ONE SHOT

27 4 0
                                    


     "HAPPY Birthday, Maeve. " (meyv)

     Agad akong napangiti pagkabasa ko ng mensahe niya. Talagang saktong alas dose at siya ang kauna unahang bumati sa'kin sa araw na ito.

"Salamat po, Jethro. Hahahaha. " tugon ko. Medyo nag aalinlangan talaga akong isend iyon dahil parang ang bastos yata ng dating ko.

"Ay naks, Jethro daw oh. Walang kuya? Hahaha joke. Anyway, bakit gising ka pa?" aniya. Sinabi ko namang nais ko lang salubungin ang araw na ito.

At habang naghihintay ng reply niya ay nireplyan ko muna ang barkada kong sunod sunod din nagsibati sa akin. Saka ko lang naalala yung kalokohan naming magtotropa nung isang araw, ang sabi nila ay ayain ko raw lumabas si Jethro sa mismong araw ng birthday ko. Wala naman daw mawawala kung susubukan ko.

Eh kung subukan ko nga kaya?

Huwag na. Parang nakakahiya naman.

Kahit hindi naman na kami madalas magkikita sa school?

Ugh ano ba yan. Parang gusto ko na ayaw ko gawin. Hahaha.

Binalewala ko na muna ang ideyang ito dahil nagreply na pala sa messenger ang mahal ko- este si Jethro.

"May plans ka for today? Libre naman dyan. Hahaha kidding."

"Pa kidding kidding pa, totohanin na kasi. " sambit ko sa sarili ko. Para tuloy akong tanga dito na kinakausap ang sarili.

"Wala e, sa isang araw na lang daw kasi uuwi sa probinsya si Paola. Pag kumpleto na ulit kami. " reply ko. Si Paola ay isa sa tropa namin, madalas kasi itong umuwi sa probinsya kapag weekend at dahil sabado ngayon ay umuwi siya.

"Unless gusto mo? HAHAHA joke one half" pahabol chat ko. Magreremove message na sana ako- TAS BIGLA NIYANG SINEEN. Ay tangina. Hala shit. Nakakahiya ka, Maeve. Imbyerna. Hmm, pero niremove ko pa rin.

"Uy, nakita ko yun. Hahaha. Free naman ako bukas, saan ba?"

Napakurap pa ako ng ilang beses pagkabasa ko ng reply niya, gago? Legit ba'to?? Tinatanggap niya invitation ko?? Pereng shira! Anuba!

"Hala, totoo ba? HAHAHA baka paasa ka ha. " reply ko, mahirap umasa. Iba na yung sigurado, ano.

"Haha oo nga, birthday gift ko na rin sa'yo at pambawi sa mga effort mo sa klase last sem haha" aniya. Semestral break kasi ngayon, share ko lang, oo. Pero nilapag ko muna saglit ang cellphone ko at nagpagulong gulong dahil sa labis na kilig. Shet, may date kami ni love-- este ni Jethro bukas. Ayieeeeeut, parang shira talaga!

"As in talagang talaga? Pumapayag ka?!" reply ko ulit, para lang sure diba.

"Oo nga hahaha. Saan ba kasi?" reply niya. Agad naman akong nag isip kung saan maganda, sa sobrang taranta ko ay..

"Sa simbahan sa MOA. 11am sana?" Kung bakit iyan ang nasabi ko ay hindi ko rin alam, bahala na.

"Sige, see you tomorrow! Sleep ka na. Mag ala una na oh. " aniya. Napakagat naman ako ng labi dahil sa impit na kilig, hindi pa rin ako makapaniwala na may date kami ng lalaking mahal ko bukas.

"Goodnight. Tulog ka na rin po. See you!" reply ko, pero bago ko pinatay ang WiFi sa cellphone ko ay nagchat muna ako sa gc ng tropa namin,

Maeve: Hoooooy! May date ata kami ng crush ko bukas putanginaaaa.

Nica: Weh? tRUE BA???

Yobbie: omg kwentoooo

Paola: Maniwala kayo dyan, nagpaprank lang yan haha

Let Me Take You There (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon