47 - Sanity Gone

2.5K 75 6
                                    

After 10 months...

"Krystal! Krystal! Nasaan ka na?! KRYSTAL!"

Narinig ni Krystal ang mga tawag ng mga nurse sakanya pero wala siyang pakealam, pilit niyang tinatago ang sarili niya para hindi siya makita ng mga to. Ayaw na niya bumalik sa kulungan niya. Ayaw niya marinig ang mga sigaw ng mga kasama niya doon sa kulungan na yun. Tumingin siya sa paligid, nakarating pala siya sa gubat.

Napatingin siya doon sa mga nurse na naghahanap sakanya, mukhang napagod ang mga ito sa kakahanap sakanya dahil tumalikod na ang mga ito at lumakad palayo. She sighed. Nagpatuloy siya sa paglakad, pagpasok sa kagubatan. Puro mga huni ng ibon at insekto ang naririnig niya, umaga pa lang naman ngayon kaya hindi naman siya siguro madidisgrasya.

Ang kailangan niyang gawin ngayon ay pumunta sa pinakamalapit na lungsod, kumuha ng damit at magsimula ng panibagong buhay. She bit her lower lip. Panibagong buhay? Ang isang katulad niya ay magsisimula ng panibagong buhay? Simula nawala ang taong pinakamamahal niya ay ang alam niya, tapos na ang buhay niya at kahit kailan, hindi na siya makakapagsimula ng panibagong buhay.

Simula nang namatay si Kai ay gumuho na ang kanyang mundo. Nawalan siya sa sarili at lahat ng mga naging kaibigan niya at ang pamilya niya ay inatake niya, ilang buwan siyang nagkulong sa kuwarto, hindi kumain at uminom, unti-unti na siyang naging baliw hanggang sa isang araw...dinala siya sa lugar na hindi niya alam, dahil hindi niya alam, inatake niya ang mga ito pero mas lalo niyang napahamak ang sarili niya a sa huli, kinulong siya ng mga to.

Paminsan minsan ay binibisita siya ng mga magulang at mga kaibigan niya pero umabot ng dalawang buwan ay hindi na bumisita ang mga ito sakanya. Nalaman laman niya kay Luhan na ang mga magulang niya ay nagkaroon ng malaking away, naghiwalay at nagkanya-kanya na sa buhay. Nasa kolehiyo na ang mga kaibigan at mga classmates, kaya naman masyado ng abala ang mga to para bisitahin siya.

Simula nun, nawalan na siya ng pag asa, nawalan na rin siya ng tiwala sa mga tao. Ang pinaniniwalaan na lang niya ngayon ang sarili niya. "Aray..." wika niya, tinignan niya ang kanyang paa at tuloy tuloy lamang ang buhos ng dugo. Napangiwi naman siya. Napalinga linga siya at may nakita siyang dahon na ayon sa nabasa niya, ay madaling makakahilom ng sugat. Pumitas siya ng dalawa at binalot niya ito sa paa niya.

She sighed in relief nang humina na ang buhos ng dugo sa paa niya. Mukhang nakakatulong din pala yung binibigay ng mga nurse sakanya. She decided to rest, medyo malayo layo rin naman siya sa kulungan na tinatakbuhan niya eh. Panigurado, mamaya maya pa nila hahanapin siya kaya mas mabuti na mamahinga muna siya, malayo layo pa ang tatakbuhan niya.

Napahawak siya sa pocket niya, may nakapa kapa siya, kinuha niya ito at nagulat siya na tumambad sakanya ang necklace na binigay sakanya ni Kai dati. Isang iglap lang, naalala niya si Kai. Ang ngiti, tawa, luha, mata at lahat lahat ni Kai. Naalala niya si Kai at isang iglap lang ay biglang naluha ang kanyang mga mata at ang luha ay naging hagulgol na.

Ilang buwan ng patay ang pinakamamahal niya. Nagbago ang buhay niya nang namatay si Kai. Ang raming nangyari at hindi mo aakalain na magiging ganito ang buhay niya dahil lang sa pagkawala ng pinakamamahal niya pero masisisi ba siya? Si Kai ang pinakamamahal niya sa lahat. Gagawin niya ang lahat para sa binata, mas mahal pa niya si Kai kaysa sa buhay niya, si Kai lang...masaya na siya, masayang masaya na siya.

Pero anong nangyari? Yun lang ang kasiyahan niya ay nawala na parang bula.

"Ang sabi mo...hindi mo ako iiwan, Ang sabi mo...habang buhay tayo, Ang sabi mo...magpapakatatag tayong dalawa, Ang sabi mo...malalagpasan natin ang mga problema natin pero anong nangyari Kai? anong ginawa mo saakin? Hindi mo lang ako iniwan...pero sinira mo rin ang puso ko...ang pagkatao ko...ang buhay ko....Manloloko ka!" She screamed from the top of her lungs at tinapon niya ang necklace sa pinakamalapit na bangin.

Pero bigla niyang narealize kung anong nangyari, kung anong ginawa niya... "Hindi...Hindi...Ang necklace ko!" At nawala na...The necklace was vanished into thin air. Hindi na niya muli makita ang necklace na binigay sakanya, naiiyak siya, ang tanga tanga niya! Hindi naman kasalanan ni Kai kung bakit nagkaganito siya eh, hindi naman kasalanan ni Kai eh...

She stood up. Kailangan niya kunin ang necklace, tinignan niya ang bangin at sobrang lalim nito, mataas ang tsansa na mamatay siya. Pero...importante pa ba yun ngayon? Wala na siyang pamilya, matagal na siyang iniwan. Ang mga kaibigan niya, unti-unti na siyang nakalimutan at si Kai...ang pinakamamahal niyang si Kai...ay hinihintay lamang siya sa kabilang buhay.

She smiled habang tumutulo nanaman ang kanyang mga luha. She spread her hands at ramdam niya ang hangin. "Magkikita muli tayo Kai..."

And then she jumped.

Courting KaiWhere stories live. Discover now