Kabanata 34

57.3K 1.8K 162
                                    

Kabanata 34

Nanginginig ang mga kamay ni Adrianna habang inaalalayan ko siyang makaupo sa pangdalawahang couch sa living room namin. I glanced at Christian who's standing just meters away from us. The moment he met my eyes, his finger pointed our room upstair and I just nodded. Ang ibig sabihin lang no'n ay iiwan niya muna kami para magkaroon kami ng privacy ng kapatid ko.

"I can't understand them, ate. Bakit pati naman buhay ko ay papakielamam nila? Hindi pa ba sila nakuntento na minanipula ka nila?" garalgal ang boses na sambit ni Rian.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Kasabay noon ay pag akbay ko sa kanya at hinila siya palapit sa akin. Her sobs only became more hysterical. Huminga ako ng malalim at marahang hinaplos ang likuran niya.

"How did you know about it? Sinabi nila sa'yo ng harapan?"

"Yes! Kaninang umaga habang nagaalmusal kami ay walang pakundangan na binanggit iyon ni Daddy. Sinabi nila iyon sa akin na para bang ang simple-simple lang no'n!" hinanakit niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.

My heart clenched everytime I hear the crack in my sister's voice. This is one of the few times I saw her breaking down. Madalang umiiyak ang kapatid ko. Sa aming dalawa ay siya ang mas matapang at kayang panindigan ang bawat desisyon. She knows how to fight for her decision mostly if she knew that she's heading in the right way.

"Do you want me to talk to them, bunso? Susubukan ko silang pakiusapan-"

"Hindi sila makikinig sa'yo, ate. You know how stubborn they are when it comes to us! Sarili lang nila ang iniitindi nila!" Umahon siya mula sa pagkakayakap ako at namumula ang mga matang hinarap ako. "May naalala ka bang panahon na nakinig sila sa atin? Wala, ate. All we can remember is how controlling and strict they were when it comes to us!"

She's right. Ni minsan ay wala akong maalala na pagkakataon na pinakinggan nila kami sa mga hinaing namin. Noong sinabi nilang ipapakasal nila ako kay Christian, hindi ako nagsalita o tumanggi pero alam kong ramdam nila sa akin ang disgusto pagdating sa desisyon nilang iyon. They still continued doing the pragmatic marriage and thought that it's successful since Christian and I never fight or even got a problem.

Ngayon nga ay inaakala pa nilang magkakaanak na ako sa kanya. Little did they know that what Christian and I have between us is plain friendship. Nagpapasalamat na lang talaga ako na kaibigan ko ang lalaking napili nila para sa akin.

"What's your plan?" I asked as soon as I'm done with my thoughts. "Kilala mo ba ang ipapakasal nila sa'yo?"

She wiped the tears away from her cheeks and shook her head. Kakapunas lang pero hayun at may panibago na namang luha ang umalpas mula sa mga mata niya.

"Hindi ko kilala at hindi ako interesado kilalanin pa siya, ate. I can't let our parents manipulate my life!"

"Ano ngang plano mo kung ganoon?"

Tinitigan niya ako sa mga mata, tumagal ng ilang segundo bago niya ibinukang muli ang kanyang labi.

"Susuportahan mo ba ako?"

Tipid akong ngumiti. "Kailan ba kita hindi sinuportahan, Rian? Kahit anong maging desisyon mo, palagi mong iisipin na nasa likod mo lang ako."

Another set of fresh fat tears cascaded down her pinkish cheek. She threw her hands around my neck and embraced me. Along with it are her hysterical sobs that made me shed some tears.

"Thank you, ate. Thank you so much." she whispered.

All throughout my life, I've never wish anything for myself. Ang sabi ko noon, ang nararamdaman at kapakanan lang ng kapatid ko ang importante sa akin. Ayos na ang buhay ko na lang ang kinontrol ng mga magulanv ko, huwag na lang sana ang pati ang sa kapatid ko. Pero heto at nangyari pa rin. Hindi pa rin sila nakuntento.

Monasterio Series #2: After All Where stories live. Discover now