Society o Lipunan

0 0 0
                                    

"Class, ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng society o lipunan? Anyone?" tanong ni Mr. Solomon sa buong klase. Nagbubulung-bulungan naman kaagad ang aking mga kaklase.

"Sir, society is a club or organization that formed for a particular purpose or activity!" sagot ng running valedictorian namin. Nagsitanguan naman ang iba naming kaklase, tama siya.

"Yes, tama society is an organization. But, can anyone tell me what does society mean in logical way." Nagsitahimik ang lahat sa itinanong ni Mr. Solomon.

"Yes, Ms. Saga? Any idea?" tawag niya sa akin nang magtaas ako ng kamay. Nginitian ko siya bilang tugon. Naglakad ako papuntang chalkboard at kumuha ng chalk.

Nagsulat ako ng numero at in-add ito sa kaparehong numerong nauna, mula 1 hanggang 10. Nang matapos ay . . .

"Eh, bobo ka pala eh! Kailan pa naging 14 ang 6+6?" pangungutya ng isang kaklase ko, hinayaan ko na lamang ito at sumagot.

"Shhhh, quite! So Ms. Saga, ano'ng pinupunto mo?" Nginitian ko siya ulit at nagsalita.

"Iyan ang lipunan, Mr. Solomon." Nagsitawanan sila sa itinuran ko, hinayaan ko na lamang iyon at huminga nang malalim.

"Lipunan na kahit ano'ng gawin mong mabuti at tama, makikita't makikita lang nila ang mga kamalian mo."

Natahimik ang buong klase.

Walang makasagot.

Nanatili namang nakangiti sa akin si Mr. Solomon. Habang inaayos ang kanyang mga gamit. At lumabas nang aming silid aralan hudyat na tapos na ang klase.

A/N: Ang ating lipunan ay puno ma ng mga taong mapang mata na mas nakikita pa ang kamalian natin kesa sa mga kabutihang nagagawa natin. Yan ang bagong lipunan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Likha Ni Binibining SagaWhere stories live. Discover now