Chapter 22

48.3K 920 25
                                    

Chapter 22

Nang matapos ang tawag ay sabay sabay kaming natawang tatlo ng bumalik sa kwarto.

"Nasa Pentagon house ang mga iyon panigurado," Natatawang sabi ko habang paupo sa kama. Sumang ayon si Shae na hindi rin nawawala ang ngiti, pati si Jane habang sinasara ang pinto ng kwarto ay tawa nang tawa.

"Malamang nga haha nag usap usap ang mga yon," si Jane, siya ang tawang tawa samin ngayon para bang hindi din inaasahan na ganon ang mangyayari.

"Ano sabi nila?" Tanong ko, kinuha ang isang unan na may mukha ng favorite anime ko at inilagay sa hita, ginawang patungan, bago tumingin sa dalawa.

Dahil may kalakihan ang kama ko ay ganon din ang ginawa nila, si Shae sa isang gilid si Jane din sa isang sulok, kaya humarap ako sa kanila.

"Wala nambwisit," iling ni Shae, na para bang alam na alam na niya ang gagawin ni Ashton.

"Nangamusta? Tas nambwisit," sabi rin ni Jane sabay iling. Parehas naman silang napatingin sakin.

"Nambwisit tas nanlambing," napairap nalang ako sa ere, sabay naman silang natawa.

"Haha pero aminin, kinikilig ka," Pang aasar ni Shae at talagamg sinundot sundot pa ang tagiliran ko.

"A-ano ba?" Hindi ako makatingin sa kanila habang imiiwas ang katawan ko, dahil naalala ko nanaman ang kalandian ni Declan kanina habang kausap ko siya sa telepono, damn him!

"O..okay sabi mo eh," She slowly said and chuckled. Umirap ako at inayos na lang ang tutulugan ko

"Let's  sleep, pagod pa rin ako hanggang ngayon," sabi ko sa dalawa, tumayo na rin sila at inayos ang hihigaan.

"Oo nga let's sleep na," humiga ako sa gitna nila. I don't  know pero gusto ko ako palagi ang nasa gitna nilanh dlaawa.

Niyakap naman nila ako parehas kaya lalo akong napangiti.

Nakapikit na ako ng may mag ring pa ang cellphone, hindi ko alam kung kaninong phone iyon kaya napabangon pako bahagya pang nagising ang dalawa dahil sa pag galaw ko.

"Let's sleep na, beb," nakapikit na sabi ni shae.

Tumango ako kahit hindi nya nakita napatingin ako sa cellphone at dali daling kinuha yun ng nakita kong akin pala ang nag ri-ring.

My fake Fiance is calling. Napangiwi ako sa biglaang pumasok sa isip ko, sounds bitter.

Sinagot ko ang tawag ng makalayo layo ako sa mga kaibigan kong natutulog na.

"Hi love, are you sleepy?" nakakatangang tanong ang bumungad sakin.

"Tingin mo ay masasagot ko ang tawag mo kung tulog ako?" medyo irita kong tanong.

"Oh? Chill, baby," He chuckled.

"Stop calling Nev! Declan! We need to sleep! We are so tired!" Tinakpan ko ang speaker ng cellphone dahil sa biglaang pag sigaw ni Shae.

"We need energy!" na ginatungan pa ni jane.

I thought they're sleeping already? Mygod.

"Haha akala ko tulog na ang mga kaibigan mo, miss," Natatawang sabi ni Declan.

"Bukas ang uwi namin Declan boy  okay? Kaya chill ka lang diyan," I said and smirked, as if he saw me.

"Yeah yeah, Goodnight love, see you tomorrow." He then ended the call. Maliit akong napangiti bago bumalik sa kama.

Nang makauwi kami ay halos hindi na rin kami mag kaintindihan pati nila Shae, dahil malapit na ang end ng school kaya abala ang lahat dumami ang mga School activities, projects  at kung ano-ano pa.

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon