12. Deities

71K 3.6K 791
                                    

KINABUKASAN ay pumayag na ang nurse na papasukin ako. Kaya heto kami ngayon nina Rivan at Helix, papunta sa guild namin.

"Tsk, bakit ba nandito ako?! Hindi n'yo man lang ako kinonsulta bago ako isinali!"

Maliban sa huni ng ibon at ang pagkaluskos ng mga dahon, ang nakaiiritang boses ni Helix ang kanina pa nag-iingay. Kanina pa nagrereklamo si Helix kay Rivan na kagaya ko ay biglaan ding isinali sa guild ng Deities. Sinabi sa akin ni Rivan na ang nakatataas daw ang nagdesisyon n'on.

Dahil sila raw ang kasama ko nang atakehin kami ay mas makabubuting ditong guild na rin daw ako sumali dahil tutal naman ay ako rin ang gustong kunin ng mga umatake sa amin.

Palaisipan pa rin sa akin ang rason kung bakit may gustong kumuha sa akin mula sa dark guild. But all I can do now is wait for more information as I try to find out what my gift is.

Hindi ko pa nakakausap si Helix mula nang magkaroon ako ng malay. Ang sabi ni Luxxine ay hinihintay niya 'ko na magising, pero hindi naman niya 'ko pinuntahan o kinausap man lang nang nagising na 'ko. Hindi pa tuloy ako nakapagpasalamat sa pagligtas niya sa buhay ko.

"Oh come on, guys! Mag-e-enjoy kayo! Dapat nga ay magpasalamat kayo dahil tinanggap kayo ng guild. Maraming gustong sumali sa Deities pero hindi sila nakasali," pagmamalaki ni Rivan sa amin.

"Eh 'di dapat sila ang isinali niyo, hindi akong ayaw sumali," pagmamaktol ni Helix.

His hands are inside his pockets while pouting. As usual, his necktie is still loose. Hindi na lang pinansin ni Rivan ang sinabi ni Helix na para bang nagbingi-bingihan habang patuloy kami sa paglalakad sa gubat.

Hindi rin nagtagal ay naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko, hudyat na wala ng puno sa dinaraanan namin. Bumungad sa amin ang isang malawak at patag na lupain kung saan nakapuwesto sa gitna ang isang malaking kastilyo. Parang katulad ng Academy pero mas maliit ito.

May pitong pillars na nakalagay sa harap na nagsisilbing taga-alalay ng istruktura. Ang paligid ay napapalibutan ng iba't ibang kulay ng bulaklak na nagbabago ang kulay kapag natatamaan ng sikat ng araw. There are also huge mushrooms beside the guild and a large fountain that has glowing fishes.

Namamangha at hindi ako makapaniwalang nakatingin dito. "P-Paano tayo nakapunta rito? Eh no'ng ako 'yong nag-iikot ay wala naman akong napuntahang ganito," nagtatakang tanong ko kay Rivan.

He flashed a smile. "Because only the Deities can find our guild. Dahil isa akong Deity ay napuntahan natin ito. Don't worry, once na magkaroon na kayo ng symbol ng pagiging Deity ay hinding-hindi na kayo maliligaw," pagpapaliwanag ni Rivan habang sinusundan namin siya papunta sa kastilyo.

"You mean tattoo?"

"Yup!"

Nang makapunta kami sa harap ng kastilyo ay unti-unting bumukas ang malaking pinto nito. Bumungad sa amin ang malawak na loob ng guild.

Mayroong tatlong palapag ang guild. Open ang lobby nito kung saan nakikita namin ang mga silid sa pangalawa at pangatlong palapag. Puno ng mga upuan ang bungad kung saan sumalubong sa amin ang mga miyembro.

"Cleofa!"

Nabigla ako nang may pamilyar na tumawag sa akin sa kung saan. Tiningnan ko ang puwesto nito at nakita ko si Alvis na nakaupo sa isang lamesa habang kumakaway sa akin.

My expression immediately lightened, and I flashed a smile when I saw him. Agad akong kumaway pabalik sa kaniya.

"Okay, guys, welcome sa guild! Siguro ay kilala n'yo na sila, sila ang mga rookie na nakasali sa guild ngayong taon," sambit ni Rivan.

Agad na lumapit sa amin si Alvis na nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik dito, pero agad napawi ang ngiti ko nang makita ang kasama niya.

Bakit pa siya sumali rito?

"Malamang ay kilala n'yo na sila or namukhaan n'yo na. Cleofa and Helix, they are Alvis and Risca," pag-uumpisa ni Rivan.

