Chapter 21

48K 869 14
                                    

Chapter 21

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nag bihis ng damit, oversized tee shirt at short. Pag katapos ko ay nag lakad ulit ako pababa, paulit ulit ko na lamang na ipinipilig ang ulo ko kapag naalala ko si Declan at ang tungkol sa kontrata.

Mabuting wag kona munang isipin ang tungkol doon.

Nang makababa ako ay agad akong pumwesto sa tabi ni Nero.

"Pa, kayo po kumain na?" Tanong ko Kay papa habang nag sasalin ng pagkain sa Plato.

"Oo, nag luto nga lang ako at sabi mo diba dadating kayo?" I smiled and nodded. I looked at him and mounted "Thank you," Papa smiled and gave me an okay sign.

"Kain ka ulit tito oh," Alok ni Shae pero umiling lang si Papa at tumayo.

"May aayusin lang ako ah, pag gusto nyo ng dessert meron sa ref, Kirito ang mga ate mo ah? Sandali lang ako," sabay sabay kaming tumango sa sinabi ni Papa bago siya tuluyang lumabas ng kusina.

"Ate Kain na kayo diyan tapos pag katapos mag pahinga na kayo," tumayo din si Nero.

"Sino mag huhugas ng mga Plato?"

"Ako syempre tapos bukas ikaw haha basta ate ah bye na sa inyong dalawa," tumingin sya lay Shae at Jane.

"Hala kami na lang ang mag huhugas nakakahiya naman," singit ni Jane, sus eh nung dito pa kami nag aaral eh lagi silang nanditong dalawa tapos walang pake.

"Oo nga Nero," sabat din ni Shae, lihim nalang akong napairap sa dalawa.

"Hindi ako na ang bahala sa mga hugasin basta kumain lang kayo dyan at mag pakabusog," Sabi niya at malawak na ngumiti.

Lihim akong napangiwi. Ano naman kaya ang sumapi sa isang ito? Dati rati lang nag mamakaawa pa siya sa akin na ako mag hugas ng plato tapos kung makapag volunteer ngayon. Tsk people changed talaga, huh.

"Sige, Nero salamat," Sabay nilang sabi at ngumiti. Nero smiled back before he finally turned his back on us.

"Parang bumait si Nero no?" Sabi ni Shae at mahina pang natawa.

"Sinabi mo pa. Anyway let's nust eat," Sabi ko at tumango naman sila bago namin pinag patuloy ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko ang dessert sa ref at nilantakan din namin iyon.

Inayos ko ang pinag kainan ko ng matapos ako at nilingon ang dalawa.

"Una nako ah? Sunod na lang kayo sakin pagkatapos niyo,"

"Sige sige bye, Nev," Ngumiti ako at nagpaalam din baho tuluyang tumaas sa kwarto ko.

Nag dive ako pahiga sa kama at kasabay non ang pag tunog ng phone ko. Bumangon aki para kuhanin iyon at tinignan kung sino ang tunawag.

Supladong Declan Calling...

Sandaling nag init ang pisgi ko, bakit sya tumawag? Napailing nalang ako at sinagot iyon.

"D-declan?"

"Where's the hi, hello? Haha anyway kamusta nandiyan na ba kayo?" He asked.

"A-ah, yeah nag papahinga na nga ako eh," Sagot ko.

"Ahh, gano'n ba? Okay mag pahinga ka muna bukas nalang or mamaya, don't forget to eat, okay?"

"S-sige ibababa k-ko na," l was about to end the call when he spoke.

"I missed you." Sabi niya at siya mismi ang nag putol ng tawag.
Bumilis ang tibok ng puso ko kaya napapikit ako at nakagat ang ibabang labi. Niyakap ko ang cellphone ko at pabagsak na humiga ulit sa kama.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon