Chapter 2: First Love

2.9K 94 5
                                    

Ilang araw na akong hindi makatingin ng deretso sa kanya at ilang araw na din siya panay kain at tulog lang.

Peste!

Ang tamad ng babaeng 'to!

Absent din siya palagi, hindi ko alam kung bakit nakakalusot siya sa mga teacher eh. So isang linggo talaga siya hindi papasok?

Seryoso ba talaga siya?

Ano 'to papasok lang siya kung kailan niya lang gusto?!?

Teka!

Why do I care?

Pake ko ba kung bumagsak siya?

Hindi naman siguro dahil 'to sa banat niya 'I-crush back ko daw siya' diba!?

Napahilot nalang ako sa sintido. Hays buhay nga naman. Tsk

Nagulat ako ng may isang bruhang nag-alis ng salamin ko. "Peste naman eh!" iritang sambit ko.

"Oh init yata ng ulo mo." puna niya sa akin.

Lagi namang mainit ulo ko kapag nakikita ko siya. Tsk

Hindi ko nalang binalik ulit yung salamin ko. Alam ko namang tatanggalin niya ulit. Tsk

Mas lalo lang akong mabwebwesit kapag nangyari yun.

Tumabi siya sa akin. "You're so beautiful." seryosong sambit niya.

*dug, dug, dug*

The fck!

Anong pinagsasabi niya?!?

"Wait, are you blushing?" curious na tanong niya.

Sinong mag bblush?

Ako?

Nagbibiro ba siya?

"Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako magbblush?" iritang tanong ko sa kanya.

Ngumisi lang siya at pailing-iling na umalis sa tabi ko.

Ako mag bblush?

No way!

Maya-maya pa ay bumalik na siyang may dalang salamin sa mukha. "Look at yourself in the mirror." sabi niya at itinapat sa mukha ko yung salamin.

Tf.

Tf.

Oo nga!!

Namumula nga ako!!

Paanong....??

"Naiinitan ka ba? Ang puti mo kasi kaya halatang-halata ang pamumula mo." parang wala lang na sambit niya.

Bigla niya binuksan yung air-con namin. Pinapatay ko kasi yun kapag hindi ko na kaya.

Umupo ulit siya sa tabi ko at pinagmasdan ako. Pucha!

Matutunaw na yata ako!

"Pwede bang tigilan mo na yang kakatitig mo!?" nauubusan ng pasensyang sambit ko sa kanya.

"Ayoko."

Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Guys, sisihin niyo siya kapag natunaw ang isang magandang tulad ko.

Hangin self ahh.

Naiilang na naman tuloy ako.

Pasensya lang self, malapit na umuwi yan. Kinakalma ko nalang sarili ko.

"Hindi ka ba papasok?" bigla ko nalang natanong sa kanya.

Curious kasi talaga ako.

"Hindi, pahinga day ko."

Chased By A Beautiful Woman (gxg)Where stories live. Discover now