4

35 0 0
                                    

CEDAR

“Cedaaaaaar!” Presensya ng nakasimangot na si Ram ang sumalubong sa'kin nang buksan ko ang pinto. Agad niya naman akong niyakap. Mukhang mangiyak-ngiyak pa ang gago.

“Anong nangyari sa'yo?Tinanong ko na siya agad matapos kong maunang bumitaw sa yakap.

“Mukha ba akong manyak?” Ano daw?

“Bakit mo natanong?” Sinagot ko siya ng isa pang tanong.

“Tinawag niya akong manyak.” Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Manyak. Sinasabi ko na talaga lalayas na ako dito. Puro kasi mahaharot ang mga tao dito, dinadamay 'nyo'ko. Alam mo bang first time kong masabihan na manyak?”

“Hindi ako kasama sa maharot ha. First time lang naman eh, masasanay ka rin.” Akma niya akong sasapakin dahil sa sinabi ko.

“Walang kwenta...” Natigil siya at lumingon sa gilid. “Kanina ka pa ba dito?” Tinanong niya yung babaeng magiging kapatid namin.

“Oo. Kanina pa.” She said.

“Ako nga pala si Ram.” Lumapit si Ram sa kanya at nagpakilala.

Ram? Hindi ko alam na may hindi pala brown ang pangalan sa inyo. Ako nga pala si Precious.” Sabi niya. So Precious pala ang pangalan niya.

Ram, short for Caramel. Kilala mo na si Cedar 'di ba?”

“Oo, kanina pa. As in.” She said while looking at my direction. Pansin ko naman na diniin niya talaga yung as in. Agad naman akong umiwas sa tingin niya.

“So ibig sabihin, kanina ka pa talaga dito?”

“Oo. Na-meet ko na rin si kuya Peanut.” Wow, ang bilis. Kuya na talaga ang tawag niya kay mani. “Sabi niya papasok daw siya sa trabaho and left me with Cedar but...” Hindi niya tinuloy yung sinasabi niya pero nakatingin siya sa'kin. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

“Wala ka talagang kwenta, Ced.” Papalapit na sana si Ram sa'kin para batukan ako pero hindi na siya umabot dahil pumasok na ako sa kwarto at agad ko nang naisara ang pinto. Bahala ka na d'yan sa Precious na 'yan Ram.

I still can't accept the fact that mom is getting married again. She doesn't need a husband. Malalaki na naman kami at madami kaming mag-aalaga sa kanya.

🌲

CEDARDonde viven las historias. Descúbrelo ahora