Ngumiti sina Alvis at Risca kay Helix, pero pagdating sa akin ay inirapan niya lang ako. Pasimple akong napaismid sa inakto niya. I really hate this woman.

Ilang minuto pa lamang ang lumipas nang makarating kami sa guild nang muling may dumating sa loob. Malakas ang pagkakabukas ng pinto, dahilan para makuha nito ang atensyon namin.

"Kompleto na ba sila?" sambit ng isang babaeng may tono ang pananalita.

Pare-pareho kaming napalingon sa babaeng bagong dating. Kaagaw-agaw pansin ang sobrang asul niyang buhok. It looks so blue like the ocean.

Is that even real?

Her hair is in ponytail. Naka-unbutton din ang unang dalawang butones sa uniporme niya. Though, hindi maitatago ang magandang hugis ng katawan nito.

Nang makalapit siya sa amin ay tiningnan niyang mabuti si Alvis na matamis na nakangiti sa kaniya.

"Ito na ba ang mga tiyanak?" tanong ng babae.

Pansin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Risca at pagkunot ng noo ni Helix. Samantalang nanatiling nakangiti si Alvis sa babaeng kaharap na para bang sarkastikong nagpapakita ng respeto.

Pilit na tumawa si Rivan sa sinabi ng babae. "Ikaw talaga. G-Guys, ito nga pala— "

"I'm Aqua, the heiress of Poseidon."

Hindi na pinatapos ng babae ang sasabihin ni Rivan at inunahan na niya ito. Ngayon pa lang ay masasabi ko na, hindi mo basta-basta puwedeng banggain 'tong si Aqua dahil sa tingin pa lang niya ay parang mangangain siya ng tao.

She has an aura different from others.

Maybe if I see her somewhere, I may have thought that she was an angel. Not until when I got to see her closely.

"Eh, ikaw? Sino ka naman?" panimula ni Aqua kay Alvis.

"I'm Alvis, Zeus' heir, ma'am," nakangiting pagpapakilala ni Alvis na walang bahid ng takot sa mukha.

Tinaasan lamang siya ng kanang kilay ni Aqua at tumingin naman kay Risca. "And you?"

"I-I'm Risca, Amphitrite's heiress p-po," nauutal na pagpapakilala ni Risca.

Both of Aqua's eyebrows rose.

"Oh, magkakasundo tayo." Ngumiti siya bago lumipat ang tingin niya sa lalaking kasama ko.

Parang bangag si Helix dahil nakipagtitigan lang din siya kay Aqua. Kumunot ang noo ng babaeng kaharap namin at bakas ang pagkairita sa lalaking kasama ko.

"Ano? Malalaman ko ba kung sino ka kapag tinitigan mo 'ko?" giit ni Aqua rito. The guy beside me gave her a lazy look. Hindi nagtagal ay kumurba ang labi ni Helix sa sinabi ni Aqua na ikinairita nito base sa itsura niya.

"Gustong-gusto mo agad akong makilala? Pati ba naman ikaw, magkakagusto sa 'kin?" nakangising sambit ni Helix.

Pare-pareho kaming napaawang ang mga bibig sa kakapalan ng mukha ni Helix. Nakita ko ang pagpigil ng tawa ni Rivan sa gilid namin at ang pag-iwas ng tingin ni Risca sa amin.

"W-What the ... paano napunta rito 'tong ungas na 'to?!"

Tiningnan ni Aqua si Rivan para humingi ng sagot, pero umiwas lamang ito ng tingin na nagpipigil ng tawa.

"Okay, if you really want to know it, I'm Helix, Hephaestus' heir, Miss A-qu-a," pagpapakilala ni Helix.

Kitang-kita ang pagkairita ni Aqua kay Helix. Maski ako ay hindi ko alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha 'tong kasama ko.

"I hate fire," tipid na sagot ni Aqua. Tinapunan muna ng masamang tingin ni Aqua si Helix bago napunta ang tingin nito sa akin.

It felt like time slowed down when our eyes met. Tila para siyang nabigla nang makita ako, pero hindi niya ito ipinahalata. "I-Ikaw?" Pagtaas niya ng kilay.

"I-I'm Cleofa po. I'm sorry, but I don't know from whom I inherited my gift," sambit ko.

Inosente ko siyang tiningnan habang may kung ano'ng bumabagabag sa kaniya. Ilang segundo rin siyang natulala bago muling magsalita.

"You really look like someone I know."

Nocturne Academy: School For The Gifteds (PUBLISHED UNDER PSICOM)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz