                        

minahal kita minahal mo ko 
Nangako sa isat isang magtatagal tayo
Pero bakit ganon akoy iyong pinabayaan,iniwan, at sinaktan
Lahat ng ito nangyari ng biglaan

Sinabi mong pagod kana 
Ayaw mo na
Pagod kanang intindihin ako
Samantalang ako, 
ako na pagod ng ipaglaban ang tayo

Iniwan mo kot nagpakasaya ka sa iba
Dika pala pagod ang totoo mayron kanang iba
Dika pala pagod kasi meron na sayong nagpapasaya
At lalong dika pagod kasi saakiy nais mo lang makawala

Ngayong akoy nakalimut na sa sakit at pait na dulot mo
Saka mo sasabihin saakin mahal mo pa ako
Saka mo sasabihin ako lang ang minahal mo ng totoo
Ako lang ang babaeng nasa puso mo

Ang pagalis mo ng isang beses ay tama na
Ang pagwasak mo ng isang beses sa puso koy ayoko ko ng maging dalawa
Ayoko ko ng masaktan pa 
Sa parehong taong minahal ko ng sobra
Pero naghanap ng iba

Tama na
Ako naman ang magsasabing ayoko na
Pagod na akong umiyak magdamag hanggang sa wala ng tumutulong luha
Pagod na akong ipaglaban ang taong di ako kayang ipaglaban

Spoken Word Poetry Where stories live. Discover now