THIRST 2.1 - Bad Tito

14.6K 248 14
                                    

UPON CHECKING her reflection in the mirror, Amber was finally sure that she looked decent. Sa katunayan, hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang sakit ng katawan kahit pa tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang mag-book sign siya sa SMX.
She combed her newly-cut hair. Nagpaayos siya ng buhok para sa nagdaang booksigning. She decided to have a new look. Ang hanggang bewang niyang buhok ay naging hanggang dibdib na lang. nagpalagay rin siya ng manipis na bangs na pwedeng i-side at pwede ring gawing full bangs. She even asked the salon to dye her hair with chestnut brown color.
She made sure she was wearing a very light makeup. Iyong maa-accentuate lang nang husto ang features ng mukha niya.
Amber was wearing a plain off-fuschia turtle neck blouse with long sleeves and white pants. Hindi niya naman gustong mag-dress dahil magkakape lang naman sila ni Jairus at hindi naman siya a-attend ng event. Ayaw niyang magmukhang OA ang fashion statement niya para sa araw na iyon.
Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Simpleng pagkikita lang naman iyong kung tutuusin. But the fact that it was Jairus Tan she was about to meet was good enough to make her restless.
She knew writers. Ang maliliit na detalyeng makikita ng mga ito ay isinusulat nila sa libro. Lahat ng nakikita at naaamoy, natatandaan. So she wanted to be perfect at that moment. Sakali mang magsulat ang lalaki at maisip siya, puro magaganda ang maisusulat nito.
She bit her lower lip at the thought.
Kinuha niya ang car keys at bag sa ibabaw ng kama at saka lumabas ng kabahayan. Ilang ulit niyang ch-in-eck kung naka-lock na ba talaga ang buong bahay.
Nang sumakay siya sa sariling kotse ay mabilis niya iyong pinaharurot. Ayaw niyang ma-late sa usapan nila ng kausap.
She was just on her way nang mag-text si Jairus. Naroon na raw ito sa cafe na magsisilbi nilang meeting place. Napabilis ang pagpapatakbo niya. The man was fifteen minutes early. Kung alam niya lang na ganoong klase itong tao ay mas inagahan niya pa sana.
Nice, Manila. Hindi na talaga nagbago ang lugar. Lagi na lang traffic. Hindi na maubos-ubos ang traffic. Ang sabi noon ng isang pulitikong tumatakbo sa pagkapresidente, simbolo raw ng maunlad na bansa ang traffic dahil marami na sa mga Pinoy ang may kapasidad na magkaroon ng sarili nilang sasakyan. Pero hindi ba't mas kapani-paniwalang simbolo ng pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng maayos na mga kalsada kung saan hindi na kailangang magsiksikang parang mga preso sa South Cotabato jail ang mga sasakyan?
Makalipas ang mahigit isang oras na dapat sana'y thirty minutes lang ay nakapag-park na rin siya sa harap ng cafe.
She checked herself in her small mirror. Mahirap na. Baka na-haggard siya sa traffic.
Pag-ibis niya pa lang sa sasakyan, nakita niya na si Jairus sa loob ng cafe. Abala sa hawak na phone. Napahinto siya nang matitigan ito. He was gorgeous.
Nagmadali siyang pumasok sa cafe. Napatingin pa sa kanya ang mga barista bago siya naisipang batiin.
"Hi, Sir. I'm sorry. Ang traffic," hinging paumanhin niya bago nakipagbeso rito.
Napapikit siya nang masamyo niya ang mabango nitong amoy. His hand on her back gave her an electrifying sensation.
"It's okay. Napaaga lang din siguro ako," tugon naman nito. "Anong gusto mo? Coffee?"
"Hot Jasmine Tea na lang siguro. Hindi ako nagkakape."
Jairus nodded and before going straight to the counter. Saglit lang ay bumalik na rin.
"Kamusta ka? Kamusta 'yong booksigning mo? Buti free ka ngayon?" sunud-sunod na tanong nito na para bang close na close sila.
"Eto medyo masakit pa rin po ang katawan." Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga. "Okay naman 'yong booksigning. Maraming teenager na nagpapirma, Sir."
Natawa ito. "Ikaw ah. Nabasa ko na 'yong kalahati ng libro mo," tudyo nito sabay turo sa libro niyang nasa table. Ni hindi niya iyon napansin kanina. "Kamusta naman ang pagsusulat mo ng erotic?"
Napangiwi siya. "Nakakahiya, Sir."
"Sa 'kin ka pa talaga nahiya eh mas mahahalay pa nga ang isinusulat ko noon."
Hindi na siya nakipag-argue pa rito. Pakiramdam niya, wala siyang karapatan. Isa pa, masyado siyang distracted sa mga titig ng lalaki sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwang nang dumating ang in-order nitong hot tea para sa kanya. At least, madi-distract niya ang sarili sa inumin.
"Actually, hindi po maganda ang status ng mga manuscript ko. For revision. Lahat," malungkot niyang pag-amin. "Iisa po ang problema: sexual tension. Wala na raw sexual tension ang mga libro ko. Kung meron man, pilit."
Kumunot ang noo nito. Tila naguguluhan sa mga sinasabi niya. Hindi niya tuloy alam kung kailangan niya pang magpaliwanag pero pinili niya na lang magkibit-balikat.
"What's the matter? Nabasa ko sa author's note ng binigay mong book na married ka na," he asked. "Hindi ka ba inspired sa asawa mo?"
Ngumiti siya nang mapait. "On process na po ang annulment namin. We've been apart for almost three years."
Napasimangot ito. Tatangu-tango. "I'm sorry for asking."
Pinilit niyang pagaanin ang sitwasyon. Ngumiti siya nang maluwang. "It's okay, Sir. I'm moving forward. Tagtuyot lang siguro. Kulang lang ako sa ano." Natutop niya ang bibig. Nawala sa isip niyang hindi niya pala ito kaibigang pwedeng makausap nang ganoon.
He smiled devilishly. Hindi niya alam kung bakit pero nagdulot ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ng pagkababae niya ang ngiti ng lalaki.
"Sorry po."
"So itong mga nasa libro mo, na-try mo na lahat?"
Marahas siyang napailing. "More of, fantasies ko na gusto kong ma-fulfill."
Inurong nito nang kaunti ang silya palapit sa kanya. "Kwentuhan mo nga ako."
Mabilis niyang tiningnan ang hawak na cup ng Jasmine Tea para maiwasan ang mga mata ng lalaki. God, his eyes were so piercing as if they could see what was behind her clothes.
"Well, boring naman ang sex life ko, Sir. It wasn't that cool. 'Yong ex-husband ko kasi, hindi niya gusto 'yong mga kakaibang position. Missionary lang ang gusto niya," medyo mahina ang boses na kwento niya habang pasimpleng lumilinga-linga sa paligid para siguraduhing walang nakakarinig sa kanya.
"Sinabi niya ba sa 'yo kung bakit?" he asked as if he was trying to interogate a culprit.
Nagkibit-balikat siya. "Siguro po kasi masyadong tamed ang nature niya. In fact, mas wild naman talaga ako kesa sa kanya. Mas marami po akong gustong i-explore."
He tapped her hands that were resting on the table. "Can you please stop using 'po' in every sentence? Para namang ang tanda-tanda ko na."
Napasinghap siya nang palihim. His warm, huge palm was electrifying. It was really, really electrifying. She couldn't help but wonder how tickling it would be when it touched her other body parts.
Jusko, Amber! sita niya sa sarili.
"Ay bata pa po ba kayo?" she joked while trying her best to ignore that hot feeling inside her body. Gusto niyang pagalitan ang sarili. It was just a friendly tap, for Pete's sake!
He chuckled. "Kasasabi ko lang eh. Thirty five pa lang ako. Twenty six ka na rin naman, 'di ba? Hindi naman nagkakalayo."
"Medyo malayo eh. Parang tito vibes, gano'n." Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin ang mga ganoong bagay. Perhaps she was making the atmosphere lighter because his touches did something to her system.
"I'm a bad tito," makahulugang sagot nito, staring intently at her.
Gusto niyang isiping wala lang iyon. But she knew what was written in his eyes. Desire.
Desire for her?
Ayaw niyang magmukhang assumera. But...
"Kelan ka pala available next week?" biglang tanong nito na parang balewala lang ang sinabi nito kanina.
Perhaps she was really having false assumptions. Kung minsan talaga, masyado siyang assumera. Kaya nga siguro ganoon ang nangyari sa buhay niya.
Kinuha niya ang phone at mabilis na sinilip ang Calendar. "Mga Friday po ulit siguro. Kailangan ko munang tapusin 'yong ipinapa-revise ng editor sa 'kin."
"Mare-revise mo ba 'yon nang wala ka man lang ganang pag-usapan ang 's' word? Lalo na't sabi mo nga, tagtuyot ka na," nang-aasar nitong sabi na binigyan pa ng emphasis ang salitang "tagtuyot."
Natahimik siya. Natatawang napakibit-balikat. Paano niya dedepensahan ang sarili gayong kasasabi niya lang ditong wala talagang progress ang sex scenes ng mga libro niya?
"Let's meet again if you want. Pag-usapan natin 'yong mga sexual fantasies natin. Baka makatulong sa mga isusulat natin," he offered.
Alanganin na lang siyang napangiti at napatango.

ThirstWhere stories live. Discover now