FATE 5

2 0 0
                                    

CHAPTER 5 : CONFESSION

Juliet's POV

15 minutes...

15 minutes nalang Juliet at tapos na ang klase. Kaunting tiis pa. Ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood makinig ngayon. Siguro dahil kagagaling ko lang sa sakit?

Anong klaseng rason yun Juliet?

"Ms. Montalia are you still listening?" Napatingin ako kay sir Joel.
"P-po?" Biglang nagbago ang expression ng mukha niya.
"Stand up." Halata na naiinis na siya!
Di na ako umangal at tumayo nalang.
"Kung talagang nakikinig ka kanina? Ano yung tinanong ko?"
Tanong ni sir atsaka kinuha yung mahiwagang index card.
"Yung tanong niyo po kanina?"
Paguulit ko sa sinabi niya.
"Yes." Matigas na sagot ni sir. Oh-oh!
"Yung tanong niyo po kanina sir ay. K-kung nakikinig po ako." Sagot ko.
"WHAT?!?!" hala galit na nga!

"D-diba po sir tinanong niyo po ako kanina? Ang tanong niyo nga po ay 'Ms. Montalia are you still listening?' " panggagaya ko sa tanong niya.
"Get out of my class! Get out!!!!"
Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko. Aish!! Kinuha ko na yung bag ko tapos lumabas na. Saan ako pupunta nito ngayon?

Nandito ako ngayon music room. Kinuha ko yung gitara at nagsimula nang mag-strum. Kapag wala akong magawa, bukod sa cellphone, music ang pantanggal ko ng bagot. Tinugtog ko yung kantang 'Huwag na huwag mong sasabihin' by Kitchie Nadal

'Oh....

huwag na huwag mong sasabihin

Na hindi mo nadama itong,

Pag-ibig kong handang

Ibigay kahit pa kalayaan mo...'

Ang ganda nang kantang yan. Ang sakit-sakit nung message lalo na sa chorus. Kahit NBSB ako, ramdam ko yung kanta. Par---------

"Wow. Ang galing mo palang kumanta?"

"----AY KABAYONG MARIKIT!!!!" Nakakagulat naman itong lalaking 'to!

Bakit ba kung nasaan ako, laging nandun din 'to?!

Stalker yata to eh! Kainis!!!!



Jules' POV

Nandito ako ngayon sa canteen para malamang bumili ng pagkain.

Tinignan ko yung phone ko at wala akong nakita kahit isang message. Grabe naman! Wala manlang bang magchachat o kahit text manlang???

Si Alexa naman hindi parin nagtetext simula pa kanina. Sinamahan ko kasi siya sa library kanina tapos paglabas namin, sinabihan ko siya ma itext ako kapag-nakarating na siya sa room nila. Pero hanggang ngayon di parin nagtetext. Langya!

Oy take note!!! Tropa na kasi kami ngayon. Oo tama tropa! *tango tango*

Hindi naman sa s------

"Hey dude!"

"----AY KAMBING NA UMAAWIT!" ANO BANG TRIP NANG LALAKING ITO AT BIGLA BIGLANG SUMUSULPOT?!

"Alam niyo, nagtatampo na ako sa inyong magkapatid ah?! Kanina nasabihan ako ng kakambal mo na 'Kabayong Marikit' tapos ikaw naman sinabihan akong 'Kambing na Umaawit.' Mukha ba akong hayop ha?!" Halata ang inis sa mukha ni Quin. Tss...

"Oo nga pala, nakita mo ba si Gab?kanina ko pa siya hinahanap eh." Dagdag pa niya.

"Hindi eh. Ewan ko ba sa lalaking 'yon. May problema yata." Sagot ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FateWhere stories live. Discover now