CHAPTER 1- Welcome to L Academy Liah

7 1 0
                                    

Liah's POV

"Answer your papers quietly and read the instructions carefully. I don't want anyone glancing around because that would be considered as cheating. The test will be 150 items and the time you will consume is 1 and a half hour only.", ani ng Proctor sa harap namin.

Ayon sa kanya, siya si Mr. Bolol, one of the professors here in L Academy. May kasama pa siyang isang Proctor na nagbibigay naman sa amin ng test papers. Sa ngayon, nagte-take kami ng entrance exam.

L Academy is one of the prestigious school in the Philippines and definitely, isa sa mga eskuwelahan na mahal ang tuition. Kaya marami ring nag-eenroll na mayayaman, but it doesn't mean na makakapasok ka agad. Dadaan ka rin sa mano-manong process gaya na lang ng ginagawa namin ngayon.

Mr. Bolol glanced in the clock just above the board. Napatingin din kami dun.

"It's already 10:25 am so we will start at exactly 10:30 and we will end it at exactly 12:00nn. If you have any questions, raise your hand and approach us your proctors. Well, goodluck guys and give your best.", sabi pa niya at saka kami tinalikuran.

Kanina ko pa napapansin, ang taray niya kasi with matching taas-kilay pa nung sinabi niya sa amin ang pang-huli niyang linya. Bulol naman sa letter r, hahahaha... bagay sa kanya ang apelyido niya. Napangiti naman ako sa naisip ko.

Binati rin kami ng kasama niyang Proctor na goodluck na may kasamang smile pagkatapos niyang mabigay ang lahat ng papel sa amin. Hayy, buti pa siya. Anyways, pabayaan na nga si Mr. Bolol. Hahahaha, nakakatawa talaga pangalan niya.

Nagsimula na akong sagutan ang papel ko at hindi ko namalayang tapos na ako. Hinilot ko sandali ang batok ko bago tumingin sa relo ko. 11:45? Hmm... may 15 minutes pa. Ayos!

Luminga ako sa paligid ko kung sino ng tapos pero nagulat ako nang dalawa na lang pala kaming nagtetest. Tumayo na rin 'yong kasama ko at nagpasa na ng papel kaya naman wala na akong nagawa kundi ipasa na rin ang papel ko sa harap. Tinitigan pa ko ni Mr. Bolol at tinignan saglit ang papel ko. Nagtaka naman ako. 'Nung problema nito?

"Miss Liah Kesh Chua?", basa pa niya sa pangalan ko na nakataas ang kilay.

"Yes, Sir??", tanong ko habang pinipigilan ang sarili na magtaray pabalik.

'Relax, Kesh. Control yourself... Teacher 'yan, at ikaw, estudyanteng maganda lang...', pagpipigil ko sa sarili.

Huminga naman ako nang malalim at nginitian ko nang todo si Mr. Bolol. Nang makita naman niya 'yon, mas lalo pa ata siyang nainis. Hehe, sige lang, mainggit ka sa ganda ko, bwahahahaha...

"Nothing. You may go.", pagpapalayas niya sa akin na parang binubugaw ako. Tss, mukha ba kong langaw? Pasalamat sya at 'di ko na siya nasagot...

Iiling-iling naman akong tinalikuran siya pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa. I glanced at my watch again at nagpalatak. Tss... naubos ang 10 minutes ko sa kanya! Kainis!

Papalabas na ako ng room nang bigla kong narinig na may tumawag sa napakaganda kong pangalan.

"LIAAHHHH!!!!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang bestfriend kong hinihingal na tumigil sa harap ko. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao kaya naman inis ko sana siyang pagsasabihan nang sumingit si Mr. Bolol sa'kin.

"Don't you have manners? There are still answering the test from other rooms and this is a hallway. Hindi dapat kayo sumisigaw dito! 'Ke bago-bago nyo palang at hindi pa nga kayo officially enrolled, lumalabag na agad kayo sa rules and regulations!!", panenermon ni Mr. Bolol.

His Penmanship (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now