Chapter 7

982 41 8
                                    


Ingrid's POV

"What do you mean you lost my daughter!?" Singhal ni Jordan.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang malaman kong nawawala si Lauren kaya pinaupo muna ako ni Jordan sa wooden bench habang galit na sinisigawan ni Jordan ang mga civilian bodyguards especially si Alex. Sa kanilang lahat, si Alex ang pinaka pinagkatiwalaan namin sa anak namin.

We're here at the mall. Dire-diretso kami pumunta rito ni Jordan nang bigla kaming tawagan ni Alex while we're on our way home, telling us na nawawala ang anak ko.

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang marinig ko ang balita na iyon, nag-aalala at hindi ko na rin magawang mag-isip ng tuwid dahil ang tanging laman lang ng isip ko ay kung paano at saan namin hahanapin ang anak ko.

Wala akong tigil sa pag-iyak habang taimtim na pinagdadasal ang kaligtasan ng anak ko. She's just seven years old for Pete's sake! Wala siyang kalaban-laban sa mga taong dumakip sa kanya. Kung ano man ang atraso namin sa kanya, sana kami nalang ni Jordan ang pinag-interesan niya and not our daughter!

"Ang dami-dami niyo! Ilan kayo.. Almost sampu kayong nakabantay sa kanila!" Sa tagal namin nagsasama ni Jordan, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganyan. He's in rage and I can't blame why Jordan is mad right now. He's just being overprotective to Lauren at kahit sinong ama magagalit kapag nalaman na nawawala ng mga taong pinagkatiwalaan niya ang anak niya.

"Pare, huminahon k—-" Hindi na naituloy ni Alex ang sasabihin nang biglang kinwelyuhan siya ni Jordan.

"Isa ka pa! Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko!" Singhal ni Jordan.

Hindi nakasagot si Alex. Napayuko lang siya sabay buntong-hininga, inaamin na may pagkakamali nga siya kung bakit nawala nalang bigla ang anak namin. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ilang tao kaya tumayo na ako saka hinawakan ang braso ni Jordan to make him calm.

Kilala ko si Jordan. He's uncontrollable when he's angry. Nag-aalala lang ako dahil baka kung ano pa ang magawa niya kay Alex.

"Love, please tama na. Walang mangyayari kung mag-aaway lang kayo rito. Instead, we should start finding our daughter." Hinigpitan pa lalo ni Jordan ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo habang tinitignan si Alex gamit ng kanyang nanlilisik na mga mata.

I could see through his raging eyes that he wants to punch Alex so bad kaya mas lalo ko ring hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso to pull him away from Alex.

"Fuck!" Singhal niya. Binitawan na niya si Alex mula sa pagkakahawak sa kanyang kwelyo saka frustrated na napahawak sa kanyang ulo. Hinila ko naman siya palayo saka pinaupo sa wooden bench na inupuan ko kanina to make him calm.

"We'll find her." I almost whispered habang inaalo ang kanyang likod. Napahilamos siya sa kanyang mukha and his eyes were bloodshot. Tears started to roll down his face so I quickly wiped it using my thumb then cupped his cheeks. "Mahahanap din natin si Lauren, love." Sabi ko.

Hindi nakasagot si Jordan. Bagkus, bigla nalang niya akong niyakap ng sobrang higpit saka ibinaon ang kanyang ulo sa aking leeg. I knew he was already crying when I heard his silent sobs and felt some drops of warm liquid that touched my skin which I believe is his tears.

Conquering OASISWhere stories live. Discover now