CHAPTER 4 (Forbidden)

104 6 0
                                    


LABIS ANG pag-aalala ni Charity ng araw na iyon, dahil hindi pumasok si Lucas. Sa nakalipas na buwan, halos hindi pa ito pumasok ng late. At kahit minsan ay hindi ito umabsent. Inaalala niya na baka nagkasakit na ito dahil sa pagpapa-ulan nito kagabi.

"Jinky, hindi ba nagpaalam sa'yo si Lucas?" Sa wakas ay hindi na niya matiis ang sarili.

"Ha? Hindi?" Kinuwento niya dito ang paghahatid sa kanya ni Lucas, at ang pag-alis nitong walang payong.

"Sus, si Boss, worried kay Mr. Handsome but Weird." Tudyo nito. Iyon kasi ang palayaw ni Jinky sa binata.

"Sira ka talaga, malamang kasi empleydo ko iyong tao. Saka naisip ko lang baka nagkasakit na siya." Aniya dito. Inutos na lang niyang tingnan niya ang biodata nito at tawagan ito. Pero ng bumalik ito, wala umanong contact number ang biodata nito. Gusto niyang mainis dito nang hindi man lang nito nagawang kuhanan ng contact number si Lucas, hindi tuloy niya matawagan ngayon.

Boung maghapon siyang hindi matahimik. Lalo't binabagabag pa rin siya ng kanyang panaginip. Alam niyang katangahang isipin niya ng husto ang naging panaginip niyang iyon. Pero hindi niya napigilan. Lalo't paulit-ulit na tumatatak sa isip niya ang huling sinabi nito.

"Ikaw ang dahilan kaya nandito ako. Dahil ginulo ko ang tandahan mo! Honestly!" Napailing na lang siya. Nahahawa na ako sa kawerduhan ni Lucas. Kausap niya sa sarili saka umiling upang panatagin ang sarili.

Abala siya sa pag-iisip ng dumating si Thines. May bitbit pa itong pasalubong para sa kanya.

"Hmmm--- hindi ka pa rin okay?" Puna nito habang kumakain sila ng Pizza na dala nito. "Huwag mong sabihing naglalasing ka pa rin?"

"Hindi na no, natakot rin naman ako sa nangyari sa akin." Pag-amin niya.

"That's good, so what behind the long face." Napilitan siyang ikuwento dito ang tungkol kay Lucas. Alam niyang hindi naman ito titigil kapag hindi nalaman ang gusto mula sa kanya.

"So, ibig sabihin nadidivert ang atensyon mo, sa Lucas na iyan? Well hindi na rin masama. Pero I have to meet him para makilatis muna natin." Masayang saad nito.

"Makilatis, ano ka ba! As if I am interested in him. Naawa lang ako sa kalagayan niya." Pagdadahilan niya. Pero tumututol ang isang bahagi ng isipan niya. Ikinuwento niya dito ang sitwasyon si Lucas

"Really!" Naroon ang kasiyahan sa mukha nito. Napakasupportive talaga ng kaibigan niyang ito pagdating sa love life niya. Pero ito, wala man lang ka-inte-interest sa love life nito.

"NASISIRA na rin pala ang ulo mo Lucas," saad ni Master Simon sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kong bakit hindi niya magawang ikilos ang katawan matapos siyang umalis sa bahay ni Charity. Ipinagpasalamat na nga lang niyang nakabalik siya sa bahay ni Master Simon, dahil bigla na lang siyang nanghina. At kataka takang nabasa siya ng ulan.

"Pero Master, bakit nangyayari sa akin ang ganito?" Naguguluhang tanong niya. Hindi rin niya magamit ang lakas at bilis niya.

"Ang lahat ng itinapong anghel, dito sa daigdig. Ay hindi inaalisan ng kapangyarihan. Pinahihintulutan tayong gamitin iyan para sa sarili natin. Pero hindi para sa iba. At sa tingin ko ang pagpapakita mo sa panaginip ni Charity ay walang kinalaman doon. Hindi siya nakalapit sa kamatayan kaya ligtas ka doon." Paliwanag nito.

"Maliban na lang kung, nagsimulang pumintig ang puso mo!" Gulat na napatitig siya dito.

"Ang aking puso?" Parang batang ulit niya.

"Oo," nagulat siya ng tapikin ni Master Simon ang tapat ng dibdib niya na madalas kumakalabog kapag nasa malapit lang si Charity. Pero nawawala kapag hindi niya ito nakakikita. Subalit kapag bigla naman niyang itong naisip. Muli naman lumalakas ang pintig noon. "Nararamdaman mo ba ang pagtibok ng puso mo?" Tumango siya, na parang ikinapanghina nito.

"Hangal ka Gabay! Hindi mo dapat hinayaang maramdaman iyan para sa isang mortal. Isang malaking kasalaman 'yan. At labag sa batas."

"Hindi ko maintindihan----" naputol ang sasabihin niyang bigla siyang sapukin nito.

"Aray!" Daing niya. "Hindi ko kayo maintindihan Master." Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsalubong ng kilay nito. Saka umiling.

"Pag-ibig ang dahilan ang paglikha ng lahat. Subalit ang pag-ibig ng tao sa kapwa tao. Ay iba sa pag-ibig ng Lumikha, at pag-ibig ang dahilan kung bakit nabubuhay ang mga Gabay na tulad mo. Subalit hindi maaring umibig ang isang Gabay sa kanyang ginagabay. Pagkat ang tao ay para sa tao lamang.

"Kung ganun, umiibig ako kay Charity?" Kunoot noong tanong niya dito. Napatuwid pa siya ng pagkaka-upo. "Hindi! Impossible! Nandito lang ako para sa misyon ko. At gagawin ko ang lahat upang nakabalik kung saan ako dati."

"Hangal ka ngang talaga. Bueno! May isang bagay ka pang dapat malaman. Sa oras na hindi mo na matagpuan ang lugar na ito, at hindi ka na makapasok pa! Tatangapin mo ang kaparusahan ng langit dahil sa paglabag. At mamatay ka, 'yang katawang mayroon ka, ay malulusaw sa hangin." Seryosong saad nito.

"Hindi! Hindi ko hahayaang mangayari iyon. May nais akong makamit. Ang pangarap ng isang tulad ko ay maging bahagi ng mga kawal ng Zion." Determinadong saad niya dito. Pero naroon ang pagtututol sa isang bahagi ng isipan niya. And the image of Charity smiling at him made his heart pounding again. Napangiwi siya dahil sa parang nanikip ang paghinga niya. Kinalma niya ang sarili. Hindi siya maaring mamatay sa mundong iyon.

"Umaasa akong magtatagumpay ka sa misyon mo. At makakabalik roon."

"Kung ganun Master, kailangan mo ako tulungan upang mawala ang pintig ng puso ko." Lakas loob na saad niya dito.

" Walang lunas sa sakit na iyan, Lucas. " Umiiling pang saad nito.

"So ibig mong sabihin mamatay talaga ako dito sa lupa." Nahihintakutang saad niya. Ang pag-aalalang iyon nagpabigat ng pakiramdam niya. Pero wala siyang natangap na sagot mula dito.

LUCAS, THE FALLEN ANGELWhere stories live. Discover now