One Afternoon (One shot)

54 0 0
                                    

Biglang umihip ang malakas na hangin at tumama sa mga sanga ng puno sa parke na siya ding bumasag sa katahimikan nina Steph at Luisito.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Muling tanong ni Steph sa nobyo na sa puntong iyon ay walang kibo.

"Wala ka man lang bang sasabihin?!"

Sandaling tigil.

Dahan dahang liningon ni Luisito si Steph.

"Anong gusto mong madinig?"

"Kahit ano!? Murahin mo ako!! Sabihin mo sa akin yang nararamdaman mo!! O kung maari saktan mo ako!!" Galit na tugon ni Steph.

Na nanatiling kalmado si Luisito, ngunit makikita mo sa mga mata nito ang sakit na kanyang nararamdaman na hindi niya kayang masabi sa nobya.

Tatlong taon din nag sama ang dalawa at ni minsan ay hindi nag away o nagalit si Luisito kahit pa labis labis ang ginagawang kawalanghiyaan ni steph..

Wala kasi sa bokabularyo ni Luisito ang salitang pakikipag talo marahil yun ang nagiging dahilan pa minsan ni Steph kung bakit may pagkakataon na gusto na nitong makipag hiwalay...

"Putangina naman Luisito!" Biglang hinablot ni Steph ang braso ng nobyo "sige sampalin mo ako!"

"Hindi ko kayang saktan ka"

"Bakit? Na duduwag ka? Saktan mo ako!!!!!"

"Steph tama na! Alam mong hindi ko kayang gawin yan...."

Bahagyang natahimik si steph.. Hindi ito mapakali, nag simula na rin na man lamig ang kanyang pakiramdam..

Dahil gusto na niyang sabihin kay Luisito ang tinatago nitong lihim..

"Buntis ako" muling na balot ng katahimikan ang paligid..

Hindi agad naka kibo si Luisito bagkus ay na palunok na lamang ito, at ang mga labi niya ay bahagyang na nginginig na rin.

"Alam ko..." Sagot ni Luisito na nag pipigil ng luha..

Humugot ng malalim na hinga si Steph.

"Hindi ikaw ang am--"

"Si kuya Roberto" inunahan na niya si Steph sa pag sabi.

"Paano mong nalaman?"

"Matagal ko ng alam ang tungkol sa inyong dalawa."

"Bakit wala ka man lang ginawa?"

"Dahil...."

"Sige sabihin mo!"

Tanging iling na lamang ang naisagot ni Luisito.

"Bakit ka ba ganyan ha!!! Bakit??? Bakit kahit anong gawin ko na nanatili ka pa ding mabait sa akin?"

"Dahil mahal kita... Na kahit masakit na makita kitang masaya sa piling niya tinatanggap kong lahat... Kasi alam kong hindi ko kayang ibigay ang sayang naibibigay niya... Alam mo bang sa tuwing ipinararamdam mo sa akin na hindi mo na ako mahal awang awa ako sa sarili ko kasi nag mumukha akong tanga... Pero ayos lang kasi kahit papaano nandiyan ka...

Eto, eto ang gusto mong marinig hindi ba? Ayan na rinig mo na..."

Bahagyang di nakapag salita si Steph sa hiya.. Mabilis na bumuhos ang luha sakanyang mga mata...

"Hindi ako karapatdapat para sayo... Isa akong maruming babae... Kaya ako na lang ang aalis sa buhay mo... "

Tumalikod si Steph ngunit agad na nahawakan ni Luisito ang braso nito..

"Anong balak ni kuya roberto sa bata?"

Umiling si Steph.

"Luisito... Nahihiya ako sayo... Sa lahat ng kabaitan na ipinakita mo sa akin ay ganito pa ang iginanti ko... Ngayon naging karma ko ang pagkakaroon ng anak sa kapatid mo napaka wala kong kwentang tao!!!"

Hinampas hampas ni Steph ang tiyan niya dahil sa kahihiyang dala niya sa pamilya ni Luisito.

"Ako... Ako ang aako sa bata na yan kung hindi kayang panindigan ni kuya roberto"

"Hindi mo kailangan gawin ang bagay na yan.. Kaya ko ang sarili ko... At ang isa pa, paano pag nalaman ng pamilya mo ang tungkol sa amin ng kapatid mo ano na lamang ang sasabihin nila sa akin? Sayo? At sa magiging anak ko?"

"Mag papakalayo layo tayo at kakalimutan ang nang yari...."

"Luisito..."

"maging tanga man ako sa desisyon ko na ito... Wala na akong pakialam... Ang mahalaga ay kasama kita at mahal kita... Kaya kong tanggapin ang lahat ng ginawa niyo ng sarili kong kapatid na pagtataksil sa akin..."

Napatingin na lamang si Steph kay luisito... Hindi nito inaasahan ang magiging pag tanggap sa sinabi niyang lihim... Kaya mas lalong bumuhos ang luha sakanyang mga mata.

"Sshhh... Tahan na..." Yinakap ni Luisito ang nobyang si Steph, na agad din namang gumanti ng mahigpit na yakap sakanya.

Ang pagluha ay nauwi sa hagulgol na parang isang batang naagawang ng candy...

"Tama na.... Wag kang mag alala... Di kita iiwan..."

.....

----- @DJNARJLOZANO14






ONE AFTERNOONWhere stories live. Discover now